[caption id="attachment_558" align="alignright" width="300" caption="Si Tara Sering, kasama ang mga dakila"][/caption]
Dapat magbunyi ang daigdig, lalo ang hanay ng mga panitikero, tuwing may pinararangalang kapuwa manunulat, dahil ang manunulat ang nagbibigay ng buhay sa daigdig. Naisip ko ito nang dumalo ako sa Palanca kagabi, at uminom nang uminom at magpausok habang katabi ang mga manunulat na iba't iba ang paniniwala, simulain, at ugat.
Marami nang kabataan ang nakapasok sa ruweda, at may ilang tigulang ang nagpapasa ng agimat, ngunit ang pinakamahalaga ay ang pagpapatuloy sa adhikain ng panitikan. Binabati ko ang lahat ng nagwagi: Norman Wilwayco, Maria Lucille G. Roxas, Lemuel E. Garcellano, Rommel B. Rodriguez, April Jade B. Imson, Allan Alberto N. Derain, Jing Panganiban-Mendoza, Michael M. Coroza, Eugene Y. Evasco, Mikael de Lara Co, Renato L. Santos, Niles Jordan Breis, Floy C. Quintos, Debbie Ann Tan, Allan B. Lopez, Emmanuel A. Dela Cruz/Michiko Yamamoto, Dennis N. Marasigan, Alfred Aloysius L. Adlawan, Macario D. Tiu, Edgar S. Godin, Lilia T. Tio, Leoncio P. Deriada, Alice Tan Gonzales, Marcel L. Milliam, Danilo B. Antalan, Ariel S. Tabag, Aurelio S. Agcaoili, Miguel Syjuco, Ian Rosales Casocot, Tara FT Sering, Nadine L. Sarreal, Celestine Marie G. Trinidad, Kathleen Aton Osias, Jose Claudio B. Guerrero, Katrina Stuart Santiago, Jhoanna Lynn B. Cruz, Francis Macansantos, Ana Maria Katigbak, Marie La Viña, Maria Clarissa N. Estuar, Percival Intalan, Joachim Emilio B. Antonio, Peter Solis Nery, Allen D. Yuarata, Miro Frances D. Capili, Cristina Gratia T. Tantengco, at Elfermin M. Mallari, Jr.
[caption id="attachment_559" align="alignleft" width="300" caption="Jing Panganiban Mendoza at Gil Mendoza"][/caption]
Natutuwa ako dahil hindi lamang humuhusay ang mga manunulat, kundi gumaganda pa, gaya nina Tara Sering at Mookie Katigbak, at puwedeng gawing modelo sa FHM. Dapat ko ring banggitin sina Ian Casocot, Allan Derain, at Butch Guerrero na hinuhuluan kong maghahatid ng bagong pag-asa sa panitikang pambansa. Si Mike Coroza, na hindi lamang lumalabis ang timbang bagkus lumalabis din ang parangal na natatanggap, ay dapat ding saluduhan. At ang Bulakenyang si Jing Panganiban, na sumungkit ng ginto sa sanaysay, ay hindi lamang batas ang inaatupag kundi pati ang negosyo nilang palaisdaan kasama ang kabiyak na Oragon na si Gil Mendoza. Nakatabi ko rin nang gabing iyon si Joachim Emilio Antonio, na isinunod ang pangalan sa dakilang makatang Tagalog Emilio Mar. Antonio, ngunit hindi tulang Tagalog ang sinusulat niya kundi dula sa Ingles. Magpapainom din itong si April Imson, na abala sa pagiging guro bukod sa pagsusulat ng kuwentong pambata.
[caption id="attachment_551" align="alignleft" width="210" caption="Joachim Emilio Antonio at kasama"][/caption]
Sayang at hindi ipinalabas ang kontrobersiyal na dula ni Floy Quintos, na ang balita ko'y hinggil sa reyna o emperatris ng Filipinas, at mauunawaan ang pag-iwas pusoy ng Palanca. Mabuti na lamang at sinalo siya ni Gabriel Antonio Mercado na bumasa ng sanaysay ni Butch Guerrero. Hindi ko naman naibigan ang pagbasa ni Patricia Evangelista sa mga tula nina Mookie Katigbak at Marie La Viña, at sa aking palagay ay dapat hinayaan na lamang si Mookie na magbasa ng mga tula sa Ingles. Parang walang puso kung bumasa si Patricia, at dapat siyang magpaturo kay Alfred Yuson na binigyan ng hustisya ang pagbasa sa tula ni Francis Macansantos.
[caption id="attachment_560" align="alignright" width="300" caption="Mga tomador na manunulat: Marne Kilates, Charlson Ong, Krip Yuson, Teo Antonio, at Jimmy Abad"][/caption]
Umakyat naman sa entablado itong si Niles Breis na parang hawig kay Che Guevara, at kapag nagtabi sila nina Levy Balgos Dela Cruz, Dong delos Reyes, at Jun Cruz Reyes ay kompleto na ang pangkat. Nakalulungkot at hindi nakadalo ang huradong si Romulo Baquiran, dahil kailangang operahin ang kaniyang nabaling paa makaraang maaksidente kamakalawa ng gabi. Napansin kong hindi yata dumalo si Virgilio Almario, ang pambansang alagad ng sining, at hanap nang hanap sina Teo Antonio at Marne Kilates. Tiyak ko namang magpapainom itong si Charlson Ong, na binuwenas na mabunot ang pangalan at magwagi ng P50,000 mula sa bulsa ni Kalihim Jesli A. Lapuz.
[caption id="attachment_546" align="alignleft" width="180" caption="Mike Coroza, bigatin sa panitikan"][/caption]
Napakababaw ng sinabi ni Kalihim Lapuz hinggil sa panitikan. Nakaikid pa rin sa isip at kamalayan ng butihing kalihim ng edukasyon ang pananalig sa Ingles bilang wika ng globalisasyon at tagapagsalba ng Filipinas, at mapapahikab ang makaririnig sa kaniya. Totoong naiiba ang ginagawa ng Palanca bilang tagapagtaguyod ng panitikan, kung babalikan ang winika ni Kalihim Lapuz. Ngunit hindi lamang Ingles ang midyum ng kadakilaan, bagkus Filipino rin na siyang wika ng mga de-kalibreng manunulat na maipagmamalaki ang mga likha saanmang panig ng daigdig.
Sana'y ibukas pa rin ng Palanca ang pinto nito sa mga tomador na manunulat. Kagabi, parang nagmamadali ang lahat. Hinahanap-hanap ko ang dating pagtatagpo ng mga manunulat, ang taltalan, ang palitan ng maaanghang na kaisipan, ang umaagos na inuman, ang awitan, at parang ang Palanca ay walang kinalaman sa halina at produksiyon ng alkohol. Ano't anuman, palagay ko lamang ito na maaaring sang-ayunan ng matinik na makata at peryodistang Lamberto Antonio.
Kung may isang konsepto mang paulit-ulit nagbabalik sa gunita ng taumbayan, iyon ay walang iba kundi ang "puri." Ang "puri" ay maaaring sintayog ng pagdakila sa diyos, gaya ng masisilayan sa mga awit at korido. Ang "puri" ay maaaring ang "dangal" (i.e., honor) mismo ng tao, na minamahalaga ang paggalang at ang pagsang-ayon ng ibang tao. Ang "puri" ay maaaring kaugnay ng panlabas na katangian ng tao na ipinakakahulugan o ipinapataw ng isang pangkat o lipunan, batay sa itinuturing na katanggap-tanggap, malinis, maringal, at mataas. Ngunit habang lumalaon, ang "puri" ay nahanggahan ang pakahulugan, at kinasangkapan ng relihiyon at awtoridad upang itumbas sa manipis na lamad o kalamnang matatagpuan sa pagitan ng mga hita ng kababaihan.
Minamahalaga ni Florante—na mula sa akda ni Francisco Balagtas—ang "puri" habang nagpapalahaw at lungayngay sa kagubatan ("Dusa sa puri cong cúsang siniphayo,/ palasong may lasong natiric sa puso;/ habág sa Ama co,i, tunod na tumimo;/ aco,i, sinusunog niring panibugho."//) , at ginugunita ang pag-agaw ni Adolfo sa poder doon sa kahariang Albanya. Samantala, si Laura, na ibig gahasain o ilugso ni Adolfo ang "puri" o "kabirhinan" ("Capagdating dito aco,i, dinadahas/ at ibig ilugso ang puri cong ingat,/. . .)  ay ipinagtanggol ni Flerida, tumakas patungo sa kagubatan, huwag lamang madungisan ang loob para sa kaniyang minamahal. Kay Florante, ang "puri" ay nasa antas ng paghawak ng kapangyarihan; samantalang ang kay Laura ay nasa antas ng personal na nagsisikap umabot sa antas ng malawak na lipunan, yamang isa siyang prinsesa at bahagi ng buhay ni Floranteng magiging hari balang araw. Ang ganitong mga konsepto ng puri ay gagawing makapangyarihang mito ni Iñigo Ed. Regalado sa kaniyang mga kuwento, lalagyan ng gulugod, at ipaaalingawngaw na tila alagad ng Katipunang pinalago ng kaisipan nina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto.
Sa kuwentong "Ang Dalaginding" (1922), ang puri ay magsisimula sa ina na nagpapása ng gayong katimyas na halagahan sa kaniyang anak na nagdadalaga. Si Irene, ang anak, ay ilalarawang simbusilak ng mga sampagitang bibilhin ni Eduardo. Mangangamba ang ina ni Irene, dahil hindi nakatitiyak kung sino ang lalaking manliligaw, lalo na't sumusulak ang di-maipaliwanag na hormone ni Irene. May ugat ang pangangamba ng ina, at sa wakas ng kuwento ay ibubunyag nito ang naging karanasan nang ligawan sa unang pagkakataon, at mapaibig sa isang binata, at pagbawalan ng sariling ina. Ngunit hindi napigil ang babae at nagpakasal, na ang supling ay magiging si Irene.
Maiiba naman ang konsepto ng "puri" sa kuwentong "Pusong Uhaw sa Pag-ibig" (1917) ni Regalado. Sa naturang kuwento, ang puri ay matatagpuan hindi sa panlabas na katauhan bagkus sa kalooban ng tao. Si Milagros Manalang, na anak-mayaman at sumusunod sa makabagong panahon, ay mapapaibig sa binatang si Arturo na  dating nagpaparamdam ng pagmamahal sa kaniya.  Ngunit habang rumirikit si Milagros, napapalayo naman ang loob ni Arturo. Iyon ay dahil nanaisin ng binata ang pagpapahalaga sa sariling kagandahan imbes na manghiram ng pamantayan ng kagandahang mula sa ibang bansa. Nakapaloob ang hangad ni Arturo sa liham para kay Milagros: ". . . alalahanin mong may sarili kang katangian na lalo kang napapatangi kung ang kadakilaan ng iyong damdamin ay hindi mo ipaloloob sa isan kasuutang hindi iyo at sa mga kagandahang hinihiram mo sa kagandahan ng iba, at sa iyo'y hindi nababagay."
Ang konsepto ng puri na ipinamalay ni Arturo kay Milagros ay isasapuso ng dalaga, at magkukulong sa silid, upang sa muling paglabas at pagkikita nila ni Arturo ay makikita ng binata ang pambihirang gandang walang halong artipisyalidad. Alinsunod na rin sa pagtatasa nina Clodualdo del Mundo at Alejandro G. Abadilla, ang "Pusong Uhaw sa Pag-ibig" ni Regalado ay "makulay ang paglalarawan ngunit hindi maligoy." Totoo ito, bagaman ituturing na ngayon na mapagpahiwatig ang testura ng prosa ni Regalado na parang tumutula sa paraang maindayog at nakatutulala.
Mataas ang pagpapahalaga ni Regalado sa mga babae, lalo kung babalikan ang kaniyang mga kuwento. Dukha man o mayaman, matalino o mangmang, ang babae ay laging kaugnay ng "puri" na naging mito para sa susunod na henerasyon ng mga manunulat.
Sa kuwentong "Ang Makasalanan" (1917), ang pagiging sentimental ni Anisia ay magiging hadlang sa paglago ng kaniyang pagmamahal sa kaniyang asawa at anak. Nang una'y maayos ang pagsasama nina Anisia at Amando, hanggang magkaanak sila't ang anak ang maging sanhi upang managhili ang babae. Mababato si Anisia sa napakatahimik na buhay, at magliliwaliw sa piling ng mga kaibigan, hanggang isang araw ay halos matukso sa panliligaw ng ibang lalaki. Ngunit tatanggi si Anisia, lalo nang mabasa ang isang aklat hinggil sa pagtataksil ng babae sa asawa nito, at ipinangako sa sariling hindi magaganap sa kaniya ang malagim na sinapit ng babaeng makasalanan sa nobela. Iyon pala'y sinadya talaga ni Amando na bilhin ang aklat upang mabasa ng kabiyak, at nang mapanatili nito ang puri.
Naghunos ang "puri" sa nasabing kuwento dahil ang puri ay hindi lamang para kay Anisia bagkus maging para sa kabiyak nitong si Amando at sa kanilang anak. Bagaman nabasa ni Anisia ang aklat, ang pagpapasiya ay nagmula sa loob ng babae at hindi basta inudyukan lamang siya ni Amando. Ang pagsubok kay Anisia ay pagsubok din sa taglay niyang puri, at sa bandang huli'y ang puring ito ay tataas lalo nang mabatid ni Amando. Sabihin nang dramatiko ang wakas ng kuwentong ito, ngunit ang gayong wakas ay hindi pagsandig sa isang yugtong marupok ang batayan bagkus sa halagahang magpapatibay sa pagsasama ng buong pamilya.
Maiiba ang rendisyon ni Regalado sa puri pagsapit sa kuwentong "Nagbago ang Landas" (1916). Isang magandang dalagang nagngangalang Alisya ay napadpad sa nayon ng Malinay. Kumalat sa buong nayon ang kariktan ng babae, at ito ang nagbunsod upang manligaw ang maraming lalaki sa kaniya. Isa si Pirmin sa mapapaibig kay Alisya, at ito ang ipagyayabang niya sa kaibigang si Sidro. Ngunit nang makita ni Sidro si Alisya, nagbalik sa gunita niya ang "madilim" na nakaraan ng babae, na dati niyang kasintahan, at ito ang isinalaysay ng binata kay Pirmin. Ipinaalaala ni Sidro sa kaibigan na hindi dapat tumingin sa panlabas na anyo lamang ng tao, dahil ang gayong katangian, ay gaya lamang ng "ningning" na makabubulag ng paningin.  Nagwakas ang kuwento sa hitik sa pagpapahiwatig ng pag-asa, at sa pagbabagong-buhay ni Alisya, na nakatingin sa lumiliwayway na araw mula sa likod ng kabundukan. Sa kuwentong ito, ang konsepto ng "ningning" at "liwanag" nina Bonifacio at Jacinto ay hiniram ni Regalado at siyang ikinuwadro sa ugnayang Pirmin, Sidro, at Alisya doon sa nayon ng Malinay.
Kung babalikan ang akda ni Jacinto, ang "puri" ay kaugnay ng konsepto ng "kalayaan" ("Kung ang tao'y wala ang Kalayaan ay dili mangyayaring makatalastas ng puri, ng katwiran, ng kagalingan, at ang pangalang tao'y di rin mababagay sa kaniya.")  Bukod dito, ipinaalaala ni Jacinto ang pagtatangi sa "ningning" na nakasisilaw at nasisira ng paningin, at sa "liwanag" na naglalantad ng mga tunay na bagay. Magdaraya ang "ningning," at ito ang dapat pag-ingatan ninuman.
Titingkad ang konsepto ng puri, na kaugnay ng "ningning" at "liwanag," kapag binalikan ang kuwentong "Ang Babae sa Katapat na Bahay (1954). Si Leonarda ay asawa ng isang abogadong si Lutgardo Sendres, at maituturing na kabilang sa uring maykaya sa lipunan. Bagaman na kay Leonarda na ang lahat ng katangian, tulad ng maganda, mayaman, at mabuti ang pamilya, ay nakadama pa rin siya ng panibugho o inggit nang may isang magandang babaeng tumira sa tapat ng kanilang bahay. Ang babaeng ito'y maganda rin, at laging dinadalaw ng kung sino-sinong lalaki. Aabot sa sukdulan ang selos ni Leonarda nang ibig nitong gayahin ang marangyang pamumuhay ng babae at yayaing lumipat ng tirahan silang mag-asawa. Ngunit ipababatid ni Lutgardo na ang babaeng kinaiinggitan ni Leonarda ay isang babaeng nagbibili ng aliw upang mabuhay. Magbabago ang loob ni Leonarda, at hindi na muli siyang magpapaalipin sa mga baluktot na damdaming sisira ng kaniyang katauhan at pagmamahal sa asawa't anak.
Sa nasabing kuwento, ang puri ay tinitimbang sa dalawang panig, at muli sangkot ang dalawang babae. Gayunman, lumalampas sa ordinaryong hambingan ang lahat, dahil walang dapat ihambing yamang magkaiba ang polong pinagmumulan ng dalawang babae. Ipinamamalas lamang sa kuwento na hindi kayang palamutian ng ginto ang puri, at ang puring ito ay hindi nabibili bagkus pinagsisikapan, at nasa sa tao na kung paano titingnan ang kaniyang pagkatao.
Marami pang dapat tuklasin sa mga kuwento, nobela, tula, dula, at sanaysay ni Regalado. Isa si Regalado sa mga dakilang manunulat na kinaliligtaan sa mga teksbuk o antolohiya, at ito ay isang mabigat na pagkakamali na dapat ituwid ng kasalukuyang henerasyon.  Si Regalado ay hindi karaniwang mangangatha o makata, at ito ang tadhanang dapat nating harapin, ngayon at sa susunod na pagbasa ng kaniyang mga akda. Kailangang mapag-aralan si Regalado, upang makalikha tayo ng sariwang mga mito ng ating henerasyon—na maaaring lihis sa mga mito at konseptong binuo ng henerasyon ni Iñigo Ed. Regalado— at mapalago natin nang lubos ang ating panitikan at pagkabansa.
Kinakailangang tuklasin muli si Vicente Y. Sotto (1878-1950), hindi bilang isang kuwit sa kasaysayan o kaya'y tukayo ng komedyanteng aktor at senador, bagkus bilang panitikerong maipagmamalaki ng mga Sebwano. Itinuturing na "Ama ng Panitikang Sebwano," si Sotto ay humawan ng landas sa pagiging peryodista, dalubwika, mandudula, at kuwentista. Magandang simula ang mga pag-aaral ni Resil Mojares, at ang mga salin nina Don Pagusara, Erlinda Alburo, at Remedios B. Ramos hinggil sa ilang piling dula at kuwento ni Sotto na pawang nalathala noong bungad ng siglo beinte.
Taliwas ang mga kuwento ni Sotto sa mga naunang salaysay na hitik sa mga hari at reyna at relihiyosong pinauso noong panahon ng awit at korido. Tinumbok ni Sotto ang mga makatotohanang pangyayari sa kaligiran, mulang digmaan sa malawak na lipunan hanggang tunggalian sa loob ng pamilya't katauhan. Dagdag pa'y ginamit niyang instrumento ang katha upang punahin ang mga baluktot na paniniwala ng madla o kaya'y naghaharing uri, at magmungkahi ng pagtutuwid sa pamamagitan ng talinghaga at pagpapahiwatig.
Maiikli ngunit malilikot ang kuwento ni Sotto, at maaaring ihanay iyon sa "dagli," na sumasaklaw sa "maikling-maikling kuwento," "pasingaw" (sketch), "tulang tuluyan," at "anekdota." Ang naturang kaiklian ay nakaayon sa sukat ng mga pahayagang kinalathalaan ng mga kuwento, gaya ng Ang Suga  (1901), na binubuo lamang ng apat ng pahina. Nakatuon ang mga kuwento sa isa o dalawang tauhan, at higit na nakakiling sa mabibilis, kapana-panabik na paglalahad ng mga yugto ng pangyayari, na kung minsan ay may mga puwang sa banghay na kailangang punuan ng mambabasa. Buháy na buháy ang mga usapan, at ang gayong realismo ay waring tandisang sumasalamin sa tunay na nagaganap sa paligid.
Mahaba-haba na ang akdang "Ang Tinagoan ni Teresa" (1908)  na hinggil sa buhay ni Teresa na maykayang babae na nabuntis at pagkaraan ay ipinaampon sa isang balo ang kaniyang isinilang na anak doon sa Magindanaw. Ang sanggol ay lumaking matalino at makisig na lalaki, at paglipas ng panahon ay makakatagpo ang ikalawang anak sa ibang asawa ni Teresa. Nagkaibigan ang magkapatid sa ina, at sa bandang huli'y nagpatiwakal si Teresa dahil hindi matanggap ang kahihiyang idinulot sa asawang si Silvestre Makisalin. Nagwakas ang kuwento sa paghihinagpis ni Silvestre, dahil aniya'y walang halaga ang nakaraan ni Teresa; ang higit na mahalaga'y naging mabuting asawa at ina si Teresa nang sila'y magpakasal.
Pambihira ang kuwentong ito, dahil naiiba na ang pagdulog nito sa konsepto ng "puri" ng babae noong panahong nalathala ang akda. Dati, ang "puri" ay hindi lamang iniuugnay sa "virginity" bagkus maging sa "dangal." Katunayan, ginamit nina Andres Bonifacio at Emilio Jacinto ang konsepto ng "puri" at iniangat iyon sa pambansang antas. Ang pagkawala ng puri ay katumbas na ng kamatayan dahil wala nang "mukha pa ang maihaharap sa bayan." Umuusig ang kuwento sa de-kahong paniniwala ng lipunan, at hinahatak ang kalalakihan na sipatin ang pag-ibig nang higit sa idudulot na kasiyahan ng makalupang pagniniig.
Mababanggit ang isa pang kuwento ni Sotto na pinamagatang "Panikas sa Gugma"  (1908)  na hinggil sa matandang balong babaeng mayaman (Donya Torcuata Abella) na umibig sa isang binatang makisig ngunit dukha (Potin). Tumutol ang mga anak ni Donya Torcuata sa pasiya ng kanilang ina na magpakasal muli, ngunit hindi napigil ang rumaragasang libog ng babae. Ang kalibugan ng babae  ay tinumbasan ng kalokohan ng lalaki, na lumustay ng pera ng babae. Itinakas ni Potin ang malaking halaga ng pera tungo sa Hong Kong, nagtayo roon ng negosyo at pumili ng ibang babae, at iniwang luhaan si Donya Torcuata na inakalang nabuntis siya. Natuklasan ni Donya Torcuata na bilbil lamang sa puson, at hindi totoong sanggol ang dinadala niya. Nagwakas ang kuwento nang maglupasay hanggang mabaliw ang matandang babae.
Sa naturang kuwento'y ibinubunyag ni Sotto ang kalabisan ng mga matronang nasa alta sosyedad, ngunit ang paraan ng pagsasalaysay ay napakagaan, mapagpatawa, at hitik sa makukulay na usapan. Ang kakatwa'y ang gayong uri ng kuwento ni Sotto ay uulit-ulitin magpahangga ngayon, hanggang maging de-pormula na ang talakay sa nasabing paksa. Marami pang kuwento si Sotto na kung babanggitin ko rito ay hindi matatapos ang ating usapan. Kaya ipinapayo kong bumili na lamang kayo ng Labindalawang Kuwento ni Vicento Sotto  (1998)  na inilathala ng UP Sentro ng Wikang Filipino. Kailangang mapag-aralan muli si Sotto sa panahong ito, sa orihinal mang Sugbuhanon o sa saling Filipino, at nang mabatid ng lahat, na higit na makapangyarihan ang siste ng panitikan kaysa kabulastugang napapanood ngayon sa mga programa sa telebisyon.
Itinugon ng manunulat, sa bahaging iyon ng kaniyang panayam, “Hindi iyon ang iniisip ko.” Mabilis namang sumegunda ang nagtanong, “Ano ang iniisip mo?” Waring nasorpresa, bahagyang napangiti ang manunulat, may biglang liwanag sa kaniyang mga mata, “A, salamat. Ibig ko ang tanong na iyan.”
Sinikap kong umibig nang tunay; mayroon akong asawa at anak, naging mabuti ang buhay para sa akin; may mga problema, oo, pero nalampasan ko lahat.
Ang hindi ko masabi, kung naging mabuti ang buhay para sa aking mag-ina sa piling ko. Mukhang kontento nga ang aking asawa at masaya ang aking anak, mayroon siyang sariling pangarap. Gayunman, iniisip ko pa rin, ngayon at ako’y matanda na, kung paano ito nangyari.
Ipagdiriwang sa 8 Mayo 2008 ang ika-65 taon ng pagkakalathala ng maikling kathang "Uhaw ang Tigang na Lupa" (1943) ni Liwayway A. Arceo. Mahalaga sa aking palagay ang nasabing araw dahil iyon ang magbubukas ng pinto kay Liwayway sa daigdig ng panitikang Tagalog, at pagkaraan, sa panitikang Filipino sa kabuuan. Pambihira ang hagod ng mga salita sa kathang "Uhaw ang Tigang na Lupa," at hindi kataka-taka kung umani iyon ng mga papuri mula sa mahihigpit na kritiko.
Inilahad ang "Uhaw ang Tigang na Lupa" sa punto de bista ng isang anak na dalagita, at sa kaniyang mala-muslak na mata'y masisilayan ang matimpi, kung hindi man sikil na ugnayan, ng magkabiyak na ang lalaki'y manunulat at ang babae'y tapat na maybahay. Magkakalamat ang kanilang pagsasama, nang di-sinasadyang matuklasan ng babae na may ibang sinisinta ang kaniyang bana. Ngunit lilihis sa kakaibang wakas ang kuwento nang magkasakit, magdeliryo, at pagdaka'y mag-agaw-buhay ang lalaki. At bago ito malagutan ng hininga'y hiniling nito ang pagsang-ayon ng kaniyang kalaguyo sa bagong pagsasama. Sumagot ang kabiyak at nagkunwang kalaguyo—at pinagbigyan kahit napakasakit pakinggan ang gayong pagtataksil ng kaniyang bana.
Tapat at dalisay ang himig ng persona, at bawat kataga nito'y tila ibinubulong sa kaniyang saksing talaarawan. Kung naganap marahil ang tagpong iyon sa ngayon ay hindi na talaarawan ang anyo bagkus isa nang lahok sa blog. Ang paglalarawan sa mga tauhan, ang paghuhunos ng panahon, ang unti-unting pagbubunyag ng lihim, at ang maingat na pagkatalogo ng diwa't damdamin ay pawang itatakda ng numero sa simula ng talata o pangkat ng mga talata.
Walang pasubaling naiiba ang hagod ng wika ni Liwayway sa iba pang manunulat na nauna sa kaniya, gaya nina Fausto Galauran, Valeriano Hernandez Peña, at Antonio Sempio, at kahit sa kaniyang kapanahong si Genoveva Edroza-Matute. Maindayog gaya sa musika ng tulang tuluyan ang pukol ng salita ni Liwayway. Ngunit hindi mahahaba ang pangungusap, at kung pinahaba man ay halatang sinadya upang patagintingin ang bagsak ng mga salita o diwa; hindi rin mapalamuti ang pandiwa o pang-uri; at lalong hindi makapagpapaantok ang monologo gaya ng sa mga tauhang nauuso noon. Heto ang ikalimang bahagi ng "Uhaw ang Tigang na Lupa" na maitatangi sa iba pang bahagi dahil waring sinadya rito ang repetisyon ng mga salita at paglalarga ng diwa:
Kung gabi ay hinahanap ko ang kaaliwang idinudulot ng isang amang nagsasalaysay ukol sa mga kapre at nuno at ukol sa magagandang ada at prinsesa, ng isang nagmamasid at nakangiting ina, ng isang pulutong ng nakikinig na magaganda at masasayang bata.
Nguni, sa halip niyon ay minamalas ko si Ama sa kaniyang pagsusulat, sa kaniyang pagmamanikilya, sa kaniyang pagbabasa. Minamasdan ko kung paano niya pinapangungunot ang kaniyang noo, kung paano niya ibinubuga ang asóng nagbubuhat sa kaniyang tabako, kung paano siya titingin sa akin na tila may hinahanap, kung paano niya ipipikit ang kaniyang mga mata, kung paano siya magpapatuloy sa pagsulat . . . .
Si Ina ay isang magandang tanawin kung nanunulsi ng mga punít na damit, kung nag-aayos ng mga uhales at nagkakabit ng mga butones sa mga damit ni Ama. Sa kaniyang pagbuburda ng aking mga kamison at panyolito-sa galaw ng kaniyang mga daliri-ay natutunghan ko ang isang kapana-panabik na kuwento. Nguni, ang pananabik na ito'y mapapawi.
Kabagut-bagot ang aking pag-iisa at ako ay naghahanap ng kasama sa bahay-isang batang marahil ay nasa kaniyang kasinungalingang gulang o isang sanggol na kalugud-lugod, may ngiti ng kawalang-malay, mabango ang hininga, may maliliit na na paa at kamay na nakatutuwang pisilin, may mga pisngi at labìng walang-bahid kasalanan at kasiya-siyang hagkan, o isang kapatid na kahulihan ng gulang, isang maaaring maging katapatan . . . .
Magaan ang ganitong uri ng pananagalog, at masasabing kauri ng wikang ginagamit kahit sa pagsusulatan ng mga karaniwang tao noon. Ngunit siyempre, hindi na uso ngayon ang ganitong uri ng wika. Ano't anuman, kapupulutan pa rin iyon ng aral ng bagong henerasyon ng mga manunulat, gaya sa hanay ng mga manunulat sa Tagalog Online Pocketbook at iba pang literaturang pangkabataan. Mabuti nang mag-aral hinggil sa ating wika at panitikan, kaysa ipagpatuloy ang pangangapa at walang habas na katangahan.
Inaanyayahan ko kayong basahin muli si Liwayway A. Arceo. Basahin natin ang kaniyang mga nobela, kuwento, dula, sanaysay, at iba pang akda nang bukas ang isip at malayo sa prehuwisyo at haka ng ibang kritikong mababaw ang pagsusuri sa panitikang Filipino. Basahin at pahalagahan natin ang mga manunulat na Filipino alinsunod sa likas na agos ng kasaysayan ng panitikang pambansa habang gamit ang lente ng pagbasang magmumula lamang sa pananaw ng Filipino. Mabigat ito, subalit nakatitiyak akong kayo rin ang ganap na makatitighaw ng uhaw ng malawak, mayamang lupain ng ating pambansang panitikan.
Wala naman talagang connection ang tittle sa laman ng journal na ito eh... Ang laman kasi ng journal na ito ay ang mga adventures and missadventures ko at ng tatlo ko pang kasamahan na si Abo (na isang photographer), si Benjie (na isang mascot), at Martin (na hindi ko nakita sa mga field expedition ng NSTP-CWTS).
Naikuwento sa akin ni Abo ang mga nangyari sa Passi (nagkataon na hindi ako nakasama. Nilagnat kasi ako, akala ko dengue. False alarm lang naman pala.). So, ang nangyari daw sa pag punta sa Passi ay nag karoon daw ng mahabang biyahe. As in mahaba daw (ewan ko kung exaggerated lang ang pagkaka kuwento niya sa akin). Sa pag punta palang daw ay mapapapagod ka na. Karamihan daw sa mga batang volunteers ay inaantok-antok pa. Dahil siguro sa masyadong excitement, di na nakatulog.
Pagkatpos daw ng nakamamatay na biyahe ay narating nila ang lugar ng Passi. Na maya-maya lang ay lilipunin ng mga batang naka orange/neon-like-effect/masakit-sa-mata na t-shirt. Naging mainit ang pagtanggap ng nayon sa mga invaders na ito. Kasabay ng nakakalapnos na init ng araw! Masaya ang mga taong nayon pero medyo badtrip, dahil kasi sa nakabubulag na t-shirt nga mga bata.
EQUATION:
Kulay ng damit + Matinding sikat ng araw = NAKABUBULAG!!!!
Pagdating sa spot ng abomination, naghanda na ang mag Orange-t-shirt-invaders para sa isang mass construction. Inipon ng mga aliens na ito ng mga sandata nila upang masimulan na niya ang kanilang layunin. Isa-isang binitbit ng mga ito ang mga radioactive seedlings upang itanim sa lugar na dapat nitong pagtamnan. Parang may mga serial numbers ang mga seedlings na ito at alam aga ng mg invaders kung saan ang hukay na pagbabaunan ng mga seedlings.
Hindi mo ba itatanong kung ano ang magagawa ng radioactive seedlings na ito sa ating mother earth? Gusto mo bang malaman kung ano? Bakit di mo itnong sa akin...
Natanong mo na ba? Itanong mo na...
Well simple lang naman ang sagot at self explainatory narin kaya siguro ay kaya mo nang sagutin ang tanong mo.
Buweno balik tayo sa mga batang naka orange t-shirt (magmula dito ay hindi na sila mga aliens kasi mabuti naman ang hangad nila sa Passi). Kung ang iba daw ay masipag na nag tatanim, ang iba naman daw ay nagtatanim din pero kunyari lang at dudumihan lang ang kamay para ipakit kay Bb. Kareen Jay Diesto na nadumihan din ang kanilng kamay sa pagtatanim.
Siyempre nagutom ang mga bata (tao na sila, remember.. kaya nagugutom na sila. ngayon... kanina kasi alien sila diba?) so, sila ay kumain na ng kanikanilang mga baon, at pagkain na bigay ng mga taga Passi dahil sa pasasalamat sa naitulong ng mga NSTP-CWTS Students sa inang kalikasan. May naikuwento pa nga pala si Abo tungkol sa boring na program. Isasama ko pa sana dito kaso masyadong boring na eh... isa pa pagod na saliri ko, sira pa yung letter “A” ng keybord.
Basta ang katapusan ng kuwento umuwi na ang mga kabataan sa kanikanilang planeta...  :)
Pagod na pagod sa mahabang biyahe at hilong-hilo sa kahahanap ng daan puwi. Sa pagkahilong iyon ay napadpad kami sa hindi pamilyar na lugar. Napansain ko nalang na ako at ang kapatid ko ay nasa harap ng simbahan sa Quiapo. Pusturang pustura kami habang ang isa naman naming kasama ay isang babae na nagtitinda ng sampaguita. Gusgusin at pawang di pa nakakakain sa araw na iyon. Hindi aninag sa akin ang mukha ng bata ngunit aninag ko na hirap siya sa buong araw na paglalako.
Patakbo siyang nagtungo sa pinto ng simbahan habang ang dalawang natitirang sampaguita na tangan niya sa kanyang kaliwang kamay ay patuloy sa pagkawag. inaya niya kaming lumapit upang makita ang loob ng simbahan ngunit siya ay nawala sa dagat ng taong naroroon.
Sa muling pagsapit ng tanghaling-tapat, muli kaming bumalik sa lugar kung saan naming unang nakita ang batang babae, ngunit hindi naming ito makita sa labas kaya ipinasya naming pumasok sa loob ng simbahan. Namataan naming ang dalagita sa harap ng altar. Nakaluhod, nagdarasal. Inuusal ang panalangin sa hangin. Hawak parin niya ang dalawang natitirang sampaguita sa kanyang kaliwang kamay. Marahan kaming lumakad paloob at naupo sa mahabang silya ng simbahan. Matagal ang dalagita sa pagdarasal, taimtim, at halos gumugol ng maraming oras. Hindi ko alam ngunit sa pagkanais naming makilala siya ay hindi kami inabot ng kahit kaunting pagkabagot.
Patuloy ang pag takbo ng oras…
Patuloy ang pagsingaw ng maalinsangang lupa…
Patuloy ang paulit-ulit na pag kanta ng koro…
Naibsan ang aming paghihintay nang bigla siyang tumayo at nagsiling, “Ang ibang mga sampaguita ko ay naipamigay ko na sa lahat ng mga importanteng tao sa buhay ko.” nagulat kami sa biglang ibinulalas ng dalagita, at dahan dahan itong lumapit sa amin. Hinawakan ang aming kamay at humalik sa aming mga pisngi. Iniabot niya ang dalawang natitirang sampaguita at muling nagsiling, “Mahala na mahal ko kayong dalawa.” at pagkatapos ay mgumiti siya ng matamis.
Sa mga sandaling iyon ay doon ko unti unting napansin na lumiliwanag ang kanyang anyo. May maigsing buhok at mapungay na mga mata. Ang dating gusgusin ay ngayo’y nakasuot na ng matingkad na puti, animo’y representasyon ng kabutihan at pagmamahal. Napuno ng galak ang aming mga puso, sa kabila ng galak na iyon ay isang babae lang ang pumasok sa aking isipan. Siya ay ang aking ina.
Sabi ng kaibigan kong si Pepe. (Rizal sa mga taong hindi niya tinuturing na kaibigan…). Ang kabataan daw ay ang pag-asa ng bayan . Na ang ibig sabihin ay nakasalalay ang hinaharap ng ating bansa sa mga uhugin at walang muwang na mga musmos. Mga kabataang nilalang na walang alam kundi ang maglaro ng bahay-bahayan, duktor-duktoran, at kung ano-ano pang larong ginagmitan ng tinatawag nating “PAGKUKUNWARI”. Ang labo talaga ni Pepe. Mantakin mong ipagkatiwala sa kamay ng mga bata ang pag-asa ng Pilipinas, anong mararating ng bansa kung gayon? minsan ko nga itong naitanong kay Pepe ngunit ang tanging naisagot niya lang ay isang matamis na ngiti at mapungay na mata. Inaasahan niya siguro na malalaman ko ang sagot mula sa mapula niyang mga labi at mapuputing mga ngipin… dun siya nagkamali dahil ang iniisip ko ay ipinakikita niya lamang ang kanyang ipin na bagong sepilyo.
Kinabukasan, nakarating sa akin ang isang masamang balita. Dinakip ang aking matalik na kaibigan at ipiniit sa Dapitan. Badtrip! aayain ko pa sana siyang maghapunan sa bahay upang mas mapag-usapan namin ang kayang mga tanyag na salawikain. Kesyo kabataan raw ang pag-asa ng bayan… at kung ano-ano pang eklat… at yung isa pa… yung salawikain na may “MALANSANG ISDA” ata… basta iyun na yon… nakakainis talaga. Wrong timing ang mga Kastila sa paghuli sa kanya.
Dalawang araw matapos ang pagka baril kay Pepe na naging madrama… (hindi dahil sa marami ang tumangis sa kanyang pagkapaslang sa Bagong Bayan) dahil sa siya ay humarap sa bala sa tiempong pagkasigaw ng Gobernador Heneral ng “FUEGO” ayun bumulagta siya na nakaharap sa sinag ng araw… (si pareng Pepe talaga ang daming nalalaman na kadramahan…).
Ako ngayon ay naglalakad sa Escolta. Nalulungkot dahil wala nang Pepe na gagabay at magtuturo sa akin ng kung ano-anong mga bagay tungkol sa mundo at sa nangyayari dito. Sa aking patuloy na paglalakad ay marami akong napansin na dati ay bulag ako para makita. Ang dami kong napunang kakaiba as in weird pare! Iyung isang babae ay pinipili ng mga sibil na sumama sa kanila. Hindi ko nalang inisip kung bakit. Tapos may isa pa akong nakita, sa simbahan naman ito, yung mga donasyon para ipagawa ng simbahan ay ibinulsa ng kura para ipangbabae lang. Kitang-kita ko. Dinukot niya ang mga riyales at isinilid niya sa kanyang brown na pouch. wallet niya ata iyun. At eto ang pinaka malupit kong nakita. Hindi na kaya ng kunsensya ko ang mag bulagbulagan pa. Biruin mo kapwa mo Pilipino pa ang dadagok at yuyurak sa pagkatao mo, kapalit nang ano? Kapalit ng kapirasong lupa at nauupos na kayamanan… parang mga walang pinag-aralan, walang delikadesa. Parang ang salitang “NASYONALISMO” ay wala o sadyang binura mula sa kanilang bukabolaryo. Mataas man ang pinag-aralan wala naman laman ang kanilang maliit na kukote. Daig pa ang mga musmos sa galing nilang mag kunwari. Nakakahiya. Mga uhuging matatanda.
Kumatok muli ang salawikain ni Pepe sa aking gunita. At aking napagtanto na Kabataan talaga ang pag-asa ng bayan. Ngunit mangyayari lang ito kung tayo ay matututong mag pahalaga sa mga musmos at turuan natin sila ng mabuting asal. Upang sa gayon ay maging reponsable silang mamamayan pagdating ng kanilang terminong mamuno. Wag sana nating hayaang maging tarantado ang ating mga kabataan. Ngayon na ang panahon upang gisingin sila sa kamusmusan at pag kukunwari, at himukin sila patungo sa riyalidad at pag-unlad.
Ano pa ang hinihintay mo? Sumama ka na sa pagpunas ng uhog sa ilong ng pag-asa ng ating bayan.