Patapos na ang first sem nung nagkalabo-labo na ang mga bagay-bagay sa apartment. Dun na din lumabas yung mumu. Incubus daw yung mumu sabi ni Ate Yellow. Nung gabi daw kasi na yun, parang may nakapatong sa kanya at pwinipwersa siya. Kahit anong dasal daw niya, ayaw daw siyang tigilan. Nung nanghina na siya, saka lang daw nawala ang pwersa na nakapatong sa kanya.
Kinaumagahan, kwinento niya samin yun at kinilabutan talaga ako kasi katabi lang ng kwarto ko yung kwarto ni Ate Yellow. Strong ang personality ni Ate Yellow pero nung kwinento niya yun, parang bigla siyang naging kawawa. Kinahapunan nga nung araw na yun, habang nasa skul kami nila Ate Centrum at Mesh, nag-text si Ate Yellow na uuwi na daw muna siya ng Pangasinan, kami na daw muna bahala sa apartment. At nung gabing yun, umuwi ako nang wala sa oras sa Kyusi sa kadahilanang hindi matutulog sina Ate Centrum at Mesh sa apartment.
Kwinento ko yun sa nanay ko pagdating ko dito sa kyusi. Bumalik daw ako dun sa baguio, mag-take ng mga final exams at maghanap ng malilipatang bahay. Aakyat daw siya pag tapos na ang sem at lilipat na ko.
Natapos din ang sem nang hindi ako namulto ng todo-todo. May mga naramdaman ako pero di ko na lang pinansin. Noong huling week ko dun sa apartment na yun, madalas kong pinapatulog sa apartment yung mga kaibigan at blockmates ko para maging maingay sa apartment at di ko na mapansin ang mga mumu-mumu.
Dumating na nga si mama, sinundo ko siya sa bus terminal. At nung nag-taxi kami papuntang apartment, todo-sermon ang inabot ko dahil bakit daw pagkalayo-layo ng nilipatan kong bahay at pa-zigzag pa ang daan. Isang landslide lang daw eh, patay na ko dahil nasa bandang ibaba ang barangay ng nilipatan kong apartment.
Habang nag-aayos ako ng mga gamit, lumabas pala si mama ng apartment para maghanap ng maarkilang jip para sa paglilipat ng mga gamit ko. Pagbalik niya sa apartment, pinagalitan na naman niya ko dahil nalaman niya dun sa babae sa tindahan na madalas kaming uminom ng mga housemates ko. Bwisit na babae yun! Pinapayaman na nga namin yung tindahan nila, isusumbong pa ko! Bwisit.
Pagka-andar nung jip, nagulat kami ng may nagsisigaw na babae at hinahabol yung jip na inarkila namin. Nakahabol siya at nakasabit siya sa jip. Yung landlady ko pala yun, sinisingil ako ng bayad daw namin sa kuryente.  Mukhang pera talaga yun!
Big Brother House
Nakarating na kami dun sa bago kong boarding haus. Okay naman. Malaki yung bahay. Pwede hanggang labing-dalawang boarders. Dalawa yung cr, magkakahiwalay pa yung shower room at toilet. Napunta ako dun sa rum na pang-dalawahan.
Ang dami kong naging boardmates at roommates sa bahay na yun. Three sems kase akong tumira dun. May mga panahon nun na napuno yung buong bahay, meaning 12 kami. At may mga panahon ding, 3 lang kami sa buong bahay.
Dun ko naranasan talaga yung pila-pila sa banyo. Meron ding nagnanakaw ng tide powder ko sa laundry area.  Merong di naghuhugas ng pinggan sa sink na umaabot ng two months. May mumu din dun pero tolerable naman. Hehe.
Sa dinami-dami ng naging boardmates ko dun, apat ang ibubulgar ko ang baho dito sa blog ko. Sila ang napili kong BIG FOUR.
4th Big Placer : MESH
Naisama ko pala siyang lumipat dun sa boarding house. At expectedly, siya ang aking unang naging roommate. Grabe yung room namin nun, parang araw-araw binabagyo! Tamada pa siyang maglaba/magpalaba ng mga damit niya. Nasa loob lang ng rum namin yung mga marurumi niyang damit kaya naman kahit anong spray ko sa kwarto namin, parang never yun bumango ng todo. Pero kahit ganun, mabuti naman talaga siyang kaibigan. Super funny siya at masayang kasama. Masaya siyang kasama kahit saan wag lang sa bahay.
3rd Big Placer: GAIL
Siya ang pinakamayaman kong naging boardmate. Mabait talaga siya at hindi sosyal. Kahit anong yaman niya, hindi niya pinagyayabang ang mga kayamanan nila. Masaya siyang kasama. Masarap i-food raid yung room niya (solo lang siya sa room) kasi ang dami niyang stock ng pagkain. Nung patapos na yung second sem nung first year kami, dun lumabas yung pagka-rebelde niya. Nainvolved siya sa isang professor sa skul at nakawilihan niya ang pag-inom araw-araw. Isang gabi, bigla na lang siyang nawala. Tumawag kasi siya sa selpon ko at kung anu-ano ang pinagsasabi (mukhang lasing) at napag-alaman kong wala siya sa kwarto. Naloka kami (ako, isa pang boardmate at isang kaibigan) sa kakahanap sa kanya. Sinira pa namin lock ng door ng room niya para mapanatag na hindi siya nag-suicide. May exams kami kinabukasan pero hinanap namin siya sa session road. Ang weird kasi, bigla na lang naging rebellious si Gail eh hindi naman talaga siya ganun. Nagsimula lang yun nung nainvolve siya dun sa prof. Umuwi kami ng boarding haus ng mga alas-tres ng umaga nung hindi namin siya nakita. Ayon sa kaibigan ko na dun natulog sa boarding haus, dumating daw si Gail ng mga alas singko y media na ng umaga. Nag-sorry naman siya samin nung nalaman niyang hinanap namin siya at di kami nakapag-review sa kanya-kanya naming exams. Uminom lang daw siya at nagreview (may exam din siya) sa isang store na malapit sa boarding haus namin. Nakita daw niya kami nun pero nagtago siya. Kahit nag-sorry siya sa akin, di na kami naging super okay after nun.
2nd Big Placer: Lotlot
Unang kita ko palang sa kanya, ayoko na sa kanya. Mukha kasi siyang maarte at pasosyal. At hindi nga ako nagkamali, may pagka-social climber etong si Lotlot. Wala na sana akong pakialam dun kaso ang nakakabadtrip lang sa kanya, umuutang siya ng pera na ipapang-shopping lang pala niya. At super tagal bago niya bayaran yung utang na yun. At ang yabang-yabang niya. Naging okay din kami nitong si Lotlot nung mga panahon na nakilala ko pa siya ng mas maigi. Pero kalaunan, nangibabaw pa rin yung mga negative characteristics niya kaya hindi talaga kami naging okay.
Big Winner: May
Naging roommate ko tong si May. Siya talaga ang nagpaiyak sakin sa boarding haus. Pinaiyak niya ko sa sobrang galit. Nagluto kasi ako nun ng paborito kong chicken adobo. Gabi ko yun niluto. Madami na kong niluto para yun na din ang uulamin ko kinabukasan. Nilagay ko yung kaldero ko sa may kitchen, nakatakip yun at mukhang safe naman dahil malayo sa sink na may mga pinggan at kalderong hindi pa bukas. Kinaumagahan, pagka-angat ko ng takip ng kaldero ko, nagulat na lang ako ng may makita akong mga maliliit na maggots na nagpipiyesta sa chicken adobo ko!!! At dun ko na lang napansin na nagkalat na pala ang mga maggots sa buong kitchen namin. At nanggagaling sila dun sa mga pinggang di nahugasan sa lababo!! At si May, ang katangi-tanging tao sa bahay na nagpapaabot ng isang buwan bago hugasan ang mga pinggan at kaldero niya!! Muntik ko na siyang sipain sa mukha sa gigil. Isang kilong manok kaya yung inadobo ko! At yun yung panahon na sobrang tipid ako sa allowance ko dahil male-late yung padala sakin. At ayaw pa niyang linisin yung buong kitchen! Bwisit siya!!!
(inhale-exhale 3x) Ayan. Okay na ko. Uminit na naman kasi ang ulo nang maalala ko ang chicken adobo ko na minurder ng mga maggots ni May.
Marami talaga akong natutunan sa dalawang taon na pagtira ko sa mga bahay na hindi ko naman bahay. Iba't ibang klase ng mga tao yung nakasama ko sa bahay kaya iba't ibang style din ng pakikisama ang na-master ko.
Pero iba pa rin ang nakatira ka sa sarili mong bahay. Mas free ka na magkalat kasi nanay mo lang naman ang magagalit. Wala ka pang dapat na pakisamahan. At mas masarap pa ang pagkain pag nasa sarili kang bahay, hindi basta namumurder ng kung anong creature.
Dahil walang pasok nung May 1, nagyaya si momo na mag-badminton daw kami. Syempre, go naman ako kagad! At isasama daw ni momo ang kanyang espesyal prend kaya lalong go ako! Kelangan makilala ang girlaloo na ito. Hehe.
Apat lang kami na nag-badminton. Ako, si chingching, si momo at ang kanyang espesyal prend. Una kaming pumunta sa badminton court sa lagro. At dahil holiday, sarado pala ito. So, nagpunta na lang kami sa clubhouse ng isang malaking subdivision sa may neopolitan. At dun nga kami nakapagrent ng badminton court at nakapaglaro.
Pagkatapos ng dalawang oras na paglalaro, nagbihis na kami at umalis. At dahil sa gutom kami sa paglalaro, nagkayayaan kaming kumain. Malayo yung subdivision na pinuntahan namin sa sibilisasyon. Walang malapit na mcdo or jollibee man lang dun. Niyaya kami ni momo sa isang gotohan na malapit dun.
Pagdating namin sa bikoy's (eto ang pangalan nung gotohan na sinasabi ni momo), na-impress kagad ako sa lugar kasi kahit parang carinderia lang siya naka-landscape naman yung buong "carinderia". Sosyal diba?! Umorder na kami. Lugaw pares with egg yung inorder ko. Pagdating nung inorder namin, lafang kagad kami kasi nagutom din kami kakabadminton. Nasa kalahati na ko ng pagkain ko ng may napansin akong kakaiba sa lugaw ko.
Napamura talaga ako nang makita ko yang insektong yan na nagsswimming sa lugaw ko! Kamusta naman diba?! At nang sinabi ko to sa mga kasama ko, sila chingching at espesyal prend ni momo nawalan ng gana samantalang si momo, di na nakapag-react dahil sa ubos na niya yung lugaw niya. At dahil wala naman sa personality ko ang mang-away, si chingching ang nagtaray dun sa mga babaeng nagserve samin. Ang sabi lang nila, wag na daw naming bayaran yung lugaw ko. At ang tagal-tagal ng pakikipag-usap namin sa kanila dahil parang ayaw nila kaming asikasuhin matapos ang pagtataray ni chingching. Parang sila pa ang galit!! Ang kakapal ng mga mukha!! Humingi kami ng resibo. Pero wala silang resibo, nagsulat lang yung isang babae sa kapirasong papel at nang pinalagay namin yung pangalan niya dun sa resibo, "RUTH" ang nilagay niya samantalang ang nasa nameplate niya ay "JOYCE". Kamusta naman yun?! Lokohan?!
Mabuti na lang at wala namang nangyari sa tiyan ko. Okay naman. Pero grabe ha! First time ko tong makakain ng pagkain na may kung anong "exotic" ingredient! Friends, pag nadaan kayo ng neopolitan, fairview (dun sa may highway papuntang sm fairview), wag kayong kakain sa BIKOY's FOODSTOP! Wag kayong malinlang sa ganda ng landscape ng kanilang kainan!
Nung magkakilala ang lolo at lola ko, pareho silang biyudo at biyuda sa mga una nilang mga asawa. Ang lolo ko, may tatlong anak dun sa una niyang asawa. Ganun din ang lola ko, tatlo din ang anak niya sa una niyang asawa. Nang magsama sila, anim na kagad ang mga anak nila. Nadagdagan pa iyon ng siyam nung naglabing-labing pa sila. So, pag in-add mo lahat, fifteen silang magkakapatid.
Bago pa man ipinanganak ni lola ang huling lima sa siyam na anak nila ni lolo, nagka-anak na ang panganay na anak ni lolo sa una niyang asawa. Magulo ba?? Sige, ganito yun, sa lahat na magkakapatid, bunso ang mama ko. Bago pa man ipinanganak ang mama ko, buhay na at naglalaro na ng tagu-taguan ang una niyang pamangkin (anak ng pinakamatandang stepbrother niya sa side ng lolo ko). Kaya may pamangkin si mama na mas matanda pa sa kanya ng ilang taon. At yung pamangkin niyang yun ay syempre, pinsan ko. Yung pinsan kong yun, marami ng anak yun ngayon. At ang panganay niyang anak ang pinakamatanda kong pamangkin, twenty-six years old. At balita ko, magpapakasal na siya. So, ilang taon na lang at magkaka-apo na ko! At 19 years old pa lang ako ngayon! Ganun kakomplikado ang arrangement ng pamilya ng mama ko.
Fifteen lahat silang magkakapatid. Mama ko ang bunso, 43 years old na siya. At ang pinakamatanda sa lahat ay yumao na. Na-iimagine ninyo ba kung gaano karami ang mga pamangkin at mga apo nila?? Ako nga, di ko alam kung ilan nga ba ang mga pinsan ko. Basta ang alam ko, lampas 50 kaming magpipinsan. Sobrang dami namin!
At nito ngang sabado ay nag-reunion kami. Umupa yung isang tito ko ng private pool sa pansol, laguna. Konti lang ang naka-attend kasi yung iba naming kamag-anak nasa bicol at yung iba naman ay nasa states na. Yung sasakyan namin ang huling nakarating dun sa resort na yun kasi nagkandaligaw-ligaw kami at pagdating namin dun, halos puno na ng mga tao yung mga pool. Oo nga pala, tatlo ang pool sa resort na yun. At syempre, muntik ng mapasma ang kamay ko dahil sa dami ng tito at tita na pinagmanuhan ko.
Ang favorite part ko sa reunion ay ang kainan. Isinantabi ko muna ang diet ko. Hehe! Syempre, minsan lang yung mga ganung pangyayari (palusot). At dahil mga bicolano sila (ako rin pala, bisakol nga lang ako), maraming pagkain na medyo maanghang. Keri lang naman kasi masarap at matakaw talaga ako. Wala akong sinasantong pagkain. Wahahahaha! At talaganf hinintay ko ang lechon na in-order ng tita ko, di muna ko nagswimming. At pagdating ng lechon, kinurot-kurot ko na ang balat niya!
Meron din akong nadiskubre tungkol sa pamilya namin. Hindi pala nakapagtataka na mahilig kami ni cheche sa bidyoke. Ang dami ko palang mga pinsan at mga pamangkin na pang-pinoy dream academy ang talent sa pagkanta. Hindi talaga nabakante ang bidyoke machine. Ako, di na ko kumanta, nahiya naman daw ako sa boses nila. Hehehe!
Hindi rin nakapagtataka kung bakit may tililing ako. Ang lalakas din kasi ng trip ng mga kamag-anak ko lalo na yung pinsan kong pinakamatanda (yung mas matanda pa sa mama ko). Una niyang trip, tinawag ang lahat ng mga tito at tita ko na hindi katangusan ang ilong at piktyuran ko daw para may ebidensya na pare-pareho sila ng ilong. Syempre, ang lakas mangantyaw nung iba kong mga tito at tita na nabiyayaan ng mga matatangos na ilong. Next niyang trip, pinapila lahat ng mga pamangkin at mga pinsan kong nagsi-itiman na dahil sa kakaswimming. Nagbotohan at nanalo ang pinsan kong babae! Di ko alam kung anung prize niya, whitening lotion ata. Hehe. At ang huli at ang pinakamatindi niyang trip, kumuha siya ng kaldero at nag-igib ng tubig mula sa pool at isa-isang binasa yung mga kamag-anak naming di pa lumulublob sa pool para daw lahat kami ay umuwing amoy-chlorine. Yung isa kong tito, walang kaalam-alam na bubuhusan siya ng tubig, ayun at nabasa ang cellphone at wallet niya! Tawa lang kami ng tawa kase gulat na gulat siya nung nabasa na siya.
Natapos ang araw na masayang-masaya at busog na busog ang lahat sa chlorine madaming pagkain. Lalo na yung mga bata, busog na busog sa chlorine kasi wala silang tigil sa paglangoy. Maganda talaga na nagkikita at nagkakasama kaming lahat minsan sa isang taon para kahit san kami magkasalubong, kilala pa rin namin ang isa't isa. Noon kasi, muntik ng ligawan ng isang pinsan kong lalaki ang isa ko pang pinsang babae; di nila alam na magpinsan sila kasi di masyadong nagpapakita sa mga kamag-anak namin yung pinsan kong lalaki na yun. At nagulat sila nung nagkita sila sa reunion at nalaman nilang magpinsan pala sila. Sa laki kasi ng pamilya namin, di talaga ang maiiwasan ang ganun kung di kami madalas magkita-kita. May habilin na kagad yung mga oldies sa pamilya, sana raw ay ituloy pa rin daw ng henerasyon namin ang pagrereunion kahit na wala na daw sila. Oo ba, basta ba laging sagot nung mga pinsan kong mayayaman ang lahat ng gastos! Hahaha!
Update: May apo na pala ako! Ngayon ko lang nalaman. May anak na pala ang pangatlong anak ng pinakamatanda kong pinsan. Oh well.
Ngayon ang araw ng enrollan para sa summer classes sa skul namin. Ang balak ko kanina, mga 1 pm na pumunta kaso etong si ES naiwan yung buong thesis nila sa bag ko kagabi kaya kelangan kong makipagkita sa kanya ng mga 9:30 ng umaga kanina. E medyo nainis ako kasi puyat ako kagabi tapos kelangan kong gumising ng maaga para ibigay yung thesis nila na dapat ipasa before lunch. Bakit kasi naiwan pa niya sa bag ko kagabi?! Palagay-lagay pa kasi eh. Hmp. Pero okay na din kasi nakapag-lunch kami together. Hehe. At ang saya dahil kumain kami sa chef d'angelo! Eh miss na miss ko na yung carbonara dun!! Yummy!! Sarap!! At syempre, masaya din ako kasi kasama ko siya... yihee!! (tinukso yung sarili???!! hahaha!) Ayoko na ngang mag-enroll kanina kasi gusto ko pa siyang makasama pa ng mas matagal kaso hindi talaga pwede. Kaya mga 1:30, lumabas na kami ng mall. Umuwi na siya at ako naman ay nagpunta na ng skul.
Sumakay ako sa harap ng fx, katabi ng mamang matangkad. Wala pa sa kalahati ng byahe ng may dumaang nagbebenta ng mga kendi sa kalye. Nagbukas ng bintana yung drayber at bumili siya ng skyflakes. Pagkatapos niyang ilagay sa dashboard ng sasakyan yung kanyang nabiling skyflakes, sinimulan na niya ang kanyang speech. "Kawawa naman ang mga pilipinong drayber, dahil sa shortage ng bigas, skyflakes na lang ang kakainin namin. Alam ninyo, yang shortage ng bigas, pakana lang yan ni gloria! Gimik niya yan para maibenta na yung mga matagal ng stock ng nfa rice...", sabi ni manong driver. Sa dami ng sinabi niya, wala ni isang nag-react saming mga pasahero niya. Akala ko, kausap niya yung katabi kong mamang matangkad kasi mas malapit yung mamang yun sa kanya. Paglingon ko kay mamang matangkad, hayun at nakapikit ang mga mata! Aba! Nagtutulug-tulugan para tumigil na si manong sa kakadada. Syempre, para tumahimik na si manong drayber, sinabayan ko na din si mamang matangkad sa pagtutulug-tulugan. Habang nakapikit ako, nag-speech ulet si manong drayber. "Yang mga colorum na bus, yung paghuhuli sa kanila, pakana din ng gobyerno yan! Kaya nila hinuhuli yung mga yun kasi may binili ang gobyerno na mga bagong bus galing US. Mas mabilis yun! Syempre! Pag naubos na ang mga colorum na bus, saka nila ilalabas yung mga bagong bus na bili ng gobyerno..." Habang patuloy pa rin nagii-speech si manong, naisipan kong i-video siya (para pakita sa inyo! hehe!) habang nagtutulug-tulugan ako. Kaso, mukhang nakatunog ata siya. Pagkalabas ko kasi ng celfone ko, tinapos na rin niya ang speech niya. Tahimik na siya hanggang sa makarating na ko sa bababaan ko. Bago nga pala ko bumaba, sinilip ko yung katabi kong mamang matangkad, hayun at nakabukas na ang dalawa niyang mata!
Pagkababa ko ng fx, naramdaman ko ang tindi ng init na hatin ng summer. Grabe! As in grabe! Naglakad ako mula central patungo sa masscom building. Tagaktak talaga ang pawis ko!! Wooh! Grabe!! Dapat matapos kagad ako sa pag-eenroll para makauwi na kagad ako at magkulong sa kwartong may aircon. Nung una, akala ko, mabilis lang ako matatapos pero nung nasa proseso na ko ng pagpapa-assess, nabigo na ang kahilingan kong matapos kagad. Natagalan talaga ko dun sa assessment, eh panu ba naman kasi ganito ang nangyari: ibibigay mo yung form5 mo sa window 1 tapos kukunin mo na lang yung sa window 2 pag natapos na ang assessment. Ang sabi nung babae sa window 1, tatawagin na lang daw pangalan namin pag tapos ng na-assess yung mga form 5 namin. Parang larong BINGO yung nangyari kanina. Hahaha! Loko-loko yung ibang mga estudyante, tuwing may matatawag na pangalan, nagpapalakpakan.(parang nanalo ng jackpot sa BINGO). Yung iba, malakas din ang trip, nagba-bow pa pagkatapos nilang makuha yung form 5 nila (parang  mga nanalo sa beauty pageant) tapos magpapalakpakan na naman yung iba. Ako, wala ako sa mood kanina nung natawag pangalan ko, kasi ang init-init!!! Ang lagkit na ng katawan ko nun noh! Kamusta naman?! Mga 2:00 ko pinasa yung form 5 ko sa window 1 ar 3:30 na natawag yung pangalan ko.  After nun, diretso kagad ako sa pnb na malapit sa shopping center ng skul para mag-withdraw ng pambabayad. At ang haba ng pila!! Todo punas na nga ako sa pawis ko pero init na init pa rin ako. Gusto ko mang bumili ng tubig, di ko magawa kasi mawawala ako sa pila. Whoo! Natapos din ang pagwiwithdraw. Sabi ko kanina, di ko na talaga kakayanin kapag mahaba pa rin ang pila sa cashier's office. At buti na lang, maikli lang ang pila sa cashier's office. Yahoo! Pwede na kong umuwi!
Kahit ang init-init at ang alikabok sa philcoa, keri lang kase malapit ko ng makamtan ang malamig na tubig na panligo. Kahit medyo matagal akong nakasakay, mabilis naman ang byahe pauwi! Pagdating ko nga sa bahay, diretso ako sa paborito kong si-ar at naligo!!!!! Tsaraaaaap!!! *kala mong init ka, may araw ka rin sakin! hmp!*
Wednesday ng umaga, nagpaalam si ate kay mama na pupunta daw siya ng laguna. Dun daw siya hanggang easter sunday, kasama mga kaibigan niya. Kami naman nila mama, nainggit sa kanya. Nag-isip kami ng mga pwede naming puntahan. Bicol dapat. Uwi daw kami dun kaso wala naman kaming masyadong malaking budget. Next na naisip namin, tagaytay. Tapos sabi ko, bakit di na lang sa baguio. Aba! Go naman sila! So wednesday ng gabi, umakyat kami ng baguio kasama yung kumare at kumpare ng nanay ko at yung tatlong anak nila.
Dalawang taon akong nagpabalik-balik ng baguio. At dahil lagi akong naka-bus, marcos highway ang lagi naming daan. Kaya first time ko lang makadaan ng kennon road at makita si lion nung umakyat kami ng naka-sasakyan. At dahil pers taym ko makitang si lion, nagpapiktyur kami sa kanya. Hehe. Pagdating naman namin ng burnham park, niyaya ko sila mag-boating. Wala lang. Trip ko lang na ma-experience nila ang green at napakalansang tubig sa burnham. Hehe. Go naman sila. Siyam kami lahat so dun malaking bangka yung pinahiram samin, wan pipti ang bayad. Pagsakay naming lahat, napansin naming hindi balanse yung bangka. Hala! Hiyawan na kaming hiyawan everytime na feeling namin e tataob yung bangka. Sabi nila manong, ganun daw talaga yun, so go na lang kami. Noong umaandar na kami, napansin namin na hindi balanse yung bubong at saka bulok na yung bangkang yun. At dahil sa kinakabahan na ang aking mudra, di rin kami nagtagal dun, ibinalik na namin yung bangka. Sayang ang wan pipti.
Next naming pinuntahan ang mines view park, wright park at dumaan din kami ng sm baguio para ipakita kay kuya yung architectural structure nung sm dun. Pers taym lang kasi ni kuya dun at yun yung gusto niyang makita. Arki grad kasi siya  kaya interesado siya dun. After nun, pumunta na kami ng 50's diner. Sabi ko, dun na kami mag-lunch kasi affordable naman at masarap yung food. Yung anak nung kumare ng nanay ko, umorder ng burger. Sabi ko sa kanya, malaki yung burger baka di niya maubos. Yun daw gusto niya at nalula siya ng makita na niya yung inorder niya. Mas malaki pa yung burger kesa sa kamay niya at yung burger patty ay mas makapal sa plato. Sabi nga niya, panis daw ang burger ng jollibee at mcdo! Dahil sa laki ng burjer, di niya yun naubos. Nag-order din kami ng tig-iisang milkshake. Alam ninyo naman, yun yung peyborit ko kaya pinatikim ko din yun sa kanila. Kahit busog na kaming lahat, umorder pa kami ng banana split. Na-amaze si kuya dun sa banana split, noon lang daw siya nakakain ng matinong banana split. Nasira tuloy yung diet niya.
After dun, diretso kami sa Lourdes sa La Trinidad. Dahil lenten season, di rin dapat puro saya kaya yun inakyat namin ang 100+ steps saka nagdasal. Nakakapagod yung ginawa namin, pinawisan kami kahit malamig dun. Okay na din at least nagamit namin yung mga kinain namin.  After nun, dumiretso kami sa strawberry farm. Nalula ako sa dami ng strawberries! Malamang strawberry farm yun eh. Haha.
Nag-ukay-ukay kaming tatlo nila cheche at kuya. Dinala ko sila dun sa mga suki ko ng ukay. Natuwa naman sila dahil madami silang nabili. Sabi nga ni kuya, parang gusto na niyang magpa-iwan sa baguio at dun na tumira. Haha. After nun, namili na kami ng mga pasalubong. Tapos, nagpahinga na kami para sa pagbaba namin sa manila. O diba?! Pinagod talaga namin ang aming mga sarili. Parang ginawa naming cubao yung baguio. Balikan lang. Wala rin kasi kaming budget para sa transient kasi biglaang desisyon lang yun. Anyways, nag-enjoy pa din kami kahit papaano. Syempre, natuwa akong nakabalik ulet sa baguio. Mahal na mahal ko talaga yung lugar na yun. At ang saya-saya kong nakainom ulet ako  ng vanilla milkshake sa 50's diner!
Eto ang ilan sa mga piktyur namin:
Etong entry na to ay para kay geisha na malapit ng umakyat ng Baguio City. Two years po akong nanirahan sa malamig na lugar na yun dahil sa UP Baguio ako nag-aral mula 1st year hanggang 2nd year college. This year lang ako nakalipat dito sa UP Diliman. Hindi biro ang dalawang taon. Napamahal talaga sakin yung lugar na yun. Isa nga sa mga pangarap ko ay ang makapagpatayo ng bahay sa Baguio kasi ayoko ng tumira ulet sa damuhan ng Burnham Park pag napadpad ulet ako dun. Ayoko na. Gusto ko ng matinong bahay. Hehe.
Isa sa mga pinaka-namimiss ko sa Baguio ay ang mga kainan dun. Two years ako dun. Ten thou allowance ko per month. Pero natapos ang dalawang taon, wala akong naipong pera kahit piso dahil sa isang bisyo - yun ay ang magfoodtrip lagi. Ubos pera ko lagi kasi di naman ako marunong magluto kaya lagi akong kumakain sa labas. At sa dalawang taon ko dun, nalibot ko na ata lahat ang mga kainan dun. Heto ang mga kainan na tumatak talaga sa puso, isipan at tiyan ko:
1. 50's Diner
American ang theme ng restaurant na to. Malalaki ang burgers at sandwiches nila dito. One time, umorder si jefjef (foodtrip buddy ko) ng mamma's kid (chicken, rice, spaghetti and fries) na feeling niya ay konti lang kaya nag-order din siya ng BLT sandwich (bacon lettuce and tomato). So umorder din ako ng mamma's kid at dahil nainggit ako kay jefjef na dalawa ang inorder, nag-order din ako ng burger. Shet! Ang laki pala ng burger nila! Hindi ko tuloy naubos yung burger. Favorite ko ding orderin dito ang vanilla milshake at saka yung banana split! Yummy!!! Isa pa sa nakakatuwa sa restaurant na to ay ang mga classic movie poster na naka-display sa paligid tapos may classic car din silang display sa labas ng restaurant. At saka dati daw, nagroroller blades daw yung mga waitresses pero ngayon hindi na kasi medyo lumiit na yung lugar nila. Hindi buo ang baguio experience mo pag di ka nakakain sa 50's diner!
2. Pizza Volante
From american food, eto naman ang dapat puntahan mo kung trip mo ang italian food. Masarap ang pizza nila at pasta. Yung mga klasmeyt ko nun, baliw na baliw sa pesto pasta. Ewan ko ba kung bakit. Hahaha! Di ko kasi trip yung color green na pasta na yun. Masarap magbreakfast dito!! Eto ang lagi kong inoorder: corsican rice with omellette na may filling na mushroom, bacon and cheese at syempre sasamahan ko din yan ng hot choco. Kahit gabi na, yan pa din inoorder ko! Hahaha!!! Masarap din ang waffle at vanilla milkshake dito. Unforgettable moment ko dito ay nung pumasok kami dito ng mga boardmates ko dati na basang-basa at nakapambahay lang (may bagyo kase nun sa baguio) pero keber, at least umorder kami. Hehe. Hulaan ninyo kung anung inorder ko.
3. Jack's Restaurant
Sayang, wala akong pictures ng kainan na to. Grabe! Ang mura dito! Most recommended dito ay ang jack's rice: rice, chopsuey, chicken, lechon kawali at fried egg for only 60 pesos! O diba! Busog na busog ka na niyan. Pero ako ang lagi kong inoorder dito ay ang jack's chicken rice, mas mura yun kasi chicken at rice lang siya. Hindi naman kasi ako kumakain ng gulay kaya di ko inoorder yung jack's rice. Kakaiba ang lasa ng chicken nila at saka malaki. Masarap din ang mga pancit nila dito. Malaki pa ang serving nila. Hindi nga lang masyado okay yung place kasi hindi siya sosyal na resto pero okay lang, masarap naman yung pagkain! Marami silang branches sa Baguio at kung gusto mo nung matinong place ng Jack's, dun ka sa branch nila sa center mall kumain.
4. Good Taste
Masarap din ang pagkain dito pero katulad ng jack's, hindi rin ganun ka-okay yung place. At saka mas okay kumain dito pag madami kayo kasi malaki yung servings nila, pangmaramihan talaga. Isang beses lang ako napunta dito pero super na-inlove ako sa mga pagkain nila lalong lalo na ang buttered chicken! Tsarap tsarap! At wag nga pala kayo oorder ng cake dito, hindi masarap.
5. Tea House
Kung cake ang habol mo, dito ka na sa tea house pumunta! Panalo talaga ang chona's delight nila!! Super duper super duper sarap!!! Hindi masarap ang mga rice meal nila dito. Pero panalo din ang palabok at spaghetti nila! At kahit chona's delight lang ang i-offer nila forever, for sure, di sila malulugi!! Waaah! Namimiss ko na talaga ang chona's delight!!
Grabe, nagutom ako sa pagkwekwento ko ah. Hehe. Alam ninyo, although namimiss ko na yang mga pagkain na yan, mas namimiss ko yung mga taong nakasama ko sa pagkain sa mga lugar na yan. Iba kasi yung may kakwentuhan at kakulitan ka habang ini-enjoy mo ang mga masasarap na pagkain. Haaay...
*Salamat nga pala sa mga prends kong sila jefjef at ei para sa ibang mga pics diyan.
*Salamat din sa restauranthopping.blogspot.com para sa mga litrato ng pizza at pasta.
Nag-overnight ako kila Kaykay. Pumunta kasi si Tete sa bahay nila kahapon tapos niyaya niya ko kung gusto ko din daw bang pumunta. Syempre, go ako! Ang tagal ko na kayang di nakikita yung dalawang yun! Si Kaykay, mga 2 months ko ng di nakita. Si Tete naman, 8 months ata. Grabe! Ang tagal na pala! Kaya kelangan ng mahaba-habang oras para makahabol sa mga kwentuhan.
Inuman. Bonding. Kwentuhan. Lagok red horse. Tugtog gitara. Kwentuhan. Dramahan. Tugtog keyboards. Kulitan. Asaran. Lagok ulet. Bagsak sa kama. Tulog.
Nagising kami mga 630 na. Nagtong-its. Tugtog ulet. 830 na kami lumabas ng kwarto para uminom ng kape. At binati ako ng "good morning" ng paborito kong bata. Si Banban. Siya ang cute na cute na kapatid ni Kaykay. Heto ang naging seryoso naming conversation namin habang lumalagok ako ng kape.
Lingling: Banban, can I have some milk? (umiinom kasi siya ng milk)
Banban:  No.
Lingling: Why?
Banban: Because you're already drinking coffee.
Lingling: But I also want to drink milk. Please.  Banban, please...
Banban: No. It's not for you because you have a dee-dee (ganyan niya prinonounce ang DEDE, as in breast!) already!  There's milk inside your dee-dee. Don't drink milk because you have a dee-dee already!
Woah!!! Alam na niya kagad yung bagay na yun?! Natameme na lang ako. At dee-dee pa talaga ang pag-pronounce niya!
Promil kid talaga tong batang to! Pina-amaze na naman niya ko. Ibang klase! Kelan kaya ulet ako makakabalik sa bahay nila?
Habang naghihintay sa kagrupo ko sa philcoa, naisipan ko ng kumain sa House of Sisig. Lagi ko yung nakikita, pero never pa kong kumain dun kaya kahapon, napag-tripan kong kumain dun. Umorder ako ng Chicken Sisig. 78 pesos. Tinanong ko kung may kasama na yung rice. Ang sabi, unlimited daw ang rice sa kanila!!! Ayos! Bagay yun sakin na matakaw. Sulit ang bayad.
So umupo na ko. Ang tagal ng order ko!!!! Grabe! Nagwawala na ang mga bulate ko sa tyan. Kaya ibinaling ko na lamang ang aking atensyon sa mga taong kumakain din dun. Sa harap ko, may dalawang babaeng college students. Di ko marecognize uniform nila. Wala pa din order nila, nagkwekwentuhan lang sila. Syempre, about boys!! Hahaha!! Maliit lang kasi yung kainan na yun kaya rinig ko ang usapan nila. Sa pangalawang table sa kanan ko naman, naghihintay din sa order nila yung tatlong matandang babae at isang dalaga. Sa kanan ko naman ay dalawang magsing-irog na parang mga linta. Bwisit.
Lumapit na ang waiter dun sa dalawang babaeng college students. Nilapag ang isang pitsel ng dilaw na likido. Napaisip na lang ako, ayos ah! Dito pa talaga mag-iinuman. At naka-uniform pa sila. At one-on-one pa ang inuman. Ibang klase! Mga ilang sandali pa, dumating na din ang order nilang sisig. Pagkatapos ay dumating na din yung akin. Grabe! Ang bilis nilang maubos ang pitsel ng beer. Nasa 1st cup of rice pa lang ako, eto na lang ang natira sa kanilang pitsel ng beer.
Habang ninamnam ko ang masarap na sisig, napansin kong dumating na din ang order nila lola. Aba aba! May inorder din silang isang pitsel ng beer. Ayos!! Ang tibay pa nila lola!! Inuman galore sila, makakailang pitsel kaya sila?? Nasa 2nd cup of rice (sayang ang unlimited kaya umorder pa ko ng isa.. di talaga ako matakaw.. charos!) na ko ng dumating ang order nung magsing-irog sa kanan ko. Meron din silang isang pitsel ng beer na inorder. Anu bang meron sa mundo at todo inuman ang mga tao sa paligid ko????
Kumuha ng dalawang straw si boylet na nasa kanan ko. Binigay ang isa dun sa girlalet. Sumipsip ang girlalet. Huwaaattt??!!! Sinisipsip ang beer????!!!!
(yung binilugan ko, yun yung pitsel nila lola, malapit na ding maubos)
Oo na. I therefore conclude, hindi pala yun beer. Oo nga. Narealize ko, wala siyang bula sa ibabaw. Gusto ko sanang itanong kung anu ba talaga yun. Pero nahiya ako magtanong. Ewan ko. Hindi naman siya iced tea kasi dark brown ang kulay ng iced tea diba? C2 ata yun. Umalis na ko. Next time ko na lang aalamin kung C2 ba talaga yun. Iniwan ko na sila dun habang nagpapakalango sa C2
Puyat ako kagabi. Nakipagtelebabad kasi ako kay Kaykay. Tagal na kasi namang di nakakapag-chikahan kaya naman, todo-todo ang pag-uusap namin sa telepono kagabi. Kaya naman, nahirapan ang nanay ko na gisingin ako kaninang umaga. Isinama niya kasi ako sa ospital para tumulong sa pagdidis-charge sa kuya kong nag-undergo sa isang hernia surgery nung friday.
Dumating kami sa ospital ng mga 10 am. Tumambay lang ako sa kwarto ng kuya ko habang inaasikaso ng nanay ko yung pagbayad sa hospital bill. Nagkwentuhan lang kami ng kuya ko. Matapos ang ilang minuto, naburyo na siguro siya sa pakikipagkwentuhan sakin, inutusan niya kong bumili ng vanilla frap sa starbucks na nasa may baba lang naman nung ospital. Nagreklamo pa nga ko kasi bakit ang aga-aga eh malamig na kagad ang iinumin niya. Tinatamad Concerned kasi ako. E sa gusto niya daw yun. Naaadik na nga daw siya dun. Sa apat na araw niya sa ospital, nahumaling na daw siya sa alindog ng starbucks.
So, pinagbigyan ko na si big brother. Okay lang naman, may elevator naman. Hindi naman siguro ako mapapagod ng husto. Pagkalabas ko ng starbucks, ininom ko din yung frap na pinabili sakin. Okay lang yun, grande naman yung binili ko kahit na sabi ng kuya ko na tall lang yung bilhin kasi baka di niya maubos. Habang sumisipsip, nakasalubong ko nanay ko. Tinanong niya ko kung bakit di ko daw binilhan kuya ko. Ang sabi ko naman, kay kuya talaga yung sinisipsip ko. Mabait si inay, binigyan ako ng pera at sinabing bumili din daw ako ng sakin. Huwag ko na daw burautin yung sa kuya ko.
Mga ilang beses na din naman akong uminom ng starbucks (yung buong corporation yung ininom ko, sarap kasi! hahaha!). Madalas mga malalamig na kape (frap o coffee jelly) yung inoorder ko kasi parang ang mahal ng 100 plus pesos para sa isang mainit na kape na pwede mo namang timplahin sa bahay mo. Pero kanina, yung mainit na kape ang inorder ko. Kasi gusto kong magising sa pagkaantok at gusto ko lang tikman.
Okay naman yung kape. Masarap siya actually. Napadighay pa nga ako sa sarap! Hehe. After kong maubos yung kape ko, dumating na si mama sa kwarto at uuwi na nga kami. Nasa taxi pa lang kami, parang naramdaman ko ng naghuhumerantado yung tiyan ko. Pero di ko pinansin. Baka gutom lang ako. Pagdating ko sa bahay, kinain ko kagad yung tinake-out naming binalot. Tinira ko kagad yung tapa, kanin, itlog na maalat at kamatis.
After kong kumain, andun pa rin yung sakit ng tiyan ko. Nag-internet ako para mabaling ang atensyon ko sa iba.  Pero hindi, andiyan pa rin yung sakit! Pumasok ako sa peyborit kong si-ar. Wuhooo!!! Walang epek ang si-ar. Lumabas ulet ako. Nag-internet ulet. Nanood ng tv. Internet ulet. Ayan na naman! Pasok ulet sa si-ar.
Finally! Success! Lecheng kape yan! Pinahirapan din ako nun ah. Di na talaga ako uulet. Di sanay ang tyan ko sa pangmayamang mainit na kape. Next time, sa bahay na lang ako magtitimpla at iinom ng kape. Baka mas okay pa.