Iba talaga pag pinagtripan ka ng pagkakataon. Nakakaloka. Nakakapraning. Nakakajabar. Sangkatutak kasi na kamalasan ang naranasan ko nung monday. Kahit na pinaghandaan ko naman yung araw na yun, pinaulanan pa rin ako ng kamalasan ng pagkakataon.
Dahil nag-announce na ng transport strike ang piston, maaga talaga akong pumunta ng UP para magpasa ng final requirement ng nag-iisa kong summer class. 8 am, pumunta na kagad ako ng skul. Pagdating ko sa SC (shopping center) ng UP, pumunta kagad ako sa internet shop kung saan ko ipapaburn yung dvd na ipapasa ko as final requirement.  Pagkabigay ko ng file, lumabas muna ako para mag-wtihdraw dahil hindi na kasya yung pera ko pambayad dun sa pina-burn ko. Sa tabi lang ng SC yung PNB, so dun ako pumunta. Di pa ko nakakalapit nang makita ko ang napakalaking papel na may nakalagay na "OFFLINE".
So, nag-isip kagad ako ng next na gagawin, sumakay ako ng Katipunan na jip na iikot dun sa may FC (faculty center). Meron kasing landbank dun.  Pagkababa ko dun sa FC, parang may na-feel kagad akong kakaiba. Mukhang offline din sa landbank. Pero thank god, hindi offline ang landbank so pila na kagad ako. Habang nakapila, lumabas ang security guard at sinabing di daw pwede gamitin ang atm dahil sa nagha-hang ito. Nung una, di pa masyado naging malinaw para sakin yung sinabi nung guard kaya nilapitan ko siya para tanungin ulet. Ayun nga, di nga daw pwedeng gamitin kase nagha-hang yung machine. Tinanong ko siya kung meron pa bang ibang banko sa loob ng UP bukod sa Landbank at PNB. May sinabi siya, sa dulo daw ng kanto, hindi ko naman naintindihan kaya nag-decide na lang ako na lumabas ng philcoa dahil may BPI dun.
Pagdating ko ng philcoa, lakad kagad ako papuntang BPI. Buti na lang at isang babae lang yung gumagamit ng machine. Narinig ko mula sa kanya na di gumagana ang BDO sa machine na yun. Eh BDO ang atm card ko!!! Pakinangshet!!! Pero try pa rin ako, baka yung babae lang yung minalas, baka pag sakin biglang gumana. Pindot-pindot. At pagkatapos kong pindutin ang 200, TRANSACTION CANNOT PROCESS daw!! Oh no!!!
Dun na talaga ako nanghina. Parang 200 lang naman ang kelangan ko, bakit ako pinahihirapan ng ganito??!!!  Pagkatalikod ko, napaharap ako sa isa pang bangko na hindi kilala kaya di ko naalala yung pangalan nung bangko. Feeling ko yun na ang magpapawi ng lahat ng pagod ko. So, tawid ako ng kalsada. Paglapit ko sa atm, nakita ko ang pinakaayaw kong papel na may nakasulat na "OFFLINE".
Nanlumo na talaga ako. Mga 9:30 am na nun so naisip kong magpunta na lang sa isang mall. Kaso, pag lumampas ako ng alas-diyes, mahihirapan na akong sumakay ng jip papasok ng UP.  Kung hindi obvious ang transport strike sa mga malalaking kalsada, totoong tigil-pasada ang mararanasan mo sa loob ng UP. Buti na lang, habang nag-iisip ako, tumambad sakin ang LANDBANK na nasa kabilang highway.
Akyat kagad ako ng overpass. Parang di ko na naramdaman na umakyat at bumaba ako ng overpass sa kakadasal na sana hindi offline sa Landbank Philcoa. Ang bilis kong naglakad! May dalawang taong nauna sakin sa pila kaya nakapagpahinga ako ng konti at nakapagpunas din ng mga tagaktak kong pawis. Nung turn ko na, nagdasal talaga ako na sana di maulit yung nangyari sa BPI. At yes! Nakapagwithdraw ako! Nang mahawakan ko ang 200, feeling ko yun ang pinakamahalaga at pinakamalaking 200 pesos na nahawakan ko!
Akyat ulet ako at baba ng overpass. Sumakay na ko ng jip papasok ng UP. Habang nasa biyahe, napansin ko na ang maraming taong naghihintay ng masasakyan sa mga waiting shed at kakaunti na lang ang mga jip na nagbbyahe. Nang magbaba nga ng mga pasahero ang jip na sinasakyan ko sa Vinzon's, pinagsabihan ng isang mama na naka-blue ang mamang drayber na last trip na niya yun, wag na siyang magsakay at umuwi na siya ng bahay. Naku po! Mukhang tigil-pasada na sa loob ng campus ah.
Bumaba ako sa SC. Akala ko, tapos na ang kamalasan ko, hindi pa pala. Pagpasok ko ng shop, sabi ng kuya di pa raw tapos yung pinapaburn ko. Hala! Panu naman nangyari yun?! Eh one minute lang yung video presentation ko!!!!! Ang katwiran ng kuya, matagal daw mag-convert ek-ek. Alam ko yun, kaya nga iniwan ko para pagbalik ko tapos na!! Tiningnan ko pc niya, nakita ko ang elapsed time: 1:15. Aha! One minute and 15 seconds pa lang?! Kakasimula pa lang niya magburn! Badtrip ah! So, kinumpronta ko siya at tinuro ko ang ebidensya na kakasimula pa lang niyang magburn. Hayun, napahiya siya at pasensya na lang daw dahil ang dami daw ng customer, di daw niya naasikaso. At dahil nga sa wala naman na akong magagawa, umupo na lang muna ako at naghintay. Napatingin ako sa relo ko, 10:30 na. For sure, kaunti na lang ang mga jip.
Pagkakuha ko ng dvd, lumabas na ako ng SC para mag-abang ng jip. At tulad nga ng inaasahan ko, pa-isa-isa lang ang mga jip na dumadaan. Ayokong maglakad dahil sa FC ako pupunta para ipasa yung dvd. Malayo ang SC sa FC. Dulo-dulo sila kaya ayoko talagang maglakad. Kaya, naghintay ako ng Katipunan na jip o UP ikot o UP toki. Kahit alin dun, pwede na para makarating ako ng FC nang hindi papawisan ng todo. At UNFORTUNATELY, wala ng mga ganung jip na nagbibiyahe. Kaya nag-decide na lang ako na maglakad.
Inaliw ko na lang ang sarili ko habang naglalakad para di ko masyadong maramdaman ang pagod. Nagtext ako ng nagtext kay ES. Nagreklamo ako nang nagreklamo sa kanya. Habang nagrereklamo sa text kay ES, patuloy din ang pag-agos ng pawis saking katawan. At matapos ang ilang minuto, nakarating din ako ng FC. At dahil di ko dala ang id ko (naiwan ko sa feu kung saan na-confine si chingching) , dire-diretso lang ako sa pagpasok sa building. At UNFORTUNATELY, napansin ako ni manong guard. Hayun, sobrang nagmakaawa ako, kulang na lang eh maglupasay ako sa sahig para lang payagan niya akong pumasok ng building para magpasa. Bwisit kasi yung NO ID NO ENTRY na yun eh!!!! Di daw talagang pwede pumasok. Kunin ko daw muna yung id ko. Eh nasa hospital nga yung id ko, kung kukunin ko yun, lalampas na ako sa 12 pm deadline ng pagpapasa ng final requirement. Kaya yun, nagmakaawa pa ko ng mas matindi. At dahil muntik na kong umiyak, pinayagan na rin ako ni manong guard.
Naipasa ko din ang dvd. Ang saya! Mukhang tapos na ang kamalasan ko ah. Lumabas na ako ng building at nag-abang ng jip palabas ng philcoa. Kahit magdamag pa kong mag-antay ng jip dun, okay lang dahil ayokong maglakad at tapos naman na ang kelangan kong gawin. Ilang minuto ang nakalipas, nakasakay na din ako ng jip. Hay salamat. Pwede na kong magpahinga.
Habang ini-enjoy ko ang pagpapahinga sa loob ng jip, biglang bumagsak ang malakas na ulan! OH NO! Wala akong dalang payong dahil in-expect kong makakauwi ako ng maaga at di na aabutan ng ulan. Wala na rin akong pera pambili ng payong. OH NO TALAGA!!
Hayun, umuwi akong basang-sisiw.
Ako yung tipo ng tao na nakakatanda talaga ng mga panaginip. Yung iba kasing taong kakilala ko, mabilis nilang makalimutan yung mga panaginip nila unless mga numero ang napanaginipan nila, malamang pipilitin nila yung tandaan para maitaya sa lotto o di kaya'y sa jueteng. Kadalasan talaga, paggising ko, mga ilang minuto muna kong magmumuni-muni tungkol sa napanaginipan ko. At minsan pa nga, tumatagal pa ng isang linggo sa isipan ko yung mga napanaginipan ko at detalyado pa ang mga yun.
Ang hindi ko talaga makakalimutang napanaginipan ko nung bata pa ko ay yung matandang babae na may mahabang buhok na nagluluto sa malaking kawa. Nagbibisikleta ako nun sa isang bundok nang mapunta ako dun sa bahay nung matandang babaeng yun. At di ko na namalayan ay binubuhat na niya ko papunta dun sa malaking kawa. Bago pa niya ko maluto ay nagising na ko. Buti na lang.
Nung nag-away naman kami ng ate ko dati, napanaginipan ko yung mga lumilipad na mga baso, plato, pigurin, upuan, tv, vcd player, electric fan, ref at iba pa habang nakatayo lang ako sa sala namin. Binabato ako ng mga bagay ng isang babaeng diwata. Kelangan ko daw tanggapin yung kapangyarihan na ibibigay niya sakin dahil kung hindi daw, mamatay daw yung ate ko. At dahil nga sa magkaaway kami nun ng ate ko, hinayaan ko lang na batuhin ako nung diwata; di ko tinatanggap yung kapangyarihan. Pero nung tinamaan  ako at super galit na yung diwata, tinanggap ko na yung kapangyarihan. Unti-unting umayos yung kusina at sala namin. Ayun lang.  As usual, nagising na naman ako.
Madalas akong managinip nang nakahubad daw ako na tumatakbo at may mga humahabol sakin. May isa pang version yang panaginip kong yan; minsan naman ay pumapasok daw ako ng skul ng nakahubad. At lately, before mag-hell week, nanaginip ako na nag-exam daw ako sa skul ng nakahubad. At dahil sa wala akong dalang gamit na kahit ano, ang tagal ko daw nag-exam at eventually ay bumagsak ako sa exam.
Meron din akong weird na panaginip kasama si ES. Habang nasa party daw kami, bigla daw dumami ng dumami yung mga tao. Nawala siya sa tabi ko, pati na rin ang isa pa naming kabarkadang babae. Hinanap ko sila ng hinanap. Pagkatapos ay napunta ako sa rooftop, doon ko sila nakitang nagtatalik. Wala akong reaksyon, piniktyuran ko lang sila gamit ang digicam ko. Hindi ko sila inistorbo at bumaba na ko. Grabe tong panaginip na to, mahigit sa isang linggo na tumagal to sa utak ko. At super detalyado pa! Hmp!
Meron din akong mga panaginip na kasama ang iba't ibang celebrities. At ang latest na nakasama kong celebrity sa isang panaginip ay si David Cook. Napanaginipan ko to gabi pagkatapos kong mapanood ang nakakabaliw niyang performance kung saan kinanta niya ang "Always Be My Baby". May kung anung parade daw sa skul at kelangan daw ay nakapila lahat. Umalis ako sa pila ko at napunta ako sa isang klasrum kasama ang ilan pang mga babaeng estudyante. Laking gulat ko ng biglang lumabas si David Cook at kinanta niya ang "Always Be My Baby". Syempre, tilian kaming lahat. After niyang kumanta, ako lang ang nakapagpapiktyur sa kanya kasi biglang may pumasok na teacher sa klasrum at pinapalabas kami. At bago makaalis si David Cook ay nahalikan ko siya! Pagkalabas ko ng klasrum, ayaw na kong isama ng ibang mga estudyante sa pila. Nakatayo lang ako habang pinapanood ko silang magparada. Ayun na, dun na natapos yung panaginip kong yun.
Madalas ay weird ang mga panaginip ko. At mas madalas, nakakabaliw isipin kung anung koneksyon nila sa buhay ko.
Ikaw, baka may panaginip ka dyang gustong i-share. Sige na, ikwento mo naman sakin. Hehe.
Ngayon ang araw ng enrollan para sa summer classes sa skul namin. Ang balak ko kanina, mga 1 pm na pumunta kaso etong si ES naiwan yung buong thesis nila sa bag ko kagabi kaya kelangan kong makipagkita sa kanya ng mga 9:30 ng umaga kanina. E medyo nainis ako kasi puyat ako kagabi tapos kelangan kong gumising ng maaga para ibigay yung thesis nila na dapat ipasa before lunch. Bakit kasi naiwan pa niya sa bag ko kagabi?! Palagay-lagay pa kasi eh. Hmp. Pero okay na din kasi nakapag-lunch kami together. Hehe. At ang saya dahil kumain kami sa chef d'angelo! Eh miss na miss ko na yung carbonara dun!! Yummy!! Sarap!! At syempre, masaya din ako kasi kasama ko siya... yihee!! (tinukso yung sarili???!! hahaha!) Ayoko na ngang mag-enroll kanina kasi gusto ko pa siyang makasama pa ng mas matagal kaso hindi talaga pwede. Kaya mga 1:30, lumabas na kami ng mall. Umuwi na siya at ako naman ay nagpunta na ng skul.
Sumakay ako sa harap ng fx, katabi ng mamang matangkad. Wala pa sa kalahati ng byahe ng may dumaang nagbebenta ng mga kendi sa kalye. Nagbukas ng bintana yung drayber at bumili siya ng skyflakes. Pagkatapos niyang ilagay sa dashboard ng sasakyan yung kanyang nabiling skyflakes, sinimulan na niya ang kanyang speech. "Kawawa naman ang mga pilipinong drayber, dahil sa shortage ng bigas, skyflakes na lang ang kakainin namin. Alam ninyo, yang shortage ng bigas, pakana lang yan ni gloria! Gimik niya yan para maibenta na yung mga matagal ng stock ng nfa rice...", sabi ni manong driver. Sa dami ng sinabi niya, wala ni isang nag-react saming mga pasahero niya. Akala ko, kausap niya yung katabi kong mamang matangkad kasi mas malapit yung mamang yun sa kanya. Paglingon ko kay mamang matangkad, hayun at nakapikit ang mga mata! Aba! Nagtutulug-tulugan para tumigil na si manong sa kakadada. Syempre, para tumahimik na si manong drayber, sinabayan ko na din si mamang matangkad sa pagtutulug-tulugan. Habang nakapikit ako, nag-speech ulet si manong drayber. "Yang mga colorum na bus, yung paghuhuli sa kanila, pakana din ng gobyerno yan! Kaya nila hinuhuli yung mga yun kasi may binili ang gobyerno na mga bagong bus galing US. Mas mabilis yun! Syempre! Pag naubos na ang mga colorum na bus, saka nila ilalabas yung mga bagong bus na bili ng gobyerno..." Habang patuloy pa rin nagii-speech si manong, naisipan kong i-video siya (para pakita sa inyo! hehe!) habang nagtutulug-tulugan ako. Kaso, mukhang nakatunog ata siya. Pagkalabas ko kasi ng celfone ko, tinapos na rin niya ang speech niya. Tahimik na siya hanggang sa makarating na ko sa bababaan ko. Bago nga pala ko bumaba, sinilip ko yung katabi kong mamang matangkad, hayun at nakabukas na ang dalawa niyang mata!
Pagkababa ko ng fx, naramdaman ko ang tindi ng init na hatin ng summer. Grabe! As in grabe! Naglakad ako mula central patungo sa masscom building. Tagaktak talaga ang pawis ko!! Wooh! Grabe!! Dapat matapos kagad ako sa pag-eenroll para makauwi na kagad ako at magkulong sa kwartong may aircon. Nung una, akala ko, mabilis lang ako matatapos pero nung nasa proseso na ko ng pagpapa-assess, nabigo na ang kahilingan kong matapos kagad. Natagalan talaga ko dun sa assessment, eh panu ba naman kasi ganito ang nangyari: ibibigay mo yung form5 mo sa window 1 tapos kukunin mo na lang yung sa window 2 pag natapos na ang assessment. Ang sabi nung babae sa window 1, tatawagin na lang daw pangalan namin pag tapos ng na-assess yung mga form 5 namin. Parang larong BINGO yung nangyari kanina. Hahaha! Loko-loko yung ibang mga estudyante, tuwing may matatawag na pangalan, nagpapalakpakan.(parang nanalo ng jackpot sa BINGO). Yung iba, malakas din ang trip, nagba-bow pa pagkatapos nilang makuha yung form 5 nila (parang  mga nanalo sa beauty pageant) tapos magpapalakpakan na naman yung iba. Ako, wala ako sa mood kanina nung natawag pangalan ko, kasi ang init-init!!! Ang lagkit na ng katawan ko nun noh! Kamusta naman?! Mga 2:00 ko pinasa yung form 5 ko sa window 1 ar 3:30 na natawag yung pangalan ko.  After nun, diretso kagad ako sa pnb na malapit sa shopping center ng skul para mag-withdraw ng pambabayad. At ang haba ng pila!! Todo punas na nga ako sa pawis ko pero init na init pa rin ako. Gusto ko mang bumili ng tubig, di ko magawa kasi mawawala ako sa pila. Whoo! Natapos din ang pagwiwithdraw. Sabi ko kanina, di ko na talaga kakayanin kapag mahaba pa rin ang pila sa cashier's office. At buti na lang, maikli lang ang pila sa cashier's office. Yahoo! Pwede na kong umuwi!
Kahit ang init-init at ang alikabok sa philcoa, keri lang kase malapit ko ng makamtan ang malamig na tubig na panligo. Kahit medyo matagal akong nakasakay, mabilis naman ang byahe pauwi! Pagdating ko nga sa bahay, diretso ako sa paborito kong si-ar at naligo!!!!! Tsaraaaaap!!! *kala mong init ka, may araw ka rin sakin! hmp!*
2005
Tiningnan kita. Nakatitig ka lang din sakin. Ilang minuto na rin na hindi tayo nagsasalita. May dumaan na isang klasmeyt sa harap natin. Dahil kay klasmeyt na dumaan (o dahil sa naramdaman mo na nakakailang na ang katahimikan nating dalawa), nagsalita ka na. Actually, nagtanong ka na, "O sino ba kasi talaga yung crush mo? Sabihin mo na kasi. Ilalakad kita! Dali!" Tahimik pa din ako. Syempre, di ko sasagutin tanong mo kasi hindi pwede. Hindi mo pwedeng malaman kung sino ang crush ko, actually di ko yun crush, mahal ko na yung taong yun. "O ano na? Sino na kasi? Si Mon ba? Joel? Chris? Patrick?" "Hindi, hindi... wala sa kanila." Hindi ko talaga pwedeng sabihin sayo. Labag yun sa rule number 1 ng barkada natin. Diba, bawal nga ang taluhan sa barkada natin?! So, hindi ko talaga pwedeng sabihin sayo. "James? Carlo? Nasabi ko na lahat ng pangalan ng klasmeyts natin ah.. Baka naman.. sa barkada natin?! Si Mark?" "Hindi si Mark." Ang kulit mo! Hindi nga pwedeng sabihin. Hindi. Hindi. "Si Kaloy???!" "Hindi rin si Kaloy!" "Hindi si Mark, hindi rin si Kaloy... ako????!!"
"OO, ikaw..." Napayuko na lang ako sa desk matapos ko banggitin ang dalawang salitang yan. Alam ko, mali. Hindi pwede. Pero, ang hirap ng itago ang nararamdaman ko. Hindi ko na kaya. Kelangan ko ng sabihin sayo. Hindi ko namalayan, nabasa na pala ang desk ng luha ko. Hindi ko na na-kontrol ang damdamin ko. Parang gusto ko na lang na yumuko habang buhay. Wala na kong mukhang ihaharap sa barkada natin. At lalong-lalo na sayo.
Sa gitna ng pagtulo ng mga luha ko, naramdaman ko ang mga bisig mo na yumakap sakin habang nakayuko ako. At may binulong ka sakin: "Hindi pwede. Hindi pwede ang taluhan sa barkada." Ouch. Ang sakit.
2008
Tiningnan kita. Nakatitig ka lang din sakin. Ilang minuto na rin na hindi tayo nagsasalita. Hindi tayo nag-uusap. Mga mata lang natin ang nag-uusap. Kakaiba na ang katahimikan natin. Matapos ang ilang segundo, nagsalita ka na din. "Hindi ko pinagsisisihan ang mga nangyari sating dalawa at sa barkada natin. Sobrang thankful ako na dumating ka sa buhay ko bilang isang kaibigan at bilang isang taong magmamahal sakin ng totoo, taong mamahalin ko din naman ng buong-buo ." Wala kong nasabi, niyakap na lang kita. Niyakap mo din naman ako. Kilig. Ang saya! Kakaibang saya.
sumali na din ako sa pakontest ni noemi.. last day na to, sana makahabol pa ang entry ko..
Kumain kami sa pizza hut ni ES kahapon.  Kwentuhan. Kain. Tawanan. Lamon. Hagikhikan. Masaya! Sarap ng pasta at pizza. Super food trip kami. At super nabusog talaga kami. As in naramdaman namin na lumaki yung mga tiyan namin, para kaming lumagok ng isang case ng beer. Pero eto talaga ang conversation namin na hindi ko malilimutan.
(Napatahimik si ES at nakatingin sa bandang likod ko)
Ako: O bakit natahimik ka diyan? Sinong tinitingnan mo?
ES: Tingnan mo yung babae dun sa dulo. Umiiyak.
Ako: (lingon) Oo nga no. Ang galing! Napagsasabay niya yung pagkain ng pasta at pag-iyak. Idol!
ES: Siguro kaya umiyak siya kasi mali yung binigay na food sa kanya.
Ako: Hindi! Umiiyak siya kasi, hindi siya sinipot ng ka-date niya.
ES: Baka naman, umiiyak siya kasi hindi siya pinansin nung crush niyang waiter.
Ako: E baka naman dahil sa nalagyan niya ng pepper at hot sauce yung pagkain niya! Haha!
ES: Hindi, feeling ko hindi na siya sisiputin ng ka-date niya at saktong wala siyang sapat na pera. Naiiiyak na siya dahil di niya maisip kung panu siya makakaeskapo!
Ako: Hindi naman siguro. Mukhang may pambayad naman siya. Eto talaga ang dahilan: tinext siya ng boyfriend niya, hindi na daw makakapunta kasi manganganak na daw ang asawa nun (may asawa pala yung bf niya), at hindi na siya makakasipot sa date nila.
ES: Hala! Tumayo siya!
Ako: (lingon) Saan siya pupunta?
Pumunta yung girl dun sa counter, dala-dala yung pagkain. Pero bumalik din siya sa table niya makalipas ang ilang minuto. Pero pagbalik niya, hindi na siya umupo. Nakatayo lang siya habang umiiyak, at habang kinakain ang spaghetti.
Ako: Hala! Mukhang may tama siya. Ang weird.
ES: (nakatitig lang dun sa ginagawa nung babae) Nakakatakot siya.
Ako: Krung-krung ata siya.
ES: Yaan na nga natin siya, wag na natin pansinin.
Hindi na namin natingnan ulet yung babaeng yun before kami umalis.  Bakit kaya talaga siya umiyak? Ang weird lang na sa kabila ng sandamukal na babaeng may dalang roses at balloons sa loob ng mall kahapon ay may isang babae na umiiyak na kumakain ng spaghetti nang nakatayo sa gilid ng table niya habang ang daming naghihintay para magkaroon ng table na makakainan.
Hapi balentayms sa inyong lahat! At dahil balentayms ngayon, makiki-uso ako, magpopost din ako ng entry tungkol sa "love". Hehe. Bukod sa boypren (blog ko) ko, meron pa kong espesyal samwan. O diba?! Two-timer ako! Wala kong magagawa, ganun talaga eh. Lols.
Nakilala ko si espesyal samwan nung hayskul. Klasmeyt ko siya ng dalawang taon. Bago kami grumadweyt, nagkaroon na kami ng konting pag-uunawaan. MU. Haha! Pang-hayskul talaga ang dating! Pero hindi yun nag-next level kasi nga napunta ako sa Baguio para mag-college at siya naman ay pumasok sa isang university dito sa Manila. Nung nasa Baguio ako, dami kong nakilala. Madami din namang nagpatibok ng puso ko dun kaso iba talaga si espesyal samwan. Naging standard ko na siya. Parang pag may nagugustuhan akong tao nung mga panahon na yun at nalaman kong hindi niya katulad si ES (espesyal samwan), nawawala na yung pagkagusto ko sa taong yun.
Nagkita ulet kami nung nakalipat na ko dito sa Diliman. Naging close kami ulet. Minsan, napag-uusapan namin yung tungkol dun sa naudlot naming pag-iibigan. Naks! Haha!. At naging mas close pa kami sa isa't isa. Closer. And closer. To cut the story short, kami na ngayon! JOKE! Hindi pa naman. Medyo komplikado pa ang mga bagay. Pero gusto kong i-share sa inyo kung bakit ko siya gustong-gusto ngayon.
1. May mukha naman siya - Syempre, gusto ko din naman yung mahitsura. Para bagay kami. Hehehe!
2. Mayaman -  Kelangan ng pera sa mga dates at pagbili ng mga gifts for me! Nyahahaha!
3. Matalino - Ang talino niya! Nagkakaroon kami ng mga intelektwal na usapan.
4. Talented siya - Gusto ko talaga yung magaling maggitara at kumanta. Kinantahan niya ko kahapon habang naggigitara siya ! Hehe!
5. Religious - Kabaliktaran ko siya sa aspetong ito. Pero gusto ko pa din kasi nahahatak niya ko papunta kay Lord. Hehe.
6. Mapagmahal sa magulang - Super hanga ako sa characteristic niya na yan.
7. Magaling sa sports -  Nagkakasundo kami sa bagay na to. :)
8. Super caring - Sobrang maalaga lalo na pag magkasama kami. Hehe
9. Magaling sa mga surprises -  Magaling siya kasi lagi niya akong nasosorpresa. Haha!
10. Wala talagang dahilan - Yang siyam na nauna ay hindi naman talaga dahilan kung bakit ko siya gusto. Basta na-feel ko lang na gusto ko siya, wala talagang dahilan. At ngayon, hindi ko na ata siya gusto, mahal ko na siya.  :)
Hapi Balentayms ES! :)