Nanggagalaiti pa rin ako pag naaalala ko yang joaquin bordado na yan. Bakit kamo? Ganito kasi yun.
Noong linggo kasi, dumalaw sa bahay namin ang tita ko (kasama ang tatlong anak niya) na taga-valenzuela. Noong pauwi na sila, hinatid na namin sila sa kanila dahil di na sila kakasya sa taxi dahil sasama sa kanila pauwi ang lola ko at isang pinsan na tumutuloy sa bahay namin ngayon. Bale, ang laman ng sasakyan namin nun ay si cheche (siya ang driver), ako, mama ko, lola ko, tita ko, apat na pinsan at yung kasama sa bahay ng tita ko.
Okay naman ang biyahe namin noong simula. Pero pagdating namin sa valenzuela, mga ilang kilometro bago ang sm valenzuela, para ng naging pagong ang takbo ng sasakyan namin. Akala namin nagka-traffic lang dahil sa mga intersections. Yun pala, ang malupet na dahilan ng traffic ay ang lecheng joaquin bordado.
Nag-mall show daw kasi ang buong cast ng joaquin bordado at napuno ng tao ang kalsada sa harap ng sm valenzuela - dahilan para hindi na umandar ang mga sasakyan. Dumating ang mga traffic enforcers. Sinabihan ang lahat ng driver ng mga sasakyan na patayin daw muna ang mga makina ng sasakyan dahil matatagalan pa daw bago matanggal ang mga lecheng taong nakaharang sa kalsada.
Halos lahat ng mga jip at mga bus, wala ng mga pasahero - nagsibabaan na at nagsilakad na lang para makauwi sa mga bahay-bahay nila. May mga mangilan-ngilan ding sasakyan na nag-overheat na sa tagal ng pag-andar. Kanya-kanyang reklamo ang mga driver ng mga jip na naabala ng tangenang joaquin bordado na yun! Sa loob ng sasakyan namin, kanya-kanya din kami ng reklamo. Nanlalagkit na kaming lahat dahil nasaktuhan na nasira ang aircon ng sasakyan namin. Yung one year old na anak ng tita ko ay nag-iiyak na sa init at sa inip.
Mahigit sa dalawang oras ng nakatengga ang mga sasakyan ng dumaan sa kabilang parte ng kalsada ang bus na sinasakyan ni robin padilla aka joaquin bordado. Kakaway-kaway pa siya kahit na minumura na siya nga mga taong naabala niya. Sobrang laking kumpol naman ng mga tao ang sumusunod sa bus na sinasakyan niya - nagtitilian at nagtatakbuhan para habulin ang kanilang diyos na si joaquin bordado.
Pagkalampas ng bus na sinasakyan ni bordado, akala namin e aandar na ang mga nakatenggang sasakyan. Hindi pa rin. Tatlumpong minuto pa ang nakalipas bago kami nakalampas sm valenzuela. Ang dapat na apatnapu't limang minutong biyahe mula Batasan papuntang Valenzuela ay naging TATLONG ORAS! Tangenang joaquin bordado yan! Wala silang konsepto ng CROWD CONTROL!
Buti na lang at napawi ang inis ko sa mga artista nang mapunta ako sa shooting ng teleserye nila Jericho Rosales at Carmen Soo kahapon. Ang papalicious ni Jericho (ang friendly pa at super taas ng energy!). Mas papalicious si Christopher De Leon (sobrang nakakastarstruck). Ang ganda ni Carmen (at mabait din siya, walang arte kahit ang daming lamok at ipis sa set). Ang sexy ni Wilma Doesnt. Cute ni Empoy. Ang galing ni Malou De Guzman. At ang husay ng isa pang malaysian actress na gaganap na lola ni Carmen sa teleserye.
Kakaiba ang experience na yun! Kahit mainit sa set dahil sa mga malalaking ilaw at nakakangawit dahil ang tagal bago matapos ang pag-take sa isang eksena, super memorable ang experience! Ang babait ng mga staff at ng mga actors. Nakaka-amaze na makita kung paano gumagalaw ang mundong sasalihan ko pagka-graduate ko. Ang dami kong natutunan sa pamamgitan ng pag-oobserve. At ang saya panuorin kung paano nagtatrabaho ang mga taong papalitan namin in the near future. Hehe.
Sayang nga at hindi ako nakakuha ng mga pictures sa set. May dala akong digicam pero wala namang memory card kaya di ko rin nagamit. Buti na lang at dala ng klasmeyt ko ang kanyang sosyal na DSLR kaya siya na lang ang nag-take ng mga pictures. Pero kahit nakapag-take ako ng pictures, di ko rin pwedeng ipakita sa inyo kasi bawal. Hehe. December pa kasi lalabas ang teleserye kaya sa december pa pwedeng magpost ng mga pictures na kinuha sa set.
Habang andun ako kahapon, naalala ko yung bwisit na joaquin bordado. Nag-shoot din naman kasi ang teleserye nila echo at carmen sa kalsada pero di katulad ng staff ng joaquin bordado, marunong sila mag-hold ng traffic. Sila ang nag-aadjust sa mga jip na dumadaan. Kapag nagka-cut ang direktor, pinapadaan muna ang mga sasakyan, hindi nila pinapabayaan na humaba ang linya ng mga sasakyang hindi umaandar. Hindi katulad ng mga may pakana ng mall show ng joaquin bordado! Leche!
Hindi ko pa man tuluyang nabubuksan ang dalawang mata ko mula sa pahinto-hintong pagtulog ay ginising na ko ng malakas pero paos na boses ng nanay ko. Pupungas-pungas akong tumayo, iniwang hindi nakatupi ang kumot at bumaba patungong banyo. Habang naghihilamos ako sa loob ng banyo, kumatok ang nanay ko at pasigaw na sinabing umpisahan ko na daw ang pag-iimpake ng mga gamit ko. Pagkalabas ko ng banyo, dumiretso ako sa hapag-kainan para kumain ng almusal. At hindi ko pa man nasusubo ang isang kutsarang sinangag ay nilapitan na naman ako ng nanay ko at pinaalala muli ang tungkol sa pag-iimpake ko.
Natapos na ang tanghalian at abala pa rin ako sa panonood ng mga programa sa telebisyon, paggamit ng internet at pakikipagbangayan sa tatlo kong kapatid. Doon kasi sa lugar na pupuntahan ko, may kaagaw na ko sa remote control ng telebisyon,  hindi libre ang paggamit ng internet at hindi ko rin kasama ang mga kapatid ko. Kaya naman, hindi ko pa rin nasisimulan ang pag-iimpake.
Mag-aalas kwatro na ng hapon ng makita ko ulit ang nanay ko. Pababa siya ng hagdan at may buhat-buhat na dalawang maleta. Nilapitan ko siya, kinuha ang isang maleta mula sa isang kamay niya at dinala ito sa sala. Pagkalapag ko ng maleta sa sahig, binuksan ko ito at nakitang maayos ng nakatupi ang mga damit ko sa loob. Magkakapatong ang mga magkakakulay na damit at magkahiwalay din ang pambahay at pang-alis na mga damit. Habang isinasara ko ang maletang binuksan ko, maingat naman na nilalagay ng nanay ko sa isa pang maleta ang nakabalot na isang pirasong plato, isang baso, isang kutsara at isang tinidor.
Sampung minuto bago mag-alas onse ng gabi, sumakay na ko sa loob ng aming sasakyan. Tumabi sa akin ang nanay ko at sa driver’s seat naman umupo ang kuya ko. Mula Batasan hanggang Cubao, hindi ako nagbitaw ng kahit isang salita. Nakatitig lang ako sa mga ilaw at malalaking gusali sa labas ng bintana ng sasakyan.
Kinse minutos bago umalis ang bus patungong Baguio, nakarating na kami ng nanay ko sa terminal ng bus. Dumating na din sa terminal ang kaibigan ko na tulad ko ay pupunta rin ng Baguio para mag-aral ng kolehiyo. Hinatid lang siya ng auntie niya at sasabay na lang siya sa amin ng nanay ko papuntang Baguio.
Sa loob ng bus, magkatabi kami ng nanay ko; sa tabi ng bintana siya umupo at ako naman ay umupo sa tabi ng pasilyo ng bus nang sa gayon ay makakuwentuhan ko pa ang kaibigang nakaupo sa kabilang upuan. Kahit pinatay na ng konduktor ang ilan sa mga ilaw sa loob ng bus ay patuloy pa rin kaming nagkuwekwentuhan ng kaibigan ko. Mula sa unan hanggang sa barkadahan ay napag-usapan na namin. Pero noong napansin naming kaming dalawa na lang ang maingay sa loob ng bus, nagpaalam na siya na matutulog na raw siya. Pinatong ko na ang ulo ko sa balikat ng nanay kong mahimbing ng natutulog.
Alas-sais na ng umaga nang makarating kami sa Baguio. Malamig ang aircon sa loob ng bus pero mas malamig ang naramdaman kong hangin pagkababa ko ng bus. Matapos kunin ang mga gamit sa estribo ng bus ay nagpaalam na ang kaibigan ko sa amin ng nanay ko at sumakay na rin kami ng taxi papunta sa bahay na tutuluyan ko. Pagdating namin doon sa bahay na tutuluyan ko, nagpahinga muna kaming dalawa ng nanay ko. Natulog ako sa loob ng kwarto at siya naman ay natulog sa sala.
Pagkatapos mananghalian sa loob ng mall, nagsimula na kaming mamili ng nanay ko ng iba pang mga gamit na kakailanganin ko. Nagpabili ako ng cabinet. Ipinabili ko yung kahoy na cabinet na de-susi. Ayoko kasing manakawan sa loob ng boarding house. Magpapabili rin ako dapat ng kalan kaso ang sabi ng nanay ko, huwag na daw dahil hindi naman ako marunong magluto. Nagpabili din ako ng lalagyanan ng mga gamit ko kusina kahit na isang plato, isang baso, isang kutsara at tinidor lang ang meron ako. Inasikaso din namin ang pagkakaroon ko ng sariling account sa bangko para sa buwanang pagpapadala ng pera sakin ng tatay kong nasa ibang bansa.
Gabi na ng makabalik kami sa boarding house. Pumasok ako sa banyo para makapaglinis ng katawan bago matulog. Paglabas ko ng banyo, wala ang nanay ko sa bahay. Umupo muna ko sa sala para isipin kung saan kaya siya nagpunta. Hindi pa man ako nakakapag-isip ay bumukas na ang pinto at nakita ko ang nanay kong may buhat-buhat na isang galon ng mineral water.  Niyaya niya ako sa labas ng pinto at itinuro niya sa akin ang daan papunta doon sa tindahan ng tubig, doon daw ako bibili ‘pag ubos na yung tubig na binili niya.
Tumabi siya sakin sa pagtulog. Doon din siya sa kama ko sa loob ng kwarto natulog. Kahit masikip at hindi kami gaano magkasya sa kama ko, nakatulog pa rin ako ng mahimbing dahil tulad noong ginagawa niya noong bata pa ako, nakayakap ang mga binti niya sa katawan ko habang natutulog kami.
Maagang nagising ang nanay ko. Inayos na niya ang mga gamit niya dahil babalik na siya ng Maynila. Habang naglalakad kami papuntang terminal ng bus, hindi ako gaano umiimik. Madaming bilin ang nanay ko pero puro tango lang ang isinasagot ko.
Sakto lang ang dating namin sa terminal ng bus, may bus na paalis na papuntang Maynila. Sumakay na kaagad ang nanay ko at hinintay ko lang na makaupo siya bago ako tumalikod patungo sa tindahan ng donuts sa loob ng terminal ng bus. Naririnig ko ang ingay ng bus habang bumibili ako ng isang pirasong donut. Noong humina na ang ingay ng bus saka lang ako umalis sa tindahan, lumabas ng terminal ng bus at naglakad sa daan na sa tingin ko ay patungo sa Session Road.
Eto ang material na ipinasa ko para sa unang workshop namin sa scriptwriting class.Ang instruction: write a scene of the most memorable moment of your life. Eto na nga ang most memorable moment ko: ang paghatid sakin ng nanay ko sa Baguio kung saan ginugol ko ang dalawang taon ko sa kolehiyo.
Kagabi, nanood ako ng PBB. Ang daming reaksyon ng mga housemates sa pagii-sleep talk ng housemate ng bayan na si Shy. Sana naman ma-gets nila na nagpapanggap lang si Shy. Hindi talaga siya nag-sleep talk. Anyways, pang-intro lang yang pbb na yan. Hindi talaga yan ang ikkwento ko.
After kong manood ng Maligno, pinatay ko na yung tv sa kwarto kasi tulog na din si ate at si cheche. Mga ilang minuto lang siguro ang nakalipas, nakatulog na din ako. Hindi pa gaanong malalim ang tulog ko nang marinig kong magsalita si cheche.
"San yung remote?"
"Nasa kwarto ni kuya."
Nilingon ko siya, bigla siyang bumangon at pinindot ang channel button ng tv. Ang tagal niyang pindot ng pindot. Mula sa channel 8 (abs-cbn sa sky cable), nakarating siya sa channel 55 (star movies). Pagdating sa channel 55, dahan-dahan siyang humiga at pumikit.
"Uy!", tinawag ko siya.
Aba, hindi na sumagot, parang tanga, binuksan yung tv tapos matutulog na din?! Bigla akong natawa, naalala ko na ganun pala talaga si cheche, madalas maalipungatan. At kapag naalipungatan siya, kung anu-ano pinaggagawa niya.
At hindi siya nag-iisang ganyan sa pamilya. Lahat kaming magkakapatid ganun. Dati, nung mga bata pa kami, si kuya ang kasama ko sa kwarto. At noong kapanahunan ng counterstrike, adik na adik dun ang kuya ko. One time, nauna siyang natulog kesa sakin. Noong mahimbing na siyang natutulog, nakita ko siyang ini-stretch yung braso niya na parang may hawak siyang mga baril. At lumabas sa bibig niya ang mga sound effects ng baril. Pigil na pigil ang tawa ko nun eh. Kinaumagahan, di naniwala yung kuya ko nung ikwinento ko sa kanya yung mga pinaggagawa niya habang tulog siya. Ebidensya daw muna bago siya maniwala.
Ako din, madalas mag-sleep talk. Noong hayskul ako, member ako ng women's basketball team ng skul namin. E syempre pag malapit na ang game, todo ensayo. Sabi ni cheche, habang natutulog daw ako, sigaw daw ako ng sigaw ng "ipasa mo na, ipasa mo na!" tapos bigla daw akong nag-act ng parang nagshu-shoot ako ng bola. Sabi ko kay cheche, ebidensya muna bago ako maniwala.
At ang ate ko na mute and deaf ay nagii-sleep talk din! Akalain mo yun, kahit di yun nagsasalita, nakakapag-sleep talk yun! One time, habang mahimbing na ang tulog ng ate ko, bigla siyang umungol. Syempre, nagising ako. Pagkakita ko sa kanya, hayun! Sign language ng sign language. Hindi ko naintindihan yung sinenyas niya kaya pinabayaan ko na, itinulog ko na lang. At nung kwinento ko yun sa kanya, i-record ko daw muna sa camera phone bago daw siya maniwala.
At eto ngang pagii-sleep talk ni cheche ang latest na natunghayan ko. Ewan ko lang kung maniniwala yun pag kwinento ko sa kanya yung pagii-sleep talk niya mamaya. Wala kasi akong ebidensya.
PS: May bagong page na tong blog ko. Tanungan porsyon lang. Click mo yung link dun sa bandang itaas sa kanan. :D
Ako yung tipo ng tao na nakakatanda talaga ng mga panaginip. Yung iba kasing taong kakilala ko, mabilis nilang makalimutan yung mga panaginip nila unless mga numero ang napanaginipan nila, malamang pipilitin nila yung tandaan para maitaya sa lotto o di kaya'y sa jueteng. Kadalasan talaga, paggising ko, mga ilang minuto muna kong magmumuni-muni tungkol sa napanaginipan ko. At minsan pa nga, tumatagal pa ng isang linggo sa isipan ko yung mga napanaginipan ko at detalyado pa ang mga yun.
Ang hindi ko talaga makakalimutang napanaginipan ko nung bata pa ko ay yung matandang babae na may mahabang buhok na nagluluto sa malaking kawa. Nagbibisikleta ako nun sa isang bundok nang mapunta ako dun sa bahay nung matandang babaeng yun. At di ko na namalayan ay binubuhat na niya ko papunta dun sa malaking kawa. Bago pa niya ko maluto ay nagising na ko. Buti na lang.
Nung nag-away naman kami ng ate ko dati, napanaginipan ko yung mga lumilipad na mga baso, plato, pigurin, upuan, tv, vcd player, electric fan, ref at iba pa habang nakatayo lang ako sa sala namin. Binabato ako ng mga bagay ng isang babaeng diwata. Kelangan ko daw tanggapin yung kapangyarihan na ibibigay niya sakin dahil kung hindi daw, mamatay daw yung ate ko. At dahil nga sa magkaaway kami nun ng ate ko, hinayaan ko lang na batuhin ako nung diwata; di ko tinatanggap yung kapangyarihan. Pero nung tinamaan  ako at super galit na yung diwata, tinanggap ko na yung kapangyarihan. Unti-unting umayos yung kusina at sala namin. Ayun lang.  As usual, nagising na naman ako.
Madalas akong managinip nang nakahubad daw ako na tumatakbo at may mga humahabol sakin. May isa pang version yang panaginip kong yan; minsan naman ay pumapasok daw ako ng skul ng nakahubad. At lately, before mag-hell week, nanaginip ako na nag-exam daw ako sa skul ng nakahubad. At dahil sa wala akong dalang gamit na kahit ano, ang tagal ko daw nag-exam at eventually ay bumagsak ako sa exam.
Meron din akong weird na panaginip kasama si ES. Habang nasa party daw kami, bigla daw dumami ng dumami yung mga tao. Nawala siya sa tabi ko, pati na rin ang isa pa naming kabarkadang babae. Hinanap ko sila ng hinanap. Pagkatapos ay napunta ako sa rooftop, doon ko sila nakitang nagtatalik. Wala akong reaksyon, piniktyuran ko lang sila gamit ang digicam ko. Hindi ko sila inistorbo at bumaba na ko. Grabe tong panaginip na to, mahigit sa isang linggo na tumagal to sa utak ko. At super detalyado pa! Hmp!
Meron din akong mga panaginip na kasama ang iba't ibang celebrities. At ang latest na nakasama kong celebrity sa isang panaginip ay si David Cook. Napanaginipan ko to gabi pagkatapos kong mapanood ang nakakabaliw niyang performance kung saan kinanta niya ang "Always Be My Baby". May kung anung parade daw sa skul at kelangan daw ay nakapila lahat. Umalis ako sa pila ko at napunta ako sa isang klasrum kasama ang ilan pang mga babaeng estudyante. Laking gulat ko ng biglang lumabas si David Cook at kinanta niya ang "Always Be My Baby". Syempre, tilian kaming lahat. After niyang kumanta, ako lang ang nakapagpapiktyur sa kanya kasi biglang may pumasok na teacher sa klasrum at pinapalabas kami. At bago makaalis si David Cook ay nahalikan ko siya! Pagkalabas ko ng klasrum, ayaw na kong isama ng ibang mga estudyante sa pila. Nakatayo lang ako habang pinapanood ko silang magparada. Ayun na, dun na natapos yung panaginip kong yun.
Madalas ay weird ang mga panaginip ko. At mas madalas, nakakabaliw isipin kung anung koneksyon nila sa buhay ko.
Ikaw, baka may panaginip ka dyang gustong i-share. Sige na, ikwento mo naman sakin. Hehe.
Dear is-pat,
Year 2000 nung dumating ka sa buhay namin. Naaalala ko pa nun, nasa kapitbahay kaming lahat nun; napagtripan namin at ni tita carla (the kapitbahay) na kumain ng tanghalian sa mga dahon ng saging. Nung bumalik si ate sa bahay para kumuha ng bote ng toyo, natagpuan niya na ipinanganak ka na. Syempre, takbo kagad siya pabalik sa kapitbahay para sabihin samin ang magandang balita. Nung una, di namin maintindihan yung sinisenyas ni ate (deaf kasi siya) kasi ba naman sa sobrang excite niya, di niya ma-senyas ng maayos yung gusto niyang sabihin. Pero di kalaunan, naintindihan namin siya at nag-unahan na kaming lahat sa pagtakbo pabalik ng bahay para masilayan ka.
Dahil una kang anak ng nanay mo, dapat daw ay ipamigay ka para di kaw daw mamatay kagad. Kila tita carla ka namin ibinigay. Pero hindi yun nagustuhan ni cheche at gusto niyang bawiin ka mula kila tita carla. Alam mo bang nung nalaman ni cheche na naka kila tita carla ka na, sumugod siya papunta dun at umiyak siya ng umiyak sa harap ng gate nila. Hindi siya talaga tumigil sa pag-iyak nung araw na yun. Kahit hinihila na siya pauwi ni mama, nakapako pa rin yung dalawang paa niya sa harap ng gate nila tita carla. Hindi daw siya uuwi kung hindi ka niya kasama pauwi. Nung gabing yun, ibinalik ka na din ni tita carla samin para daw umuwi na rin ng bahay si cheche.
Simula noon, naging parte ka na talaga ng pamilya namin. Ikaw na ang naging munti naming laruan. Kahit kinakagat mo kami, ayos lang kasi alam naming kagat-lambing lang naman yung mga yun. Unti-unti na ring lumobo yung katawan mo. Ang takaw mo kasi! Gusto mo lahat ng kakainin namin, kakainin mo din. Kung anu ulam namin, yun din ulam mo. At kapag tag-hirap kami at ulam namin ay sardinas, hotdog ang ulam mo kasi gagalisin ka sa sardinas. Kapag naman nagpapa-deliver kami ng jollibee, isang order naman ng chicken joy ang para sayo. At pag summer, mahilig kami sa ice cream. Hindi ka rin naman pahuhuli kasi peyborit mo din yung chocolate ice cream diba?! Madalas ka ngang bangungutin dahil sa katakawan mo eh. Buti nagigising ka namin kagad.
Minsan nga, pinagseselosan kita. Kasi ba naman yung nanay ko, sinusubuan ka ng pagkain pag nag-tatantrums ka at ayaw mong kumain sa plato mo. Pag may sakit ka, sinusugod ka kagad sa paborito mong beterinaryo. At pag dumadating siya, ikaw kagad ang tinatawag, sinasalubong at kinakamusta. Pero okay lang yun, minsan lang naman akong nagseselos kasi tanggap namin ng lahat na magkakapatid na ikaw talaga ang baby ng pamilya.
Mahal na mahal ka namin. Di naman obvious sa katawan mo kung gaano ka namin kamahal noh?! Alagang-alaga ka kaya namin. Kahit demanding ka minsan (ang lakas mong tumahol pag nanghihingi ka ng inuming tubig at gusto mong lumabas ng bahay), inaalagaan ka pa din namin.  Alam kong mahal mo din kami kasi lagi mo kaming pinapasaya sa mga simple mong kalokohan. Pinagtatanggol mo kami pag alam mong may mga taong umaatraso sa amin. Hindi mo  rin naman sinisira ang mga bagay dito sa loob ng bahay dahil maingat ka namang maglaro at may disiplina ka din naman kung kelan hihinto sa panghaharot. At higit sa lahat, binibigyan mo kami ng security na di kami maaano dito sa loob ng bahay hangga't andito ka.
Ngayong araw na to, cinecelebrate natin ang 8th birthday mo. Nagluto si mama ng pancit canton  para humaba pa buhay mo. May cake ka din, chocolate ice cream at fried chicken. Sayang at walang mga party hats. Tumatanda ka na is-pat. Pero di pa rin kumukupas ang kagwapuhan mo, para kang si aga muhlach. Ang dami pa ring mga babaeng aso sa labas na nagkakandarapa sayo.
Is-pat, sana humaba pa talaga buhay mo. Ikaw ang unang asong ipinanganak at lumaki talaga dito sa bahay. Hindi ko nga ma-imagine ang ambience ng bahay kung mawawala ka. Alagaan mo lagi ang sarili mo baka kasi marurupok na ang mga buto-buto mo. Huwag makikipag-away sa mga asong pangit sa labas, di mo sila ka-level. Mag-exercise lagi para matunaw mga taba mo, tumakbo ka naman, ang tamad-tamad mo kasi minsan. Gawin mo lahat ng sinasabi ko ha para naman mas matagal ka pa naming makasama.
Happy birthday is-pat! I lab yu!!
Si cheche ang bunso kong kapatid. Actually, apat kaming magkakapatid; pangatlo ako at pang-apat si cheche. Kaming dalawa ang malaking pagkakamali ng aming mga magulang. Dalawa na kasi ang anak nila noon; sila ate at kuya. Isang babae at isang lalaki kaya okay na. Pero naghangad pa ang tatay ko ng isa pang lalaki, kaya gumawa ulet sila, eh ako ang lumabas (babae) kaya nabigo sila. Pero nung lumabas ako, may nakita silang buntot sa buhok ko, ang ibig sabihin daw nun ay lalaki na ang susunod sakin (di ko alam kung san nila napulot ang paniniwala na yun!). So, gumawa ulet sila at nabigo na naman sila nang si cheche (babae naman!) nga ang lumabas. Hindi na pumayag ang nanay ko sa kalokohan ng tatay ko at nagpa-ligate na siya.
Noong mga bata pa kami, close talaga ako sa ate ko. Simpleng maldita kasi si cheche noon (hanggang ngayon pa rin naman eh!). Oo nga pala, deaf po ang ate ko. Naging sobrang close kami kasi ako lang ang tinuruan niyang mag-sign language nung mga bata pa kami kaya ako lang tuloy ang kausap niya sa bahay. Pero lumayo ang loob ko sa kanya nung nag-18 na siya, (16 naman ako nun at 14 si cheche) kasi naging super pasaway siya. Doon nagsimula yung pagiging gimikera ng ate ko, late na siya umuuwi tapos di na niya kami masyadong kinakausap. Ayun, hanggang ngayon ganun pa rin siya kaya naging close naman ako kay cheche.
Si cheche ang kaaway ko pagdating sa paghuhugas ng pinggan. Yun kasi ang trabaho naming dalawa dito sa bahay, palitan kami dapat kaso minsan nangdadaya siya lalo na pag umaalis siya.
Malakas siyang magpasa ng utos ni mama kaya nakakabuwisit siya! Mahilig siyang mang-sambat ng mga ginawa niya kesyo siya na daw ang nagtupi ng mga damit kaya ako naman daw dapat ang maglinis ng kalan. E lagi kaya ako ang nagtutupi ng mga damit, isang beses nga lang siya nagtupi.
Pikon siya pag pinagsasabihan ko siya tungkol sa mga grades niya (incoming 2nd yr college na siya pero dalawa na ang singko niya). Tinuturuan ko nga siya ng mga techniques sa pangongopya pero napipikon pa din siya. Madalas niya kong winowalk-outan pag grades na niya ang topic.
Nung hayskul (di na kami magkasama sa isang skul) ako, may extension yung telepono namin sa kwarto namin. One time, may kausap akong kaibigan, bigla ba naman niyang inangat yung fone sa kwarto (nasa sala ako) at nagsalita ng kung anu-ano. Napahiya tuloy ako sa kaibigan ko.
Pinahiya niya ko nung elementary kami (grade six ako at grade four naman siya) kasi nagwala siya dun sa kalye dahil pinapauwi ko na siya at pupunta pa kami ng mga kaibigan ko noon sa isang birthday party. Gusto niyang sumama pero syempre, di siya pwedeng sumama kasi siya lang ang bata dun. Ang ending: di na ko nakasama sa bday party dahil kinaladkad ko pa siya pauwi ng bahay.
Siya ang ka-bonding ko sa magic sing. Yan ang lagi naming ginagawang magkasama. Pareho kaming nagpipintasan ng mga boses namin. Nag-aagawan din kami ng mga kantang kakantahin at syempre, nag-aaway kami kung sino ang magliligpit ng magic sing pagkatapos.
Lagi naming pinagtsitsismisan yung ate namin. Nililibak namin yung hitsura ng boyprend ng ate namin. Lagi rin naming pinipintasan yung katabaan ng ate namin. Hindi naman kasi kami naririnig nun kaya ang lakas ng loob namin! Hahaha!
Pag may family gatherings, si cheche ang lagi kong kausap at ka-bonding. Minsan humihiwalay pa kaming dalawa. Gumagawa pa kami ng sarili naming lakad. Yung mga kapamilya namin, pakanan ang liko. Kaming dalawa, sa kaliwa liliko. Trip lang. Hehe.
Lagi niyang shine-share sakin ang mga chocolates na binibigay sa kanya ng mga manliligaw niya. Ako pa ang tinatanong niya kung anung gusto kong chocolate at yun ang nirerequest niya dun sa mga lalaki. Ayos!
Magkakampi rin kami sa pag-away sa nanay namin, sa kuya namin at syempre sa ate namin! Bwahahaha!
Siya ang taga-bunot ng kilay ko. Siya rin ang taga-plantsa ng buhok ko. Siya rin minsan ang nagpepedicure sakin. (pwede na siyang magtayo ng parlor!) Siya rin ang consultant ko pagdating sa fashion. Basta, pagdating sa pagpapaganda, siya ang lagi kong tinatanong.
Hindi niya lang inaamin, alam kong ako ang idol niya! Hehe.
Yan si cheche. Yan ang kapatid ko. Di naman niya bertdey ngayon. Wala lang, trip ko lang na siya ang topic ko ngayon. Hehe. Kahit madalas kaming mag-away (naalala ko bigla yung binato niya ko dati ng walis tambo kasi isinumbong ko siya), mabilis lang din kaming magbati. Ako, wala akong tinatagong sama ng loob sa kanya ewan ko lang siya.
Grabe, ang bilis ng panahon! Isang taon na lang at 18 na siya. Tumatanda na rin ako. Hehe. Wish ko lang, manatili pa rin yung closeness namin hanggang sa panahong pareho na kaming uugod-ugod.
PS: Magbobonding kami ni cheche next week sa nail treats. Pedicure ulet! Nainggit kasi siya sa mga cute little kukos ko! Hehe. Nga pala, tuloy-tuloy pa rin ang botohan sa kung sino ang may pinakamagandang kuko!
Wednesday ng umaga, nagpaalam si ate kay mama na pupunta daw siya ng laguna. Dun daw siya hanggang easter sunday, kasama mga kaibigan niya. Kami naman nila mama, nainggit sa kanya. Nag-isip kami ng mga pwede naming puntahan. Bicol dapat. Uwi daw kami dun kaso wala naman kaming masyadong malaking budget. Next na naisip namin, tagaytay. Tapos sabi ko, bakit di na lang sa baguio. Aba! Go naman sila! So wednesday ng gabi, umakyat kami ng baguio kasama yung kumare at kumpare ng nanay ko at yung tatlong anak nila.
Dalawang taon akong nagpabalik-balik ng baguio. At dahil lagi akong naka-bus, marcos highway ang lagi naming daan. Kaya first time ko lang makadaan ng kennon road at makita si lion nung umakyat kami ng naka-sasakyan. At dahil pers taym ko makitang si lion, nagpapiktyur kami sa kanya. Hehe. Pagdating naman namin ng burnham park, niyaya ko sila mag-boating. Wala lang. Trip ko lang na ma-experience nila ang green at napakalansang tubig sa burnham. Hehe. Go naman sila. Siyam kami lahat so dun malaking bangka yung pinahiram samin, wan pipti ang bayad. Pagsakay naming lahat, napansin naming hindi balanse yung bangka. Hala! Hiyawan na kaming hiyawan everytime na feeling namin e tataob yung bangka. Sabi nila manong, ganun daw talaga yun, so go na lang kami. Noong umaandar na kami, napansin namin na hindi balanse yung bubong at saka bulok na yung bangkang yun. At dahil sa kinakabahan na ang aking mudra, di rin kami nagtagal dun, ibinalik na namin yung bangka. Sayang ang wan pipti.
Next naming pinuntahan ang mines view park, wright park at dumaan din kami ng sm baguio para ipakita kay kuya yung architectural structure nung sm dun. Pers taym lang kasi ni kuya dun at yun yung gusto niyang makita. Arki grad kasi siya  kaya interesado siya dun. After nun, pumunta na kami ng 50's diner. Sabi ko, dun na kami mag-lunch kasi affordable naman at masarap yung food. Yung anak nung kumare ng nanay ko, umorder ng burger. Sabi ko sa kanya, malaki yung burger baka di niya maubos. Yun daw gusto niya at nalula siya ng makita na niya yung inorder niya. Mas malaki pa yung burger kesa sa kamay niya at yung burger patty ay mas makapal sa plato. Sabi nga niya, panis daw ang burger ng jollibee at mcdo! Dahil sa laki ng burjer, di niya yun naubos. Nag-order din kami ng tig-iisang milkshake. Alam ninyo naman, yun yung peyborit ko kaya pinatikim ko din yun sa kanila. Kahit busog na kaming lahat, umorder pa kami ng banana split. Na-amaze si kuya dun sa banana split, noon lang daw siya nakakain ng matinong banana split. Nasira tuloy yung diet niya.
After dun, diretso kami sa Lourdes sa La Trinidad. Dahil lenten season, di rin dapat puro saya kaya yun inakyat namin ang 100+ steps saka nagdasal. Nakakapagod yung ginawa namin, pinawisan kami kahit malamig dun. Okay na din at least nagamit namin yung mga kinain namin.  After nun, dumiretso kami sa strawberry farm. Nalula ako sa dami ng strawberries! Malamang strawberry farm yun eh. Haha.
Nag-ukay-ukay kaming tatlo nila cheche at kuya. Dinala ko sila dun sa mga suki ko ng ukay. Natuwa naman sila dahil madami silang nabili. Sabi nga ni kuya, parang gusto na niyang magpa-iwan sa baguio at dun na tumira. Haha. After nun, namili na kami ng mga pasalubong. Tapos, nagpahinga na kami para sa pagbaba namin sa manila. O diba?! Pinagod talaga namin ang aming mga sarili. Parang ginawa naming cubao yung baguio. Balikan lang. Wala rin kasi kaming budget para sa transient kasi biglaang desisyon lang yun. Anyways, nag-enjoy pa din kami kahit papaano. Syempre, natuwa akong nakabalik ulet sa baguio. Mahal na mahal ko talaga yung lugar na yun. At ang saya-saya kong nakainom ulet ako  ng vanilla milkshake sa 50's diner!
Eto ang ilan sa mga piktyur namin:
Puyat ako kagabi. Nakipagtelebabad kasi ako kay Kaykay. Tagal na kasi namang di nakakapag-chikahan kaya naman, todo-todo ang pag-uusap namin sa telepono kagabi. Kaya naman, nahirapan ang nanay ko na gisingin ako kaninang umaga. Isinama niya kasi ako sa ospital para tumulong sa pagdidis-charge sa kuya kong nag-undergo sa isang hernia surgery nung friday.
Dumating kami sa ospital ng mga 10 am. Tumambay lang ako sa kwarto ng kuya ko habang inaasikaso ng nanay ko yung pagbayad sa hospital bill. Nagkwentuhan lang kami ng kuya ko. Matapos ang ilang minuto, naburyo na siguro siya sa pakikipagkwentuhan sakin, inutusan niya kong bumili ng vanilla frap sa starbucks na nasa may baba lang naman nung ospital. Nagreklamo pa nga ko kasi bakit ang aga-aga eh malamig na kagad ang iinumin niya. Tinatamad Concerned kasi ako. E sa gusto niya daw yun. Naaadik na nga daw siya dun. Sa apat na araw niya sa ospital, nahumaling na daw siya sa alindog ng starbucks.
So, pinagbigyan ko na si big brother. Okay lang naman, may elevator naman. Hindi naman siguro ako mapapagod ng husto. Pagkalabas ko ng starbucks, ininom ko din yung frap na pinabili sakin. Okay lang yun, grande naman yung binili ko kahit na sabi ng kuya ko na tall lang yung bilhin kasi baka di niya maubos. Habang sumisipsip, nakasalubong ko nanay ko. Tinanong niya ko kung bakit di ko daw binilhan kuya ko. Ang sabi ko naman, kay kuya talaga yung sinisipsip ko. Mabait si inay, binigyan ako ng pera at sinabing bumili din daw ako ng sakin. Huwag ko na daw burautin yung sa kuya ko.
Mga ilang beses na din naman akong uminom ng starbucks (yung buong corporation yung ininom ko, sarap kasi! hahaha!). Madalas mga malalamig na kape (frap o coffee jelly) yung inoorder ko kasi parang ang mahal ng 100 plus pesos para sa isang mainit na kape na pwede mo namang timplahin sa bahay mo. Pero kanina, yung mainit na kape ang inorder ko. Kasi gusto kong magising sa pagkaantok at gusto ko lang tikman.
Okay naman yung kape. Masarap siya actually. Napadighay pa nga ako sa sarap! Hehe. After kong maubos yung kape ko, dumating na si mama sa kwarto at uuwi na nga kami. Nasa taxi pa lang kami, parang naramdaman ko ng naghuhumerantado yung tiyan ko. Pero di ko pinansin. Baka gutom lang ako. Pagdating ko sa bahay, kinain ko kagad yung tinake-out naming binalot. Tinira ko kagad yung tapa, kanin, itlog na maalat at kamatis.
After kong kumain, andun pa rin yung sakit ng tiyan ko. Nag-internet ako para mabaling ang atensyon ko sa iba.  Pero hindi, andiyan pa rin yung sakit! Pumasok ako sa peyborit kong si-ar. Wuhooo!!! Walang epek ang si-ar. Lumabas ulet ako. Nag-internet ulet. Nanood ng tv. Internet ulet. Ayan na naman! Pasok ulet sa si-ar.
Finally! Success! Lecheng kape yan! Pinahirapan din ako nun ah. Di na talaga ako uulet. Di sanay ang tyan ko sa pangmayamang mainit na kape. Next time, sa bahay na lang ako magtitimpla at iinom ng kape. Baka mas okay pa.