"Salin-awit" ang taguri ng ilang manunulat na nahihilig humalaw ng mga banyagang awit sa Ingles at ilapat iyon sa Filipino. Sa mahigpit na pakahulugan, hindi naman talaga "salin" ang ginagawa ng mga manunulat na Filipino bagkus malikhaing paghalaw (adaptation); at ang orihinal na awit ay napaghuhunos sa panibagong katauhang nakadamit sa talinghaga at dalumat ng Filipino. Nakakahon ang nasabing mga awit sa musika, at ang musikang iyon ang tanging hiniram ng Filipino upang magamit sa bagong liriks na kinatha sa Filipino.
Kabilang sa hanay ng mahihilig humalaw ng awit ang yumaong si Rene O. Villanueva, na hindi lamang mahusay humalaw bagkus mag-angkop ng katumbas na salita at tunog sa hiniram na awit, at nakabuo ng halos sandaan yatang halaw mulang klasikong teatro hanggang pop at rock. Mababanggit din si Jose F. Lacaba, na nakabuo na ng isang koleksiyon ng salin-awit at paborito ngayong kantahin sa Conspiracy Bar at iba pang inuman. At ngayon ay nakilahok na rin si Charlson Ong, na malakas tumoma at mahusay sumulat, bukod sa malimit kumanta ng mga romantikong awit noong mga dekada 1940-1960.
Maihahalimbawa ang rendisyon ni Charlson sa kantang "Send in the Clowns" na orihinal na kinatha ni Stephen Sondheim at inawit ni Judy Collins. Pinamagatang "Payasong Payak," ang nasabing halaw ay umaangkop sa orihinal na musika ngunit ang liriks ay binago upang umayon sa pambihirang paghihiwatigan ng mga tomador at ng kanilang musa. Heto ang halaw ni Charlson Ong::
Payasong Payak
Bakit ganyan, tayong dalawa?
Paglapag ko sa lupa
Lumipad ka naman
Sa himpapawid.
Masaya ka ba, sa langit mo?
Ngayong malaya ka na
Ako ang bihag ng alaala
Bakit ganyan?
Refrain:
Ngayong alam ko,
Ikaw ang mahal,
Pagbukas ko ng pinto'y
Walang naghintay.
Parang payasong payak
Sa huling palabas
Walang katapat,
Walang palakpak.
Nakatutuwa, nakalulungkot
Di pala magkatuwang
Ang hangad natin sa mundong
Makulay
Ng mga payaso.
Papasukin sila.
Refrain:
Ngayong alam ko
Ikaw ang hangad
Pagbukas ko ng pinto
Walang naghihintay
Parang payasong payak
Sa huling palabas.
Walang katapat,
Walang halakhak.
Itong wakas
Ng palabas
Huling pagpapatawa
Ng payasong payak.
Ipagpatawad ninyo
Mali niyang pasok.
Paalam na lang.
Hindi na ito ang orihinal na awiting Ingles, na "Isn't it rich/ Isn't it queer/ Losing my timing this late/ in my career/ And where are the clowns?/ . . . . ni Sondheim. Kung aawitin marahil ni Lani Misalucha ang "Payasong Payak" ni Charles, tiyak kong makakargahan pa iyon ng elektrisidad, dahil ang wika ay matalik sa mga Filipino.
Walang masama sa ganitong paghalaw, dahil ang naturang paghalaw ay malayong-malayo sa kagaguhang paghalaw ni Michael V. na hanggang pangkubeta lamang ang mapanlibak na pagpapatawa. Sa naturang ehersisyo ng paghalaw, ang dating regular na inuman ng mga tomador na manunulat ay nagiging kapaki-pakinabang dahil sa pagpapahusayan ng pagkatha. Habang may umaawit na binibini, ang mga manunulat naman ay lumilikot ang isip sa paglikha ng mga awiting halaw upang ang nasabing binibini'y lalong mapaibig sa kaniyang awit, kung hindi man sa katabing tomador na kompositor.
Sa estado ng mga awiting Filipino ngayon, makabubuting makinig muna sa mga malikhaing halaw nina Pete Lacaba, Rene Villanueva, at Charlson Ong. Ano ang malay natin, baka ang naturang mga halaw ay isang hakbang pasulong upang umisip ng higit na matitinong liriks ang mga Filipinong kompositor na matagal nang naghihilik sa mga walang katorya-toryang musika mula sa ibang bansa. Ito na ang panahon upang lumabas sa maliit na sirkulo ng mga tomador—na nagkataong lihim ding kompositor—ang salin-awit o halaw na awit, at nang mapakinggan saka kaluguran ng malawak na tagapakinig.
Para sa mga Tsino, kayamanan ang basura. Hindi pambihira ang makakita ng tao sa gilid ng daan na may hawak na tong na gawa sa bamboo at namumulot ng dumi ng kanyang alagang hayop.
Ang dumi ay ginagamit bilang pataba sa produksyon ng mga magsasasaka. Gumagamit din ng kemikal na pataba ang mga Tsino, pero hindi sila umaasa sa kemikal na pataba na hindi nila kayang likhain o nangangailangan pa ng malaking salapi. Hinalili nila ang paggamit nito sa mga organikong pataba.
Simula ng rebolusyong pangkultura sa Tsina, pinag-aralan ng mga mamamayan ang paggawa ng kemikal na pataba. Hindi ito gumagamit ng petroleum o natural gas na may prosesong mapanira sa kalikasan. Ngunit hindi sumapat ang nalilikhang pataba para sa napakaraming lupaing agrikultural ng Tsina.
Kaya naman pati ang dumi ng tao ay ginamit ng mga Tsino bilang pataba.
Simula rin ng rebolusyong pangkultura sa Tsina, napalitan ang mga pribadong kasilyas ng mga pampublikong palikuran na nagiipon ng duming gagamiting pataba sa produksyon.
Isang araw sa isang pangkomunidad na kasilyas, isang kasama ang nakakunot-noo.
Habang siya’y nakaupo, dumating ang isang kaibigan. Ang sabi ng huli, “ Aha, Kasamang Li. Andito ka pala’t seryosong nagbibigay ng ‘yung regular na kontribusyon sa agrikultura.”