Nanggagalaiti pa rin ako pag naaalala ko yang joaquin bordado na yan. Bakit kamo? Ganito kasi yun.
Noong linggo kasi, dumalaw sa bahay namin ang tita ko (kasama ang tatlong anak niya) na taga-valenzuela. Noong pauwi na sila, hinatid na namin sila sa kanila dahil di na sila kakasya sa taxi dahil sasama sa kanila pauwi ang lola ko at isang pinsan na tumutuloy sa bahay namin ngayon. Bale, ang laman ng sasakyan namin nun ay si cheche (siya ang driver), ako, mama ko, lola ko, tita ko, apat na pinsan at yung kasama sa bahay ng tita ko.
Okay naman ang biyahe namin noong simula. Pero pagdating namin sa valenzuela, mga ilang kilometro bago ang sm valenzuela, para ng naging pagong ang takbo ng sasakyan namin. Akala namin nagka-traffic lang dahil sa mga intersections. Yun pala, ang malupet na dahilan ng traffic ay ang lecheng joaquin bordado.
Nag-mall show daw kasi ang buong cast ng joaquin bordado at napuno ng tao ang kalsada sa harap ng sm valenzuela - dahilan para hindi na umandar ang mga sasakyan. Dumating ang mga traffic enforcers. Sinabihan ang lahat ng driver ng mga sasakyan na patayin daw muna ang mga makina ng sasakyan dahil matatagalan pa daw bago matanggal ang mga lecheng taong nakaharang sa kalsada.
Halos lahat ng mga jip at mga bus, wala ng mga pasahero - nagsibabaan na at nagsilakad na lang para makauwi sa mga bahay-bahay nila. May mga mangilan-ngilan ding sasakyan na nag-overheat na sa tagal ng pag-andar. Kanya-kanyang reklamo ang mga driver ng mga jip na naabala ng tangenang joaquin bordado na yun! Sa loob ng sasakyan namin, kanya-kanya din kami ng reklamo. Nanlalagkit na kaming lahat dahil nasaktuhan na nasira ang aircon ng sasakyan namin. Yung one year old na anak ng tita ko ay nag-iiyak na sa init at sa inip.
Mahigit sa dalawang oras ng nakatengga ang mga sasakyan ng dumaan sa kabilang parte ng kalsada ang bus na sinasakyan ni robin padilla aka joaquin bordado. Kakaway-kaway pa siya kahit na minumura na siya nga mga taong naabala niya. Sobrang laking kumpol naman ng mga tao ang sumusunod sa bus na sinasakyan niya - nagtitilian at nagtatakbuhan para habulin ang kanilang diyos na si joaquin bordado.
Pagkalampas ng bus na sinasakyan ni bordado, akala namin e aandar na ang mga nakatenggang sasakyan. Hindi pa rin. Tatlumpong minuto pa ang nakalipas bago kami nakalampas sm valenzuela. Ang dapat na apatnapu't limang minutong biyahe mula Batasan papuntang Valenzuela ay naging TATLONG ORAS! Tangenang joaquin bordado yan! Wala silang konsepto ng CROWD CONTROL!
Buti na lang at napawi ang inis ko sa mga artista nang mapunta ako sa shooting ng teleserye nila Jericho Rosales at Carmen Soo kahapon. Ang papalicious ni Jericho (ang friendly pa at super taas ng energy!). Mas papalicious si Christopher De Leon (sobrang nakakastarstruck). Ang ganda ni Carmen (at mabait din siya, walang arte kahit ang daming lamok at ipis sa set). Ang sexy ni Wilma Doesnt. Cute ni Empoy. Ang galing ni Malou De Guzman. At ang husay ng isa pang malaysian actress na gaganap na lola ni Carmen sa teleserye.
Kakaiba ang experience na yun! Kahit mainit sa set dahil sa mga malalaking ilaw at nakakangawit dahil ang tagal bago matapos ang pag-take sa isang eksena, super memorable ang experience! Ang babait ng mga staff at ng mga actors. Nakaka-amaze na makita kung paano gumagalaw ang mundong sasalihan ko pagka-graduate ko. Ang dami kong natutunan sa pamamgitan ng pag-oobserve. At ang saya panuorin kung paano nagtatrabaho ang mga taong papalitan namin in the near future. Hehe.
Sayang nga at hindi ako nakakuha ng mga pictures sa set. May dala akong digicam pero wala namang memory card kaya di ko rin nagamit. Buti na lang at dala ng klasmeyt ko ang kanyang sosyal na DSLR kaya siya na lang ang nag-take ng mga pictures. Pero kahit nakapag-take ako ng pictures, di ko rin pwedeng ipakita sa inyo kasi bawal. Hehe. December pa kasi lalabas ang teleserye kaya sa december pa pwedeng magpost ng mga pictures na kinuha sa set.
Habang andun ako kahapon, naalala ko yung bwisit na joaquin bordado. Nag-shoot din naman kasi ang teleserye nila echo at carmen sa kalsada pero di katulad ng staff ng joaquin bordado, marunong sila mag-hold ng traffic. Sila ang nag-aadjust sa mga jip na dumadaan. Kapag nagka-cut ang direktor, pinapadaan muna ang mga sasakyan, hindi nila pinapabayaan na humaba ang linya ng mga sasakyang hindi umaandar. Hindi katulad ng mga may pakana ng mall show ng joaquin bordado! Leche!
Kapag nasa jip talaga ako, mahilig akong makinig sa mga kwentuhan ng ibang mga pasahero. Kahapon nga, habang nasa jip ako pauwi, naaliw ako sa isang batang babae na nakaupo sa harap ko. Sa hula ko, mga 4 years old yung bata. Cute siya kahit medyo madungis niya. Actually, maganda talaga siya, yun nga lang, siguro medyo kapos sila sa pera kaya medyo kupas na yung kulay ng mga suot niya, luma na rin tsinelas niya at magulo ang buhok niya.
Ang dami niyang tanong sa nanay niya. Natanong niya kung bakit daw "sinisira" yung kalsada? Ang sagot naman ng nanay niya, pinapalawak yung kalsada para mas madami ang makadaan na mga sasakyan. Mukhang satisfied naman siya sa sa sagot ng nanay niya kaya nagtanong siya ulet, may tinuro siya at tinanong niya kung ano yun. Hindi ko na nakita yung tinuro niya. At hindi rin alam ng nanay niya ang tawag sa bagay na yun.
Nagkwento siya tungkol sa kalaro niya. Hindi ko masyadong naintindihan yung kwento niya kasi dinidiskartehan ko ang pagkuha ng picture niya gamit ang cellphone ko. Sayang, puro blurred yung kuha ko kaya di ko siya mapakita sa inyo ngayon.
Nung napupuno na yung laman ng jip, kinalong na siya ng nanay niya kase hindi naman siya bayad.
"Dapat hindi ako malikot noh?!"
"Kase baka mahulog ako"
"Pupulutin na lang ako sa kalsada pag nahulog ako."
"Oo" lang ang nasagot ng nanay niya. Napangiti ako sa mga sinabi nung bata. Nakangiti rin yung nanay at tumingin sa akin. Tumingin din sakin yung bata at nginitian ko siya. Kaso, nahiya ata siya sa akin at simula nun hanggang sa bumaba ako ng jip ay tumahimik na siya.
Ang daldal at ang bibo nung bata. Nakakatuwa siya. Alam ninyo naman ako, hindi ako mabilis matuwa sa isang bata kase medyo wala akong amor sa mga bata. Ewan ko ba, unang kita ko pa lang sa batang yun, parang ang lapit na ng puso ko sa kanya. Siguro, nakita ko yung sarili ko sa kanya. Madaldal, bibo at matanong din daw ako nung bata ako. At hindi rin maginhawa ang buhay namin noon. Nung nakapag-abroad lang ang tatay ko saka guminhawa ang buhay namin at nakapag-aral ako at ang mga kapatid ko sa mga maayos na paaralan.
Sana di naman masayang yung katalinuhahan ng bata. Sana hindi maging hadlang yung kahirapan ng pamilya niya para makapag-aral siya. Malay natin, siya pala ang magiging matinong pangulo natin.
Iba talaga pag pinagtripan ka ng pagkakataon. Nakakaloka. Nakakapraning. Nakakajabar. Sangkatutak kasi na kamalasan ang naranasan ko nung monday. Kahit na pinaghandaan ko naman yung araw na yun, pinaulanan pa rin ako ng kamalasan ng pagkakataon.
Dahil nag-announce na ng transport strike ang piston, maaga talaga akong pumunta ng UP para magpasa ng final requirement ng nag-iisa kong summer class. 8 am, pumunta na kagad ako ng skul. Pagdating ko sa SC (shopping center) ng UP, pumunta kagad ako sa internet shop kung saan ko ipapaburn yung dvd na ipapasa ko as final requirement.  Pagkabigay ko ng file, lumabas muna ako para mag-wtihdraw dahil hindi na kasya yung pera ko pambayad dun sa pina-burn ko. Sa tabi lang ng SC yung PNB, so dun ako pumunta. Di pa ko nakakalapit nang makita ko ang napakalaking papel na may nakalagay na "OFFLINE".
So, nag-isip kagad ako ng next na gagawin, sumakay ako ng Katipunan na jip na iikot dun sa may FC (faculty center). Meron kasing landbank dun.  Pagkababa ko dun sa FC, parang may na-feel kagad akong kakaiba. Mukhang offline din sa landbank. Pero thank god, hindi offline ang landbank so pila na kagad ako. Habang nakapila, lumabas ang security guard at sinabing di daw pwede gamitin ang atm dahil sa nagha-hang ito. Nung una, di pa masyado naging malinaw para sakin yung sinabi nung guard kaya nilapitan ko siya para tanungin ulet. Ayun nga, di nga daw pwedeng gamitin kase nagha-hang yung machine. Tinanong ko siya kung meron pa bang ibang banko sa loob ng UP bukod sa Landbank at PNB. May sinabi siya, sa dulo daw ng kanto, hindi ko naman naintindihan kaya nag-decide na lang ako na lumabas ng philcoa dahil may BPI dun.
Pagdating ko ng philcoa, lakad kagad ako papuntang BPI. Buti na lang at isang babae lang yung gumagamit ng machine. Narinig ko mula sa kanya na di gumagana ang BDO sa machine na yun. Eh BDO ang atm card ko!!! Pakinangshet!!! Pero try pa rin ako, baka yung babae lang yung minalas, baka pag sakin biglang gumana. Pindot-pindot. At pagkatapos kong pindutin ang 200, TRANSACTION CANNOT PROCESS daw!! Oh no!!!
Dun na talaga ako nanghina. Parang 200 lang naman ang kelangan ko, bakit ako pinahihirapan ng ganito??!!!  Pagkatalikod ko, napaharap ako sa isa pang bangko na hindi kilala kaya di ko naalala yung pangalan nung bangko. Feeling ko yun na ang magpapawi ng lahat ng pagod ko. So, tawid ako ng kalsada. Paglapit ko sa atm, nakita ko ang pinakaayaw kong papel na may nakasulat na "OFFLINE".
Nanlumo na talaga ako. Mga 9:30 am na nun so naisip kong magpunta na lang sa isang mall. Kaso, pag lumampas ako ng alas-diyes, mahihirapan na akong sumakay ng jip papasok ng UP.  Kung hindi obvious ang transport strike sa mga malalaking kalsada, totoong tigil-pasada ang mararanasan mo sa loob ng UP. Buti na lang, habang nag-iisip ako, tumambad sakin ang LANDBANK na nasa kabilang highway.
Akyat kagad ako ng overpass. Parang di ko na naramdaman na umakyat at bumaba ako ng overpass sa kakadasal na sana hindi offline sa Landbank Philcoa. Ang bilis kong naglakad! May dalawang taong nauna sakin sa pila kaya nakapagpahinga ako ng konti at nakapagpunas din ng mga tagaktak kong pawis. Nung turn ko na, nagdasal talaga ako na sana di maulit yung nangyari sa BPI. At yes! Nakapagwithdraw ako! Nang mahawakan ko ang 200, feeling ko yun ang pinakamahalaga at pinakamalaking 200 pesos na nahawakan ko!
Akyat ulet ako at baba ng overpass. Sumakay na ko ng jip papasok ng UP. Habang nasa biyahe, napansin ko na ang maraming taong naghihintay ng masasakyan sa mga waiting shed at kakaunti na lang ang mga jip na nagbbyahe. Nang magbaba nga ng mga pasahero ang jip na sinasakyan ko sa Vinzon's, pinagsabihan ng isang mama na naka-blue ang mamang drayber na last trip na niya yun, wag na siyang magsakay at umuwi na siya ng bahay. Naku po! Mukhang tigil-pasada na sa loob ng campus ah.
Bumaba ako sa SC. Akala ko, tapos na ang kamalasan ko, hindi pa pala. Pagpasok ko ng shop, sabi ng kuya di pa raw tapos yung pinapaburn ko. Hala! Panu naman nangyari yun?! Eh one minute lang yung video presentation ko!!!!! Ang katwiran ng kuya, matagal daw mag-convert ek-ek. Alam ko yun, kaya nga iniwan ko para pagbalik ko tapos na!! Tiningnan ko pc niya, nakita ko ang elapsed time: 1:15. Aha! One minute and 15 seconds pa lang?! Kakasimula pa lang niya magburn! Badtrip ah! So, kinumpronta ko siya at tinuro ko ang ebidensya na kakasimula pa lang niyang magburn. Hayun, napahiya siya at pasensya na lang daw dahil ang dami daw ng customer, di daw niya naasikaso. At dahil nga sa wala naman na akong magagawa, umupo na lang muna ako at naghintay. Napatingin ako sa relo ko, 10:30 na. For sure, kaunti na lang ang mga jip.
Pagkakuha ko ng dvd, lumabas na ako ng SC para mag-abang ng jip. At tulad nga ng inaasahan ko, pa-isa-isa lang ang mga jip na dumadaan. Ayokong maglakad dahil sa FC ako pupunta para ipasa yung dvd. Malayo ang SC sa FC. Dulo-dulo sila kaya ayoko talagang maglakad. Kaya, naghintay ako ng Katipunan na jip o UP ikot o UP toki. Kahit alin dun, pwede na para makarating ako ng FC nang hindi papawisan ng todo. At UNFORTUNATELY, wala ng mga ganung jip na nagbibiyahe. Kaya nag-decide na lang ako na maglakad.
Inaliw ko na lang ang sarili ko habang naglalakad para di ko masyadong maramdaman ang pagod. Nagtext ako ng nagtext kay ES. Nagreklamo ako nang nagreklamo sa kanya. Habang nagrereklamo sa text kay ES, patuloy din ang pag-agos ng pawis saking katawan. At matapos ang ilang minuto, nakarating din ako ng FC. At dahil di ko dala ang id ko (naiwan ko sa feu kung saan na-confine si chingching) , dire-diretso lang ako sa pagpasok sa building. At UNFORTUNATELY, napansin ako ni manong guard. Hayun, sobrang nagmakaawa ako, kulang na lang eh maglupasay ako sa sahig para lang payagan niya akong pumasok ng building para magpasa. Bwisit kasi yung NO ID NO ENTRY na yun eh!!!! Di daw talagang pwede pumasok. Kunin ko daw muna yung id ko. Eh nasa hospital nga yung id ko, kung kukunin ko yun, lalampas na ako sa 12 pm deadline ng pagpapasa ng final requirement. Kaya yun, nagmakaawa pa ko ng mas matindi. At dahil muntik na kong umiyak, pinayagan na rin ako ni manong guard.
Naipasa ko din ang dvd. Ang saya! Mukhang tapos na ang kamalasan ko ah. Lumabas na ako ng building at nag-abang ng jip palabas ng philcoa. Kahit magdamag pa kong mag-antay ng jip dun, okay lang dahil ayokong maglakad at tapos naman na ang kelangan kong gawin. Ilang minuto ang nakalipas, nakasakay na din ako ng jip. Hay salamat. Pwede na kong magpahinga.
Habang ini-enjoy ko ang pagpapahinga sa loob ng jip, biglang bumagsak ang malakas na ulan! OH NO! Wala akong dalang payong dahil in-expect kong makakauwi ako ng maaga at di na aabutan ng ulan. Wala na rin akong pera pambili ng payong. OH NO TALAGA!!
Hayun, umuwi akong basang-sisiw.
Nakakadiri ka! Kahit na hindi ako ang minanyak mo, nandidiri pa din ako sayo! And at the same time, bilang babae, nasasaktan pa din ako sa ginawa mong mga kalaswaan. Yak! Kung libog na libog ka na, maghanap ka na lang ng babaeng bayaran. Marami naman diyan sa tabi-tabi. Pero teka, mukhang wala ka naman ding masyadong pera, magsarili ka na lang! Hindi yung mandadamay ka pa ng iba! Maghanap ka ng si-ar at dun ka magparaos! Leche! (check ng heartbeat.. wait lang.. uminit talaga ulo ko dun ah..)
Ganito kasi ang nangyari, kwento ko sa inyo. Kanina, habang nakasakay ako san mateo jip pauwi, napansin ko tong lalaki sa harap ko. Yuko siya ng yuko na parang may sinisilip na kung ano at kakaiba na ang ekspresyon ng mukha niya (para siyang tinitigasan na). Syempre, na-curious ako kung anu yung sinisilip niya; sinundan ko yung mata niya, ayun at yung katabi ko pa lang babae yung sinisilipan niya! Yung katabi ko kasi, sobrang ganda at slim din. Nakita ko id lace niya, taga university of asia and the pacific pala siya. Mukhang bata pa, mukhang freshie sa college at nagsusummer klas din tulad ko. Ang uniform niya kasi ay blouse and skirt.
At ang sinisipat pala nung lalaki sa harap ko ay ang bagay na nasa gitna ng legs nung babae. Medyo magkahiwalay kasi ang dalawang tuhod nung babae pero hindi naman sobrang bukaka, saktong upo lang na may kaunting uwang sa pagitan ng mga tuhod niya. Grabe talaga yung pagsilip nung lalaki. Parang nagta-travel yung dalawang mata niya papasok dun sa kaloob-looban nung skirt nung girl. At kulang na lang ay ipasok niya yung ulo niya sa gitna ng legs nung babae. Talagang obvious na obvious na naninilip siya! At kamusta naman ang mukha niya, manyak na manyak! Pero di kalaunan ay napansin na rin ito ng babaeng katabi ko at inayos na niya ang upo niya. At nakita ko ang mukha nung babae, biglang namutla. Mukhang na-harass siya ng todo dun sa paninilip sa kanya.
Hindi pa rin gumive-up si manyak. Sinisipat pa rin niya ng walang humpay ang legs ni girlaloo kahit na sobrang magkadikit na yung legs nito. Tumigil na lamang si manyak sa paninilip nung bumaba ang katabi niyang lalaki at naging katabi na niya ang isa pang slim na babae na naka-blouse at naka-slacks.
Tumagilid si manyak at tila inaamoy-amoy ang buhok at balikat nung babaeng katabi niya na nakatalikod naman sa kanya. Dahil nga sa nakatalikod etong si girl #2, hindi niya namamalayan na sobrang lumuluwa na ang mata nitong si manyak habang nakatitig sa medyo naka-usli niyang blouse. Grabe talaga tong si manyak kasi hindi naman kalakihan ang boobs ni girl #2 pero pinagtyagaan pa rin niya to. At ilang sandali pa ay bumaba na ako. Natakasan ko na din ang nakakasukang kalaswaan nung manyak na yun.
Buti na nga lang at naka-pants ako kanina at malaki ang bag ko, natakpan nito ang boobs ko na medyo tumatalon-talon din habang umaandar ang jip. Mabuti at hindi ako minanyak nung gagong yun! Pero grabe, nakakasuka siya!!!
Naiintindihan ko naman ang mga lalaki kung humahanga sila sa hubog ng katawan ng mga babae. Naiintindihan ko din kung madalas ay sex ang laman ng mga utak nila. Normal lang yun. Okay lang naman yung makatitig ng dalawa o tatlong beses sa mga maseselang bahagi ng isang babae. Pero wag naman sana yung sobrang paninilip at pangmamanyak! Sana alam nila ang limitasyon nila. At sana respetuhin naman ang mga babaeng karespe-respeto naman. Kahit konting respeto lang.
Habang ako ay nakaupo sa hindi komportableng upuan ng fx at nag-iisip kung anung masarap na pagkain ang magandang tirahin pagdating sa bahay, may isang truck na nag-overtake sa fx na sinasakyan ko. Puting truck na may sakay na mga batang lalaki. Sampu hanggang dalawampung batang lalaki ang mga nakasakay. Mga nasa edad sampu hanggang labing-anim na taong gulang ang mga edad ng mga batang yun. May mga nakasimangot na nakatayo lang. Meron din namang mga nakangiti na tila nag-eenjoy sa hampas ng malakas na hangin na may mga alikabok sa kanilang mga mukha. Ilang beses nagpalitan ng pwesto sa race track ang fx na sinasakyan ko at ang truck na yun. Kaya't matagal bago mawala sa tapat ng mukha ko ang imahe ng mga batang nakasakay sa truck na yun. Ilang beses ko ding nakita yung mukha nung drayber, mukhang manyakis na malakas humithit ng kung ano kapag gabi sa sulok ng damuhan. Naisip ko lang, san kaya dadalhin o papunta yung mga batang yun???
A. Sa pinakamalapit na perya para sa promo ni kapitan para sa mga bata sa barangay
B. Sa health center para sa libreng tuli
C. Sa bahay-ampunan para sumayaw at kumanta
D. Sa Boys' Town para magtanim ng pechay
E. Sa Bulacan para magtrabaho sa mga pabrika ng putukan tutal malapit na ulet ang new year
F. Sa casa, para sa maagang training sa pagiging malupet na call boy
G. Sa bahay ni "boss" para sa advanced training sa pagiging professional snatcher/holdaper/bukas-kotse gang
H. Sa langit, para maaga ng matapos ang masalimuot nilang buhay
Bahala ka na pumili kung saan sa tingin mo sila patungo...
Lunes na naman. Araw na naman ng pagpasok. At syempre ang best part ng day ay pag natapos na ang araw at oras na ng uwian. Pagkababa ko ng jip galing up, naghintay na ko ng jip na papuntang san mateo. Ang haggard talaga mag-abang ng jip sa philcoa! Sobrang maalikabok, daming tao, ang gulo pa mag-mando nung mga mmda officers dun. Ang bastos pa nung una kong pinara na jip. May isa pa kasing jip na nasa pagitan ko at nung pinara kong jip. Sabi nung driver, sakay daw ako. Pero pag-ikot ko dun sa nakaharang na jip papunta dun sa jip na pinara ko, rumatsada na papalayo yung jip na pinara ko. O diba?! Kamusta naman?! So, nag-antay ulet ako na may dumaan na san mateo na jip.
After three minutes, may dumaan na na san mateo jip. Pinara ko at nakasakay naman ako ng matiwasay. Malapit ng mapuno ang jip. Ayos toh! pag puno na umalis yung jip, dire-diretso na ang biyahe kasi konti lang naman ang bumababa before makarating sa batasan. So, ang pumuno ng jip ay dalawang babae, mag-ina. Mahitsura sila. Lalo na yung anak, maganda talaga, may resemblance siya ni vanessa hudgens. Slim, mahaba ang buhok, okay din siya manamit. Mga nasa fifteen to eighteen year old na siya.
Bukod sa mukha niya, may isa pa akong napansin sa kanya. Yun ay ang dala niyang isang plastik bag na may lamang apat na piraso ng dalandan. Naalala ko tuloy yung mama na nakasabay ko din dati na tumitira ng dragon seed habang mabilis na tumatakbo yung jip. Hahahaha! Going back to vanessa hudgens look-a-like, ayun nga, nung nagsimula ng umandar yung jip, inumpisahan na rin niyang balatan yung unang pirasong dalandan. Pagkabalat, pira-piraso na niyang kinain yung dalandan. Bago kainin ang susunod na piraso nung dalandan, dinudura niya muna yung mga buto sa kamay niya at nilalagay dun sa plastic bag.  Paulit-ulit lang niya yung ginagawa hanggang sa naubos niya yung isang buong dalandan. Syempre, isinunod na niyang balatan yung pangalawang dalandan. Yun ulet ginawa niya, subo ng isang piraso, dura ng buto, nilagay ang buto sa plastic bag, subo ulet nung sunod na piraso. Kahit ang bilis-bilis nung jip at humahampas ang mga alikabok sa mga mukha namin at sa kinakain niyang dalandan, wala pa rin siyang keme at patuloy pa rin siya sa pagnguya ang dalandan.
Napaisip ako, sayang naman yung ganda niya at saka yung get-up niya kasi parang nawala lahat yun nung kumakain siya ng dalandan sa loob ng jip. Nakasira kasi sa "image" niya yung pagduranung buto. Wala namang masama sa pagkain ng dalandan sa loob ng jip pero pwede naman sa bahay diba?? Inisip ko na lang, baka maysakit siya at kelangan niyang kumakain ng dalandan lagi. Pwede nga naman, madaming vitamin c sa dalandan. Tama ba?? Pasensya na, carnivorous kasi ako kaya wala ako masyadong alam sa prutas at mga gulay.
Inalis ko na yung tingin sa kanya, ibinaling ko na lamang ang aking atensyon sa mga tao sa daan. Ilang sandali pa, nasa ever na pala kami. Napatingin ulet ako sa kanya, hayun at dinudura na niya yung buto mula dun sa last na piraso ng dalandan niya. Wow! Ubos na niya. Ang bilis naman! Kasing-bilis nung sinasakyan naming jip. Ayos yun ah, nalingat lang ako ng konti, tinira na niya ng bonggang bongga yung mga dalandan. Pagkalampas ng ever, st. peter na. Pumara na yung nanay niya. Aba! Sakto pala yung pag-ubos niya dun sa mga dalandan.  Hayun, bumaba na si vanessa hudgens look-a-like kasama ang nanay niya kasama din ang isang plastic bag na may lamang mga buto ng dalandan.