Fruit of the bloom at dawn
There's a light in your eyes
That never could compare
With meadow's
Lovely rays insight
Intent a time
When grown are tight
And match the dart
They rode on Dula
On your back
Turn turn
Turn around
And I just swear
The night never fell
Into my trap
And cataract
Mae Linat © 2008
[caption id="attachment_558" align="alignright" width="300" caption="Si Tara Sering, kasama ang mga dakila"][/caption]
Dapat magbunyi ang daigdig, lalo ang hanay ng mga panitikero, tuwing may pinararangalang kapuwa manunulat, dahil ang manunulat ang nagbibigay ng buhay sa daigdig. Naisip ko ito nang dumalo ako sa Palanca kagabi, at uminom nang uminom at magpausok habang katabi ang mga manunulat na iba't iba ang paniniwala, simulain, at ugat.
Marami nang kabataan ang nakapasok sa ruweda, at may ilang tigulang ang nagpapasa ng agimat, ngunit ang pinakamahalaga ay ang pagpapatuloy sa adhikain ng panitikan. Binabati ko ang lahat ng nagwagi: Norman Wilwayco, Maria Lucille G. Roxas, Lemuel E. Garcellano, Rommel B. Rodriguez, April Jade B. Imson, Allan Alberto N. Derain, Jing Panganiban-Mendoza, Michael M. Coroza, Eugene Y. Evasco, Mikael de Lara Co, Renato L. Santos, Niles Jordan Breis, Floy C. Quintos, Debbie Ann Tan, Allan B. Lopez, Emmanuel A. Dela Cruz/Michiko Yamamoto, Dennis N. Marasigan, Alfred Aloysius L. Adlawan, Macario D. Tiu, Edgar S. Godin, Lilia T. Tio, Leoncio P. Deriada, Alice Tan Gonzales, Marcel L. Milliam, Danilo B. Antalan, Ariel S. Tabag, Aurelio S. Agcaoili, Miguel Syjuco, Ian Rosales Casocot, Tara FT Sering, Nadine L. Sarreal, Celestine Marie G. Trinidad, Kathleen Aton Osias, Jose Claudio B. Guerrero, Katrina Stuart Santiago, Jhoanna Lynn B. Cruz, Francis Macansantos, Ana Maria Katigbak, Marie La Viña, Maria Clarissa N. Estuar, Percival Intalan, Joachim Emilio B. Antonio, Peter Solis Nery, Allen D. Yuarata, Miro Frances D. Capili, Cristina Gratia T. Tantengco, at Elfermin M. Mallari, Jr.
[caption id="attachment_559" align="alignleft" width="300" caption="Jing Panganiban Mendoza at Gil Mendoza"][/caption]
Natutuwa ako dahil hindi lamang humuhusay ang mga manunulat, kundi gumaganda pa, gaya nina Tara Sering at Mookie Katigbak, at puwedeng gawing modelo sa FHM. Dapat ko ring banggitin sina Ian Casocot, Allan Derain, at Butch Guerrero na hinuhuluan kong maghahatid ng bagong pag-asa sa panitikang pambansa. Si Mike Coroza, na hindi lamang lumalabis ang timbang bagkus lumalabis din ang parangal na natatanggap, ay dapat ding saluduhan. At ang Bulakenyang si Jing Panganiban, na sumungkit ng ginto sa sanaysay, ay hindi lamang batas ang inaatupag kundi pati ang negosyo nilang palaisdaan kasama ang kabiyak na Oragon na si Gil Mendoza. Nakatabi ko rin nang gabing iyon si Joachim Emilio Antonio, na isinunod ang pangalan sa dakilang makatang Tagalog Emilio Mar. Antonio, ngunit hindi tulang Tagalog ang sinusulat niya kundi dula sa Ingles. Magpapainom din itong si April Imson, na abala sa pagiging guro bukod sa pagsusulat ng kuwentong pambata.
[caption id="attachment_551" align="alignleft" width="210" caption="Joachim Emilio Antonio at kasama"][/caption]
Sayang at hindi ipinalabas ang kontrobersiyal na dula ni Floy Quintos, na ang balita ko'y hinggil sa reyna o emperatris ng Filipinas, at mauunawaan ang pag-iwas pusoy ng Palanca. Mabuti na lamang at sinalo siya ni Gabriel Antonio Mercado na bumasa ng sanaysay ni Butch Guerrero. Hindi ko naman naibigan ang pagbasa ni Patricia Evangelista sa mga tula nina Mookie Katigbak at Marie La Viña, at sa aking palagay ay dapat hinayaan na lamang si Mookie na magbasa ng mga tula sa Ingles. Parang walang puso kung bumasa si Patricia, at dapat siyang magpaturo kay Alfred Yuson na binigyan ng hustisya ang pagbasa sa tula ni Francis Macansantos.
[caption id="attachment_560" align="alignright" width="300" caption="Mga tomador na manunulat: Marne Kilates, Charlson Ong, Krip Yuson, Teo Antonio, at Jimmy Abad"][/caption]
Umakyat naman sa entablado itong si Niles Breis na parang hawig kay Che Guevara, at kapag nagtabi sila nina Levy Balgos Dela Cruz, Dong delos Reyes, at Jun Cruz Reyes ay kompleto na ang pangkat. Nakalulungkot at hindi nakadalo ang huradong si Romulo Baquiran, dahil kailangang operahin ang kaniyang nabaling paa makaraang maaksidente kamakalawa ng gabi. Napansin kong hindi yata dumalo si Virgilio Almario, ang pambansang alagad ng sining, at hanap nang hanap sina Teo Antonio at Marne Kilates. Tiyak ko namang magpapainom itong si Charlson Ong, na binuwenas na mabunot ang pangalan at magwagi ng P50,000 mula sa bulsa ni Kalihim Jesli A. Lapuz.
[caption id="attachment_546" align="alignleft" width="180" caption="Mike Coroza, bigatin sa panitikan"][/caption]
Napakababaw ng sinabi ni Kalihim Lapuz hinggil sa panitikan. Nakaikid pa rin sa isip at kamalayan ng butihing kalihim ng edukasyon ang pananalig sa Ingles bilang wika ng globalisasyon at tagapagsalba ng Filipinas, at mapapahikab ang makaririnig sa kaniya. Totoong naiiba ang ginagawa ng Palanca bilang tagapagtaguyod ng panitikan, kung babalikan ang winika ni Kalihim Lapuz. Ngunit hindi lamang Ingles ang midyum ng kadakilaan, bagkus Filipino rin na siyang wika ng mga de-kalibreng manunulat na maipagmamalaki ang mga likha saanmang panig ng daigdig.
Sana'y ibukas pa rin ng Palanca ang pinto nito sa mga tomador na manunulat. Kagabi, parang nagmamadali ang lahat. Hinahanap-hanap ko ang dating pagtatagpo ng mga manunulat, ang taltalan, ang palitan ng maaanghang na kaisipan, ang umaagos na inuman, ang awitan, at parang ang Palanca ay walang kinalaman sa halina at produksiyon ng alkohol. Ano't anuman, palagay ko lamang ito na maaaring sang-ayunan ng matinik na makata at peryodistang Lamberto Antonio.
May kaibahan ba ang awit at korido? Wala, ani Damiana L. Eugenio, maliban sa wawaluhing pantig bawat taludtod at apatang taludtod bawat saknong ang korido, samantalang lalabindalawahing pantig bawat taludtod at apatang taludtod bawat saknong ang awit. Nasabi ito ni Eugenio matapos niyang suyurin ang mga pag-aaral sa dalawang anyo ng tula, at alamin ang pinakaatay ng bawat isa. Magkahawig ang mga paksa ng awit at korido, at tatlong elementong nangingibabaw ang napansin ng kritiko: una, ang romantiko (o pag-ibig); ikalawa, ang relihiyoso at pangangaral; at ikatlo, ang kahima-himala at kagila-gilalas.
Ngunit nakaligtaan ni Eugenio na banggitin ang anyo ng dalít na isang katutubong tulang hawig na hawig sa anyo ng pananaludtod ng korido. Wawaluhin din ang sukat ng bawat taludtod nito at bawat saknong ay binubuo ng apat na taludtod. Maaaring pinalitan lamang ng Espanyol ang pangalan ng tulang Tagalog noon, at ang nasabing pagpapalit ay ituturing ngayong panahon ng pag-angkin, kung hindi man pagbura sa tulang katutubo, upang panaigin ang dayuhang anyo. Ang ganitong obserbasyon ay mahuhugot sa ilang palagay ni Virgilio S. Almario. Hindi rin hinipo ni Eugenio ang kaugnayan ng korido sa dula, na mahihinuhang malaki ang impluwensiya sa pagbubuo ng banghay, at siyang itinatanghal sa korales (i.e., parisukat na bakurang bahayan) noong panahong midyibal sa Espanya.
Magandang ihalimbawa ang koridong Prinsesa Florentina na sinulat ng di-kilalang awtor at walang tiyak na petsa kung kailan ang unang pagkakalathala. Muling inilathala ito noong 1950 ng Aklatang Lunas, at pagkaraan ay inilahok ni Eugenio sa kaniyang antolohiya. Ang nasabing korido, na ang buong pamagat ay Buhay ng kawawa at mapalad na Prinsesa Florentina sa kahariang Alemanya, ay maaaring nakasagap ng alimuom sa tinaguriang Ginintuang Panahon ng Teatro sa Espanya (1492-1700), na ang isa sa mga pangunahing manunulat ay si Lope de Vega. Taliwas sa paniniwala ng iba, ang korido ay hindi lamang nakalaan para awitin nang mabilis na siyang napansin ni Gabriel Bernardo at pinalaganap ng mga awtor ng teksbuk sa hay-iskul at kolehiyo. Kung gagawing batayan ang banghay, ang korido ay masasabing angkop na isadula, at matatawag na "matulaing dula" o "madulaing tula" alinsunod sa ibig itampok na uri ng panitikan.
Malagim ang Prinsesa Florentina dahil tinatalakay nito ang usaping may kaugnayan sa insesto, kidnaping, pagpapatapon, gahasa, panlilinlang, himala, diskriminasyon, pagtataksil, pagpatay, gantimpala, kaharian, digmaan, at iba pang ikayayanig ng makaririnig o makababasa ng kuwento. Si Florentina ay pinagnasahan at ibig mapangasawa ng kaniyang ama. Ngunit dahil tutol ang dalaga'y pinutol niya ang kamay at iyon ang patuyang ibinigay sa kaniyang ama. Ipinatapon ng emperador si Florentina sa dagat, ngunit ililigtas siya ng anghel na sugo ni Birheng Maria, at ibabalik ang putol na kamay. Mapapadpad si Florentina sa isang pook, at aalagaan ng isang mangingisdang papapel na parang tunay na ama. Ngunit hindi magtatagal ay makikilala siya ni Don Pavio, na isang pribado ng hari, at marahas na itatanan palayo sa mangingisdang nilasing ng mga kasama niya.
Makikilala ni Haring Enrico si Florentina sa isang pagdiriwang sa palasyo, at mapapaibig, saka yayaing pakasalan ang dalaga. Walang makababali sa utos ng hari. Gayunman, gagawa ng mga paraan ang ina ni Enrico upang magkahiwalay ang mag-asawa. Nang magtungo sa ibang bayan si Enrico para makidigma sa hukbong Moro, kung ano-anong kabulaanan ang ginawa ng ina ni Enrico at binago ang sulat na ipinadadala ng hari kay Florentina. Nang lumaon, nanganak ang buntis na si Florentina, at kasama ang kaniyang sanggol, ay ipinatapon sa dagat sa utos ng balakyot na biyenan. Matutuklasan pagkaraan ni Enrico ang lahat, at parurusahan ng pagkakabilanggo ang sariling ina.
Makaliligtas sa ikalawang pagkakataon si Florentina, na kasama ang anak, dahil sa himala mula sa kalangitan. Hindi rin sila pinatay ni Don Pascacio na inutusan ng ina ni Enrico. Samantala, ipapasa ni Haring Enrico ang kaniyang trono kay Don Pascacio at hahanapin ang kaniyang asawa't anak. Tutulungan ng isang Kastelyano si Florentina, hanggang magbinata ang kaniyang anak na si Federico. Ilang taon ang lilipas, maghahanap ng mapapangasawa si Enrico, at nang mabalitaan ni Florentina na ibang prinsesa ang pakakasalan nito, isinugo niya ang kaniyang anak na si Federico na magpakilala sa ama. Magugulat si Enrico at hahanapin ang asawa. Matutuklasan din na si Haring Fernando ang ama ni Florentina at humingi ito ng tawad sa anak.
Ganap na gagantipalaan ni Enrico si Don Pascasio at ipapasa rito ang korona. Sa kabilang dako'y magiging hari naman si Federico, ayon sa utos ng ama ni Florentina. Magwawakas ang korido sa pangangaral: "Pag masama ang pananim/ masama ang aanihin,/ kung mabuti ay gayundin/ aanihin ay magaling."//
Ang Prinsesa Florentina ay hindi tandisang salin ng metriko romanse mulang Europa, bagkus maituturing na malikhaing halaw. Ang nasabing halaw ay hitik sa panghihimasok ng makatang Tagalog, na humihipo sa damdamin ng mga kapuwa niya Tagalog. Paano babasahin ang naturang korido? Mahirap itong gawin, ngunit maipapanukala ang sumusunod na paraan.
Maaaring isaalang-alang na ang pagkakabuo ng Prinsesa Florentina ay mula sa kamay ng makatang Tagalog. Ang diskurso ay maaaring M (Makata) + T (Tagalog) o pabalik. Ngunit hindi magiging gayon kapayak dahil ang tula ay nilahukan ng mga alusyon, kaisipan, at hulagway na pawang hinugot sa ibang bansa, kaya ang ekwasyon ay maaaring maging M + T + IB (Ibang Bansa, i.e., Alemanya, Italya, Etopia, at iba pa).
Ang Makata ay humuhugot ng alusyon sa kapuwa kaligirang Tagalog at Ibang Bansa. Ngunit sa korido, ang kaligiran ng Ibang Bansa ay napakalabo (i.e., vague), at kaya maiisip na ang Ibang Bansa ay hinango lamang sa pangalan at ang higit pinahalagahan sa salaysay ay ang relasyong namamagitan sa mga pangunahing tauhan. Maiisip na sinadya ito ng Makata dahil kung basta siya magpapasok ng mga detalyeng may kaugnayan sa mga kaharian ay maaaring mahirapan sa pag-arok ang madlang Tagalog dahil ang diskurso ng ibang bansa ay iba sa diskursong Tagalog. Malayo rin ang wikang Tagalog sa wikang banyaga, at ang paglalahok ng mga banyagang salita o konsepto sa loob ng korido ay magiging balakid upang maunawaan nang mabilis ng madla ang ibig ipahiwatig ng Makata. Yamang ang korido ay angkop sa pagtatanghal, ang nasabing pagtatanghal ay dapat popular at magaan sa paraang gaya ng pagpapalaganap noon ng mga sagradong akda at pista ng mga santo.
Nabuo ang saligang sistema ng komunikasyon dahil sa malikhaing paggamit ng Tagalog. Tumaas din ang diskurso ng Tagalog dahil sa matalinong pag-akda ng Makata. Nagsisilbing kritiko rin ng Makata ang mga mambabasa bilang konsumidor, kaya nakikinabang din ang Makata sa anumang puna at mungkahing magmumula sa madla. Ang wikang Tagalog na ginamit ng makatang Tagalog na posibleng nakaaalam din ng wika at konseptong Espanyol ay yumaman sa pagbubuo ng tula; at ang nasabing tula ay masasabing hindi basta hiram sa banyaga, bagkus malikhaing pag-angkin sa panig ng Tagalog na mataas ang pagpapahalaga sa mga konseptong gaya ng "puri," "dangal," "pag-ibig," "utang na loob," "pag-aanito," at iba pa na pawang matatagpuan sa mga sinaunang salawikain, bugtong, tanaga, diona, dalit, alim, hudhud, at iba pa.
Lalawak pa ang diskurso kung iuugnay ang Prinsesa Florentina sa pagbubuo ng kabansaan ng Espanya at ng kabansaan ng Katagalugan. Ang nasabing Katagalugan, ayon sa Vocabulario de la lengua Tagala (1860) nina Juan de Noceda at Pedro Sanlucar, ay hindi lamang tumutukoy sa mga lalawigang sakop ng Tagalog, bagkus sa buong bansa. Kung isasaalang-alang ang ganitong hatag, ang nabanggit na korido ay dapat ding sipatin sa kasaysayan ng panitikang Tagalog at sa kasaysayan ng pagbubuo ng Katagalugan. Bagaman magkahiwalay ang agos ng Kasaysayan sa agos ng Kasaysayang Pampanitikan, maaari pa ring magkasabay o magsalikop ang dalawa sa iisang agusan dahil sa pambihirang pangyayari sa Katagalugan, gaya ng pagpapalaganap ng Kristiyanismo, paglaganap ng edukasyong maka-Tagalog o maka-Europeo, at pag-iral ng kolonisasyon, kontra-kolonisasyon, at deskolonisasyon sa loob ng Katagalugan.
Ang Prinsesa Florentina ay maipapanukalang basahin hindi lamang bilang akdang hinalaw sa tekstong Europeo bagkus bilang tekstong inangkin ng Tagalog. Sa ganitong kalagayan, masisipat ang diyalohikong agos sa akda. Halimbawa, nagtagumpay ang banyaga na maipasok sa korido ang mga salitang may kaugnayan sa kaharian, relihiyon, pananalig, at pananaw. Ngunit nagtagumpay pa rin ang Tagalog dahil ginamit ang Tagalog sa malikhaing paraan, at ang karaniwang diskurso ng Tagalog ay umangat sa dating kalagayan, at sinipat ang kaligirang metriko romanse sa pananaw ng Tagalog, gaya ng pakikipagsapalaran ng mga Tagalog na ang anumang lihim ay nabubunyag, naparurusahan ang maysala, at nagagantimpalaan ng mabuting kapalaran ang nakikibaka. Sa ganitong kalagayan, ang bahid ng impluwensiyang Espanyol ay masisipat na salimpusa lamang sa konstelasyon ng panulaang Tagalog.
Kung ihahambing naman ang Prinsesa Florentina sa gaya ng Florante at Laura ni Francisco Balagtas, mapapansin ang paglago ng pagtula ni Balagtas hindi lamang sa paggamit ng wika kundi maging sa pagbuo ng mga saknungan, tugma at sukat, pananalinghaga, balangkas, at iba pang panloob na katangian ng tula. Halimbawa, kung sa Prinsesa Florentina ay walong ulit lumitaw ang dalawang magkasunod na saknong na may isahang tugma (na kasumpa-sumpa sa kapuwa Balagtasista at modernistang makata), walang ganitong makikita sa obra ni Balagtas na napakapulido ang gawa. Mahihinuhang nakinabang nang malaki si Balagtas sa naunang mga akda, at ito ang kaniyang hinigtan sa malikhaing pagsasatula.
Hindi rin simpleng tula hinggil sa krusada ng Kristiyanismo laban sa Islam ang Prinsesa Florentina. Ang pakikidigma ni Haring Enrico laban sa mga Moro ay sanhi ng pagkakataong pagsalakay ng Moro sa pook na saklaw ng hari, at kailangang ipagtanggol ng hari ang pook nito. Mahihinuhang pahapyaw na kinasangkapan lamang ang digmaan, bagaman ang tunay na digmaan ay nasa katauhan ni Florentina—na pinagtangkaang gahasain, ipinatapon sa ibang pook, at ibig ipapatay ng kaniyang biyenan. Ang pagiging tagamapagitan ng puwersang sobrenatural (i.e., anghel, Birheng Maria, at Kristo) ay mula sa pananalig ng tauhan, at ginawang tulay lamang upang makatawid ang tauhan sa mga pambihirang balakid na lampas sa kayang igpawan ng mortal. Walang bagahe noon ang mga Tagalog hinggil sa bakbakan ng mga relihiyon, at kung mayroon man, ito ay upang ipagtanggol lamang ang kinamulatang pananalig sa bathala, anito, diwata, at iba pang kaugnay na puwersang sobrenatural na gaya sa Tagalog.
Mahihinuhang ang sinaunang pananaw sa Prinsesa Florentina bilang maharlika, deboto, anak, asawa, at ina ay hindi lamang unibersal na pagtanaw sa Constance Saga hango sa akdang Europeo bagkus masisipat ding bahagi ng pagbubuo ng konsepto ng "Ina, Anak, Kapatid, at Inang Bayan" sa buong Katagalugan. Bagaman hindi maitatatwang nakalagos sa malig ng Tagalog ang ilang kaisipang Europeo, naitampok din ng awtor ng korido ang kaisipan at wikang Tagalog alinsunod sa diskurso ng Tagalog. Ang hamon sa mambabasa ay alamin ang pag-akda ng makata na nabahiran ng kaisipan o ideolohiya ng banyaga, sa isang panig; at sa kabilang panig naman ay kung paano pinalalakas ang kaisipang Tagalog kahit pa gumamit ng mga palamuting banyaga. Sa ganitong paraan, hindi lamang basta napag-aaralan ang konteksto ng akda, o nalilingon ang kasaysayan at ang kasaysayan ng panitikan. Nasisipat ang Prinsesa Florentina hindi lamang bilang relikya ng nakalipas, bagkus bilang buháy na patunay ng ebolusyon ng wika at panitikang Tagalog na malaki ang ambag sa panitikan at wikang Filipino na ginagamit ngayon ng bagong henerasyon.
Nakalulugod na unti-unti nang nagsisimula ang pagbubuo ng mito ng mga Filipino, gaya ng animasyong Prinsesa Urduha sa larang ng pelikula. Inaakala tuloy ng nakararami na may katotohanan ang tala ni Ibn Batuta, nang maligaw siya sa Tawalisi (Pangasinan) mula sa paglalakbay sa Kakula, Java, Indonesia bago tumungo sa Tsina. Mahirap nang patunayan ang salaysay ni Batuta, maliban kung susuhayan nga ito ng ilang antigong tala mula sa mga Tsino, tulad ng winika ni Jaime Veneracion; o kaya'y may bagong arkeolohiko't antropolohikong tuklas sa kaugnayan ni Urduha sa tribung Ibaloy.
Ang salaysay ni Batuta hinggil kay Prinsesa Urduha ay mula sa paningin ng manlalakbay na tagaibayong dagat, kaya maaaring nalulukuban ng pananaw, prehuwisyo, paniniwala, at guniguni ng dayuhan. Ang salaysay ni Batuta, gaya ng pagdududa nina Jaime C. de Veyra, Julian Cruz Balmaseda, at Iñigo Ed. Regalado, ay hindi basta tala sa kasaysayan, bagkus malikhaing kasaysayan o alamat na kinatha ni Batuta habang nilulustay niya ang panahon sa laot at pinipiga ng lungkot ang loob.
Halimbawa, ang sistema ng pamamalakad ng kaharian ay mauugat sa sistema ng herarkiya o pamamahala ng mga bansang may imperyo, kaharian, at estadong sakop. Kung ganito nga, kahit ang pag-ugat kay Urduha—na mula sa napakapatriyarkal na lipunan—sa tribung Ibaloy ay mapagdududahan maliban kung napakaabanse nga ng pamamalakad ng naturang tribu para umabot hanggang Pangasinan at lampasan ang paniniwalang pangkasarian. Ang mapandigmang kaisipan ni Urduha ay dapat ugatin, halimbawa sa pagdakip ng mga gagawing alipin, kung may kaugnayan nga ito sa mga tribung nananahan sa kabundukan, upang mapatunayan ang mga bakas ng lipi ni Urduha sa mga pook na posibleng nasakop niya. Sabi nga ni William Henry Scott, ang pagtataglay noon ng maraming alipin ay higit pa sa malalawak na lupain o ginto, dahil magagamit ng datu ang mga alipin sa iba't ibang gawain, gaya ng pagsasaka at pagpapanatili ng tahanan.
Mababanggit din na kahit may nahukay na mga labî ng gadyâ (i.e., dambuhalang elepante) sa Filipinas, ang pagkasangkapan sa hayop na iyon sa larangan ng pakikidigma at pagpaparangal sa mga maharlika ay tila inangkat sa gaya ng Thailand, Nepal, Myanmar, Cambodia, at Indonesia, kaya kinakailangan ng malalim na saliksik upang patunayan ang obserbasyon ni Batuta. Bukod pa rito ang organisadong pamamalakad ng mga mandirigma, na dapat ding alamin, dahil lumilitaw na hindi karaniwang prinsesang mandirigma si Urduha, bagkus nakaaalam din siya ng mga taktikang militar sa paglusob at pananakop ng ibang bayan para sa ikalalago ng kaniyang pamayanan.
Paghalaw sa Prinsesa Urduha
Noong 1942 ay isinapelikula ang Prinsesa Urduja na pinangunahan nina Mona Lisa at Fernando Poe Sr. Sumulat naman si Regalado noong dekada 1970 ng libretto para sa operang Prinsesa Urduha na nilapatan ng musika ni Alfredo S. Buenaventura at itinanghal sa Centro Escolar University bago itinanghal sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas. Walang ibang pinagbatayan si Regalado kundi ang tala ni Batuta, aniya, bagaman maaaring naanggihan din siya ng ilang palabok nina Zoilo M. Galang, Henry Yule, Jaime de Veyra, Austin Craig, Paz P. Mendez, Pedrito Reyes, at Jose D. Karasig. Ang opera ay binubuo ng prologo at tatlong yugto, at ang unang yugto ay may dalawang tanghal. Ginampanan ni Ruby Jose Salazar ang papel na Urduha; si Robert Natividad ang pumapel na Salim; si Josefina Dychitan si Dayama; si Emmanuel Gregorio si Gat Payo; at si Gamaliel Viray si Prinsipe Vladimir.
Símple lamang ang istoryang ginawa ni Regalado. Itinampok ang unang tagpo na nagkakasayahan ang mga lakan, gat, at lakambini, dahil isinilang na ng reyna ang tagapagmana ng korona o kaharian. Ngunit nang lumabas ang hari sa silid, ibinalita niyang hindi lalaki, bagkus babae ang kanilang anak ng reyna. At yamang babae ang kaniyang anak, ang hari ay naipit sa pagpapasiya kung ililigaw sa gubat o itatapon sa dagat ang sanggol, alinsunod sa bulong ng kaniyang mga tagapayo, dahil "walang karapatang mamuno" ang babae sa kanilang lipi at "lalaki lamang ang kikilalaning tagapagmana."
Nabagabag ang hari, na hindi matanggap ang kapalaran, at kaya ipinatawag niya kinabukasan ang isang pitho upang hulaan ang magiging kapalaran ng kaniyang anak na si Urduha. Ayon sa hula ng matanda, si Urduha ay "magiging kilabot na mandirigma" na magpapalawak at maghahatid ng kasaganaan sa buong kaharian, at magpapasagana ng ani sa mga bukirin.
Dalawampung taon ang lilipas at magkakatotoo ang hula. Si Urduha ang humaliling pinuno ng kaharian, at  nag-uwi ng maraming tagumpay sa pakikidigma. Nagdiwang ang kaharian sa bagong tagumpay ng prinsesa, at dumalaw pa sa kaniyang kaharian ang iba't ibang sugo mula sa ibang bansa. Ngunit sa kalagitnaan ng pagsasaya'y nabulabog ang palasyo. Nahuli ang isang tiktik (i.e., espiya), ani Gat Payo, at iniutos ng prinsesa na iharap sa kaniya ang maysala.
Ngunit bago naganap iyon, binagabag ng isang panaginip si Urduha. Napanaginipan niya ang isang binatang makisig at matikas ang tindig, at may kung bato-balani itong nagpatibok ng kaniyang dibdib. Nabulabog ang pandama ng dalaga, at sa unang pagkakataon ay napaibig sa lalaking naghari sa kaniyang guniguni. Ikinuwento niya sa kaniyang mga abay na sina Dayama at Abdulia ang panaginip ngunit wala silang naisagot sa  kaniyang pagkabahala. Nasabi lamang ng mga binibini kay Urduha na siya ay nagsisimula nang umibig, tulad ng ibang babae. Nang iharap ng mga kawal ang nabihag na tiktik, lalong nagulantang si Urduha dahil kamukha ng lalaki ang lalaki ng kaniyang panaginip.
Ginawang alipin ang bihag, na nagngangalang "Salim," alinsunod sa utos ni Urduha. Isang umaga, habang namimintana at umaawit sa balkon ang prinsesa ay napukaw ang pansin ni Salim. Iniwan ni Salim ang kaniyang ginagawa sa halamanan, at sa himig ng aria ay isinalaysay ang kaniyang tunay na layon sa kaharian ng prinsesa. Nais umanong ipaghiganti ng lalaki ang pagkamatay ng kaniyang kapatid na tinudla ng palaso. Matamang nakinig ang prinsesa at natuklasan pa niyang si Salim ay mula sa liping maharlika.
Bumaba sa hardin ang prinsesa. At doon, inalayan siya ng bulaklak ni Salim. Napakislot si Urduha. Nang sandaling iyon, nakita sila ni Vladimir, na isang binatang maharlikang nais mapangasawa si Urduha. Kinausap pagkaraan ni Vladimir si Urduha, at sinabing sa pag-aasawa nauuwi ang lahat. Ngunit matigas ang wika ng dalaga, at tumugong ang pakakasalan lamang niya ay "ang lalaking tatalo sa kaniya sa pananandata." Walang makapangahas makapanligaw kay Urduha, dahil ang babae'y mahusay makipaglaban, at may hukbong binubuo ng mga piling mandirigmang kapuwa lalaki at babae.
Nahati ang isip ni Urduha kung ano ang gagawin kay Salim. Napapaibig siya sa lalaki, at ang lalaking ito'y espiyang dapat hatulan ng kamatayan, alinsunod sa kaugalian ng kaharian. Dumating ang sandaling pinalalagda kay Urduha ang kautusang magpapataw ng parusang kamatayan kay Salim. Ngunit tumanggi si Urduha at winikang "lihis ang hatol" at dapat baguhin. Hindi pinatay si Salim, at sa halip ay hinayaan itong makauwi sa pinagmulang kaharian. Inihatid ni Urduha si Salim hanggang pantalan, at pagkaraan ay nalugmok sa pagdadalamhati. Sa kabila ng lahat, napukaw ang loob ng prinsesa sa matapat na paninindigan para sa sariling bayan.
Melodramatiko na ang ganitong opera, at humahangga sa sentimentalismo, na tila gasgas na tagpo sa telenobelang Marimar. Sa naturang paghalaw, ang istorya'y waring hinugot mula sa ibang bansa, isinalin sa wikang Filipino, at ang Filipinas ay nagkaroon ng masalimuot na kahariang kaiinggitan ng mga bansang may gayunding tradisyon. Pinananaig sa dula ang damdamin, at kahit si Urduha ang nagpasiya sa pagpapalaya ng binatang si Salim, ang nasabing dalaga ay naging bihag naman ng kaniyang damdaming nagbubukas ng personal na pagmamahal. Ngunit ang masaklap sa dula, hindi nga nagapi si Urduha sa mga digmaan ay magagapi naman siya ng tunggalian ng isip at damdamin para sa bayan, sa isang panig, at para sa sarili, sa kabilang panig.
Ano ang mapupulot natin sa maalamat na Prinsesa Urduha? Na may kakahayan tayong mga Filipino na lumikha ng sarili nating mito. Gayunman, ang nasabing mito ay hindi dapat mabilanggo sa panahong midyibal at pagpapalaganap ng mga paniniwalang hindi na angkop sa ating panahon, kalagayan, at kaligiran. Ang mito natin ay maaaring ngangayunin at dinamiko, at dapat umuurirat sa mga baligho nating pananaw, paniniwala, at kaugalian imbes na umangkat lamang tayo sa ibang bansa ng mga pananaw, paniniwala, at kaugalian nito. Ang bagong mito ng Filipino ay dapat makapagpalago ng ating pagkatao at kabansaan, at bumigkis sa ating sari-saring pangarap para tayo'y umangat, sumulong, umunlad.
Mainit ang panahon ngayon, gaya lamang ng deliberasyon sa mga timpalak pampanitikang Palanca at UP Sentenyal, na sa aking palagay ay makatutulong nang malaki upang maitala ang mahuhusay na ani sa mga lárang na gaya ng tula, kuwento, nobela, sanaysay, at dula. Ang ganitong kainit na panahon ay bagay na bagay para sa pagbubukas ng pinto sa mga "bagong dugo" ng panitikan, kung hihiramin ang dila ni Liwayway A. Arceo, at sa pagpapahalaga sa mga timpalak na laan sa mga manunulat.
Mahalaga ang timpalak pampanitikan, dahil nagiging barometro ito ng mga manunulat, gusto man nila o hindi. Matatagpuan sa timpalak ang mga kabaguhan sa gaya ng tula at katha, o kaya'y ang pagkabalaho ng isang panahon sa isang yugto ng kumbensiyong dapat itakwil at iwasan ng susunod na henerasyon. Timpalak ang nagbubukas ng pinto upang makilala ng madla ang kabataang makata o ang ubaning kuwentistang muling nagbabalik sa panitikan, at ang naturang pagkilala ang magiging simbolikong kapangyarihan ng nasabing makata o kuwentista tungo sa pagtanggap ng pabliser, pamantasan, at kapuwa manunulat.
Hindi lahat ng timpalak pampanitikan ay makapagpapayaman sa isang manunulat, maliban sa ilang pagkakataon na gaya ng timpalak sentenyal ng Pambansang Komisyon sa Kultura at Mga Sining (NCCA) na nagbigay ng tig-iisang milyon sa bawat kategorya mulang sanaysay hanggang epiko. Ang totoo'y maliliit ang premyo sa mga timpalak, at masuwerte na kung makasungkit ng 200 libong piso na minsanan kung dumating gaya ng natatanging patimpalak ng UP Institute of Creative Writing. Ang karaniwang timpalak, gaya ng Palanca, ay malaki na ang 12 libong piso bilang unang gantimpala, na susundan ng gaya ng Talaang Ginto ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF). Ngunit wala sa halaga ng gantimpala ang susi ng lahat. Ang pagkilala ng mga manunulat at kritikong hurado ay sapat na upang mabasbasan ang isang manunulat at maiangat mula sa abang hanay ng mga mortal.
May mga timpalak na makapagbibigay ng pambihirang paghanga mula sa publiko, lalo kung ang mga hurado ay batikan sa kani-kaniyang larang at itinuturing nang institusyon ang nagpapatimpalak, gaya ng Palanca Foundation. Ngunit may mga timpalak na makasisira din ng pangalan ng tanyag na manunulat, lalo kung ang timpalak ay hindi mo malaman ang pamantayan ng pamimili ng magwawagi, at laging nalulukuban ng kontrobersiya ang mga pili ng hurado. Sa ganitong yugto, marapat nang mag-isip-isip ang isang isponsor kung ang timpalak ay nakapagsisilbi pa ba sa panitikan o kung ito ay nagsisilbing raket na lamang ng sinumang nagpapatakbo ng timpalak.
Hindi lahat ng nagwawagi sa timpalak ay magaling. May ilang natatalo sa timpalak ang higit na mahusay kaysa sa mga nagwagi ng unang gantimpala, at ang ganitong pangyayari ay maaaring kakulangan na ng mga hurado na nakaligtaan ang isang lahok o hindi napansin iyon sa kung anong dahilan. Ngunit para sa akin, mabuti pa ring sumali at matalo, kaysa matalo nang hindi sumasali sa anumang timpalak. Isang uri ng tunggalian ang timpalak, at ang sinumang lalahok sa gayong tunggalian ay dapat batid ang mga batas ng bakbakan upang maging katanggap-tanggap ang pagwawagi o pagkabigo.
Sa oras na pumaloob ang sinumang manunulat sa timpalak, ipinauubaya niya ang kaniyang akda sa pagtatasa at pagbasa ng mga hurado, at ipinapalagay na sinasang-ayunan din niya ang mga patakaran ng organisador ng timpalak. Ang naturang pagtitiwala ay dapat tumbasan ng pagpapahalaga ng institusyong nagpatimpalak, upang tumingkad ang ugnayan ng dalawang panig. Naghahangad ang manunulat na lumahok na makakuha ng pagkilala mula sa institusyon at kapuwa manunulat, samantalang ang institusyong nagpatimpalak ay nangangarap na madagdagan ang taglay na simbolikong kapangyarihan dahil sa mga manunulat na tanyag o tumanyag dahil sa timpalak.
Kaya hindi iisang agos lamang ang resulta ng timpalak. May nakukuha ang mga nagwaging kalahok sa timpalak, at may naaani rin ang institusyong nagpatimpalak (bukod pa ang insentibo sa buwis).
Ang anumang timpalak pampanitikan ay dumaraan sa yugto ng pagtuklas, at pagkaraan ng pagpapalaganap ng kumbensiyon, at sa ilang pagkakataon, ng pagpapakilala ng mga pambihirang akdang hahangaan sa paglipas ng mga taon. Ihalimbawa na ang aklat na Talaang Ginto, Gawad Surian sa Tula, Gantimpalang Collantes 1980-1991 (1991). Testamento ang nasabing aklat sa pagpapakilala sa 64 makata, bagaman sa ilang pagkakataon ay pagduduhan ang nasabing taguri. Ilan sa namumukod na makata ng naturang dekada ay sina Rio Alma, Romulo A. Sandoval, Mike L. Bigornia, Fidel Rillo, Ariel Dim. Borlongan, Lamberto E. Antonio, Victor Emmanuel D. Nadera Jr., Dong A. de los Reyes, at Ronaldo L. Carcamo. Sa aking palagay, ang siyam na ito lamang ang maitatangi sa nasabing dekada, bagaman ang ilan sa kanila'y hindi sumungkit ng unang gantimpala.
At kung pipiliin sa siyam na ito ang sumulat ng pinakamahusay na tula, iyon ay walang iba kundi si Rio Alma. Ang kaniyang piyesang "Sa Iba't ibang Panahon" ang maituturing na tula ng dekada 1980, dahil sa pambihirang disenyo, nilalaman, at diwaing magmumula lamang sa tarikan. Tatlong makata lamang, sa aking palagay, ang maibibilang sa hanay ni Rio Alma at kasama rito sina Bigornia ("Pinto"), Sandoval ("Tumatayog, Lumalawak ang Gusali, Resort, Plantasyon"), at Rillo ("Bag-iw"). Ang mga tulang ito ang dapat inilalahok sa mga teksbuk upang mapag-aralan ng mga estudyante. Magtataka kayo bakit wala rito ang iba pang makata. Wala sila dahil nagkataong ang inilahok nilang tula sa timpalak ng Talaang Ginto ay hindi makayayanig ng daigdig.
Ang karanasan ng Talaang Ginto ay karanasang dapat mabatid ng sinumang kabataang ibig pumaloob sa panulaan, o sa panitikang Filipinas sa kabuuan. Bagaman masasabing mas maraming ipa kaysa palay ang ani ng Talaang Ginto, naging mabuting halimbawa naman ito kung paano dapat tumula ang susunod na henerasyon ng mga makata. Lumago ang panulaan, lumago ang panitikan, at iyon ay dahil may mga pagsisikap na itaguyod ang mga timpalak pampanitikan.
Walang masama kung magwagi o matalo sa timpalak (malalagasan ka nga lamang ng ilang daang piso at magagasgas ang ego). Ang higit na mahalaga'y nasusubaybayan mula sa hanay ng mga lahok ang magiging landas ng panitikan, natutuklas ang mga sungayang talento, at nahihimok tayo kung paano pag-iibayuhin ang paglilinang. Habang lumalaon, ang tagumpay ay hindi na lamang angkin ng makata o mangangatha, bagkus angkin ng buong bansa.
Příklad kazuistiky:
Jedna ze studentek popisuje průběh porodu ženy, druhorodičky, která přichází na porodní sál nemocnice v doprovodu duly (laické pomocnice při porodu). Studentka začíná svoji prezentaci: „Rodička přišla již na konci první doby porodní, z porodní branky zbývá lem, ozvy plodové byly v pořádku, klientka byla napojena na CTG, byla sepsána anamnéza. Práce s klientkou byla obtížná, žena s námi nespolupracovala.“
Ptám se, jak nespolupráce vypadala. Studentka odpovídá: „No, když jsme jí něco řekly, radily, tak nás vůbec neposlouchala. Poslechla vždy jen dulu. Takže my jsme něco řekly, dula to zopakovala a paní teprve pak zareagovala.“ Na dotaz, proč se žena takto chovala, nedokázala studentka odpovědět. Porod proběhl bez problémů, žena žádala, aby mohla porodit v sedě, což jí bylo umožněno. Během půl hodiny se narodil ženě zdravý syn. Po porodu jej odmítala svěřit dětské lékařce k vyšetření, chtěla jej mít u sebe v kontaktu skin-to-skin. Což není v této porodnici zvykem.
Na této kazuistice zcela fyziologického porodu můžeme sledovat minimálně tři příběhy.
Příběh porodu: Žena přichází do zařízení na konci první doby porodní, porod probíhá v zařízení zcela fyziologicky. Rodička i novorozenec jsou zdrávi a je zajištěn jejich blízký kontakt.
Příběh rodičky: Neznáme celý, i když je velmi podstatný. Z vyprávění studentky vyplývá, že rodička nedůvěřuje personálu nemocnice, na svoji ochranu zvolila doprovod laické pomocnice. Preferuje přirozený porod bez zásahů zdravotníků do té míry, že tráví v domácím prostředí co nejdelší dobu. Do porodnice přichází až k porodu, kde se snaží za podpory duly obhájit své představy a zájmy své a svého dítěte. Můžeme se domnívat, že klientka vycítila negativní postoj zdravotníků k ní z neverbální a paralingvistické složky komunikace. Zde se můžeme jen domnívat, proč se rodička chovala takovým způsobem: první porod neprobíhal dle přání rodičky, trauma prvního porodu, event. striktně přírodní styl života spojený s nedůvěrou v zásahy zdravotníků do porodního děje.
Příběh studentky (porodní asistentky): Z vyprávění zaznívá (vnímají ostatní studentky a vyučující): „ta paní byla nějaká jiná, divná“, vlastní pocit důležitosti a nezbytnost rad, které „zajišťují“ ten správný porod. Přání klientky byly nakonec respektovány jakoby „z donucení“. Je cítit napětí ve vztahu mezi porodní asistentkou, klientkou a dulou. Studentka si svůj postoj neuvědomuje, cítí pouze neuspokojení z práce s rodičkou, popuzení, že rodička neakceptuje její pokyny a odbornost, že jí nedůvěřuje. Má pocit, že dělá maximum, aby ženě vyhověla a ta s ní nenavazuje bližší vztah.
Cílem práce se studentkami bylo (pomocí diskuse, reflexe) uvědomění si těchto tří příběhů, jejich analýza a stanovení priorit – čeho chceme při péči o klientku dosáhnout?
Analýza: pokud žena přichází až v aktivní fázi porodu, nelze zajistit užší navázání kontaktu s porodní asistentkou, zvlášť pokud je primárně její postoj z nějakého důvodu negativní, je nutné spolupracovat s doprovodem – dulou. Dát najevo svým postojem a respektováním přání klientky kladné nastavení vůči ní, podpořit její přání posouzením rizik, získat ji tak pro spolupráci. Po porodu zjistit příběh rodičky a stanovit individuální ošetřovatelský plán po domluvě s rodičkou a dulou, která má důvěru rodičky a měla by se stát spolupracovnicí v procesu porodu a poporodní péče. Doporučila bych i domluvu s dulou o další spolupráci, která by však u takovéto ženy měla začínat již v období těhotenství a dula by se měla stát prostředníkem k získání důvěry k personálu zařízení, kde chce žena rodit.
Stanovení cílů v péči porodní asistentky:
Fyziologicky probíhající porod, zdravá matka i novorozenec. Porod probíhal bez odborné péče v I.době porodní, což přes všechen respekt k přirozenému procesu porodu nelze považovat za zcela žádoucí. Dula je laickou pomocnicí, která má být ženě především emoční oporou, ale není schopná posuzovat rizika. Pokud je rodička rozhodnutá být co nejdéle v domácím prostředí, aby nebyla stresována, je nutné zajistit i odbornou pomoc porodní asistentkou. Porodní asistentka rozlišuje rizika a v rámci nich respektuje individuální přání rodičky. Na základě odborných znalostí a vědeckých důkazů posuzuje rizika (např. novorozenec posouzený jako fyziologický pohledem a pohmatem – barva, dech, tonus, tep pupečníku, aktivita – zajištěno teplo kontaktem s matkou – není důvod ženě jej odejmout k vyšetření apod. X ne jenom říci si: „Klientka to tak chtěla.“).
Spokojená rodička, bez opozice, důvěřující personálu a zařízení.
Snahou porodní asistentky je získat si důvěru rodičky, navázat vztah. Pokud ale vycítí negativní postoj rodičky vůči zdravotníkům, neměla by se stavět do postoje stejného či podobného (nevědomě). Projevy negativismu rodičky nebrat osobně a posuzovat je jako obranný mechanismus psychiky v zátěžové situaci, který je přirozenou ochranou zřejmě po nějaké předchozí zkušenosti. Důležité je připustit si, že se cítí být přirozeně dulou ohrožena ve své pozici odborníka. V této chvíli je ale dula prostředníkem ve vztahu k rodičce, vědomě by se tedy měla snažit o spolupráci s ní.
Vzájemná spolupráce, profesionální chování a respekt k individualitě klientek přináší uspokojení a budování vztahu důvěry nemusí znamenat nějaké zvláštní časové zatížení, spíše naopak může předcházet komplikacím.
Inquire at www.thenannygarden.com.
We look forward to hearing from you! For details please visit our family center.
May 35 taon na ang nakalilipas, itinanghal sa Sentrong Pangkultura ng Pilipinas ang operang Hinilawod na batay sa epikong Panay. Ang nasabing epiko ay matapat na itinala ni F. Landa Jocano, na isang antropologo; isinadula at hinalaw ng batikang manunulat na si Iñigo Ed. Regalado; nilapatan ng musika ni Alfredo S. Buenaventura; at idinirek sa entablado ni Jaime V. Asencio. Bagaman si Jocano ang nagpatanyag ng Hinilawod, at gagawan ng lagom ni E. Arsenio Manuel, mauuna kay Jocano si Eugenio Ealdama na sumulat ng artikulo ukol doon sa Philippine Magazine noong 1938.
Pinakabagong saliksik naman ang inihain ni Gina V. Barte, na lumagom sa ikalawang siklo ng Hinilawod, na ang ilang bahagi ay sinipi ni Corazon D. Villareal sa kaniyang aklat na Siday: Mga Tulang Bayan ng Panay at Negros (1997). May lagom din ng Hinilawod na mula sa tala ni Alejo Zata, at mababasa sa internet. Magandang balikan sa aking palagay ang nasabing epiko dahil maaaring ang transpormasyon niyon ay tumagos hindi lamang mulang dula at opera bagkus hanggang pelikula at telenobela tungong komiks at larong video.
Hango umano ang "Hinilawod" sa dalawang salita: ang "hini" na ang ibig sabihin ay "tunog" o "himig"; at "lawod" na ang ibig sabihin ay "dagat." Ang "Hinilawod" kung gayon ay maaaring mangahulugan na "Himig ng Dagat" o sa matalinghagang salin ay katumbas ng "Himig mula sa tabing-dagat." Ang ganitong palagay ay unang binanggit ni Villareal, at inugat sa haka ni Jocano na dating naninirahan sa baybayin ang mga tagabundok ngayong Panayon. Posibleng naganap umano ang isang malawakang migrasyon, at ang mga tao ay lumipat tungong iraya at doon nagsimula ang paglilipat ng epiko.
Sari-sari ang bersiyon at kapana-panabik ang mga tagpo ng Hinilawod, ngunit ang isa sa mahahalagang aspekto nito ay ang resureksiyon at pagbabagong-anyo ng pagmamahal.
Sa opera ni Regalado, ipinakilala ang marikit na si Malintang, na nagtataglay ng mga katangian ng kapuwa mortal at sobrenatural. Lumitaw siya isang gabi sa panaginip ng mandirigmang si Humadapnon, at hinimok ng naturang dilag na hanapin siya ng binata. Nabulabog ang pandama ni Humadapnon, at nabatubalani sa dalaga, at nagsimulang hanapin si Malintang sa tulong ng kaniyang mga kawal.
Pumalaot si Humadapnon sakay ng kaniyang barangay, at napagawi sa isang yungib ng pulong tahanan ni Guinmayan at ng kaniyang mga binibining tagasunod. Taglay ni Guinmayan ang kapangyarihan ng kapuwa mangkukulam at diwata, at inakit si Humadapnon na doon tumira sa pulo at nangakong ibibigay sa kaniya ang walang hanggang pagmamahal. Pinaglaho din ni Guinmayan ang mga kawal ni Humadapnon sa pamamagitan ng kaniyang itim na kapangyarihan, at ibinilanggo ang lalaki sa pulo upang maangkin nang lubos.
Darating isang araw si Malintang, na nakabalatkayong lalaki at tangan ang tabak, upang saklolohan si Humadapnon. Nailigtas nga si lalaki; ngunit hindi magtatagal ang masayang pagsasama nina Malintang at Humadapnon dahil kailangang umalis muli si Humadapnon at tupdin ang tungkulin para sa lipi. Nangako si Humadapnon na magbabalik sa piling ni Malintang, at mamahalin ang dalaga hanggang wakas. Subalit nang malayo na si Humadapnon, sapilitang ipinakasal si Malintang ng kaniyang ina kay Sumagulong, alinsunod sa kasunduang pinagtibay ng dalawang mag-anak simula nang ipanganak sina Malintang at Sumagulong. Hahabol sa kasalan si Humadapnon, at papatayin si Malintang sa pag-aakalang nagtaksil ito sa kaniya.
Yayao si Malintang sa paanan ni Humadapnon, lilitaw naman ang mga anito o diwata, at isasaysay nila ang wagas na pag-ibig ng dilag kay Humadapnon. Papayuhan din ng naturang mga sobrenatural na maykapal si Humadapnon na dalhin ang bangkay ng dalaga doon sa Hinilawod, at mag-alay ng panahon at bantayan siya. Tinupad ni Humadapnon ang bilin sa kaniya, at sumilang ang araw na muling nabuhay si Malintang. Nagwakas ang opera sa pag-asang magsasama nang masaya at walang katapusan ang dalawang nilalang.
Marami pang hiyas na mahuhugot mula sa iba't ibang epikong bayan ng Filipinas. Kailangan lamang natin itong halungkatin, pag-aralan muli, at sipatin sa pambihirang anggulong mula sa pananaw nating mga Filipino.
Mahalumigmig sa Camp John Hay nang magtungo ang mga piling manunulat at sumailalim sa mahigpit na palihang ibinunsod ng Institute of Creative Writing noong 6-13 Abril 2008 kaugnay ng Sentenyal ng Unibersidad sa Pilipinas. Gayunman, umaasó ang talakayan, gaya ng kapeng barako na bagong hango sa lutuan.
Kabilang sa mga kalahok, ayon sa paalpabetong pagkakasunod-sunod, ay sina Roberto T. Añonuevo, Abdon Balde Jr., Rica Bolipata-Santos, Ian Rosales Casocot, Frank Cimatu, Allan Derain, Ana Maria Katigbak, Luis Katigbak, Rodolfo Lana Jr., Nicolas B. Pichay, Tara F.T. Sering, at Vincenz Serrano. Walang itulak-kabigin sa pangkat na ito, at ang maituturing na pinakamahuhusay na manunulat sa kanilang piniling lárang, gaya ng dula, kuwento, nobela, sanaysay, at tula.
Tutumbasan ang nasabing pangkat ng mga batikang panelistang gaya nina Gémino H. Abad, Virgilio S. Almario, Jose Dalisay Jr., Cristina Pantoja Hidalgo, Bienvenido Lumbera, V.E. Carmelo D. Nadera, Charlson L. Ong, at Jun Cruz Reyes. Inimbitahan naman si Karina Bolasco ng Anvil Publishing Inc. upang magbigay ng kaniyang kaalaman hinggil sa mga aklat na kinakagat sa merkado.
Mataas ang inaasahan ng mga panelista sa mga fellow. Kabilang dito ang kadalubhasaan sa anyo at nilalaman ng akda; ang taas ng ambisyon ng likha at kung paano iyon isinulat; ang kahusayan sa paggamit ng wika; ang talas ng diwain sa akda; at ang pagtatangkang mag-ambag sa pagbuo ng kabansaan sa pamamagitan ng malikhaing paraan.
Inilahad ng mga kalahok ang kani-kaniyang proyekto, at lumitaw sa talakayan ang dalawang mahalagang aspekto. Una, may ganap na kontrol ang manunulat sa kaniyang akda, at maihahalimbawa ang mga kuwento, nobela, at tulang isinaaklat. At ikalawa, may mga bagay na nakaaapekto sa akda, gaya sa dulang panteatro at pampelikula, na ang piyesa'y malimit pakialaman ng direktor, prodyuser, at artista. Sa ibang pagkakataon, ang akda'y maaaring maapektuhan ng kung ano ang hinihingi ng pabliser o tagapagbenta ng libro. Sinipat din sa talakayan ang papel ng makabagong teknolohiya at pangyayari, gaya sa cyberspace, at kung ano ang mga posibleng epekto nito sa dating sakop ng panitikang pasulat at de-papel, lalo sa proyekto ng mga manunulat.
Pinag-usapan din ang aspekto ng pag-abot sa malawak na mambabasa, kung hindi man manonood. Hindi umano makatatagal ang manunulat sa kaniyang pedestal, at kailangan niyang kausapin ang kaniyang mambabasa sa higit na malinaw subalit masining na paraan alinsunod sa wikang nagkakaunawaan ang magkabilang panig. Sa naturang pananaw, ipinapalagay na nakauungos ang diskurso ng manunulat kaysa pangkalahatang mambabasa kaya kinakailangang hatakin ng manunulat ang mga mambabasa upang makasabay sa diskurso.
Ang kahusayan sa pagsusulat ay hindi rin nangangahulugang dapat mabigat palagi ang akda, mapawika man o mapadiwa. Kahit ang matatayog na diwain ay mapagagaan, alinsunod sa kombinasyon ng mga salita at paraan ng pagsasabi. Idiniin ni Virgilio Almario na mabilis na namamatay ang wika at ang pinakaepektibong paraan upang mapanatili ang pag-iral nito ay gamitin sa panitikan. Ang pagtataya ay masisilayan sa ginagawa nina Frank Cimatu at Bobby Añonuevo, na lumilihis sa nauusong ngangayunin at balbal na wika ng midya.
Nang pag-usapan ang pagpapalathala at pagbebenta ng aklat, mataas ang bentaha ng koleksiyon ng mga kuwento o kaya'y serye ng nobela o nobeleta, ani Karina Bolasco. Ito ang puwang na mapagkakakitaan ng mga manunulat. Samantala'y madilim ang tagpo sa gaya ng tula at dula, na pawang may kahirapan ang pagbebenta ng mga aklat maliban na lamang sa ilang sitwasyong nakalikha ang awtor—gaya nina Ricky Lee, Boy Noriega, at Rene O. Villanueva—ng masusugid na tagasubaybay na handang maglabas ng salapi. Iba  ang sitwasyon sa panig ng dulang pantelebisyon o pampelikula na ang manunulat ay malaki ang pagkakataong kumita kapag nagkahalo ang talento, tumpak na panahon, at oportunidad.
Ang maganda sa talakayan ay nabigyan ng pagkakataon ang mga manunulat na ipakilala ang kanilang binubuong aklat o proyekto. Bukod dito'y nailabas din nila ang kani-kaniyang itinatagong pananaw ukol sa estetika at poetika, na pawang kaugnay ng kanilang paglago bilang manunulat. Malaking tulong sa talakayan ang pagbibigay ng mungkahi mula sa mga nakatatandang manunulat o kritiko at siyang tutumbasan ng matatalim na obserbasyon at tugon ng mga kalahok. Ang proyekto, kung gayon, ay lumalampas sa teksto bagkus umaabot hanggang sa buong pagkatao ng manunulat.
Maaaring sina Tara Sering, Luis Katigbak, Rica Bolipata-Santos, at Ian Casocot ang bagong mukha ng katha sa Ingles, samantalang sina Jun Balde at Allan Derain ang maghahawan ng landas sa kasalukuyang yugto ng katha sa Filipino. Nagbabanta sina Tara at Jun na maglabas na mahigit 500 pahinang nobela; nakakasa na ang maiikling kuwento ni Luis para sa bagong koleksiyon; at pakasaysayan naman ang pagdulog nina Rica at Ian sa pagbuo ng mga personalidad mulang Zambales hanggang Dumaguete.
Matitiyak na paghaharian ni Jun Lana ang pelikula at telebisyon, hindi lamang bilang premyadong mandudula o iskriprayter, bagkus bilang batikang direktor. Na kay Jun ang sensibilidad ng matinik na manunulat na maalam sa nakaraan at ang lakas ng loob na lumihis na nakagisnan. Aasahan din ang malaking papel ni Nick Pichay sa teatro at sining-pagtatanghal upang mapanumbalik ang halina nito sa kasalukuyang manonood na pihikan ang panlasa.
Samantala'y pambato sina Vinz Serrano at Mookie Katigbak sa panulaang Ingles, habang tahimik lamang sina Frank Cimatu at Bobby Añonuevo na pawang nagbabantang magsilang ng mga aklat ng tula sa Filipino—na maipagyayabang hindi lamang sa Filipinas bagkus maging sa iba pang panig ng daigdig. Ipinamalas ng apat na makata na hindi lamang sila marunong sumulat ng tula. Matinik din silang sumuri at bumuo ng teorya ng pagbasa sa tula na dapat mabatid ng iba pang kritiko o guro.
Pambihira ang talakayan sa Baguio dahil sumapit na sa pagkatigulang ang mga kalahok. Matatalim ang pukol ng mga diwain, ngunit kataka-takang ni wala man lamang nagsaksakan, nagmurahan, o nagbatuhan ng silya. Mapapansin ang paggalang sa isa't isa, at walang may hangin sa ulo. At gaya ng winika ni Tara, kalmante man ang pangkat ng mga kumag sa palihan, maaasahan naman na lilikha sila ng nakayayanig na bagyo pagsapit sa larangan ng panitikan ngayon at sa mga darating na araw.
Isa ako sa mga paslit noong dekada 70 na lumaki sa halina ng radyo. Hindi pa uso noon ang ipod, kompiyuter, selfon, at internet, dahil noong 1981 lamang ilulunsad ng IBM ang PC (Personal Computer) nito. Dekada 70 ang magluluwal ng mabibilis na pangyayari sa paglalakbay sa kalawakang pangungunahan ng Skylab; ang maghahatid ng pagkakatuklas sa subatomikong partikulo; ang magtatampok ng pagpapagalingan sa mga sasakyang panghihimpapawid; at ang magbubunsod ng iba pang pagsasanay gaya ng pagpapasabog ng bombang neutron at ganap na pagtukoy sa henetikong estruktura ng organismo.
Sa Filipinas, ang telebisyon noon ay hindi masasabing napakalakas ng saklaw, at iilan lamang ang estasyon sa pihitan. Mapagpipilian ang komiks, magasin, at pahayagan sa pagsagap ng kaalaman at impormasyon. Ngunit mananaig ang radyo sa lahat, dahil nasa radyo ang dinamikong dula, kuwento, balita, at tsismis na pawang aaliw at magtuturo sa mga tagapakinig. Tinig ng radyo ang papasok sa mga tahanan, at anumang alon nito ay magsasakay ng mga kagila-gilalas na pagsulong ng bagong sibilisasyon.
Isisilang ng dekada 70 ang makabagong pagdulog sa teatro, at ilan dito ang pagtatanghal ng gaya ng Mariang Makiling at Prinsesa Urduja na ang mga libreto'y isinulat ni Iñigo Ed. Regalado at nilapatan ng musika ni Alfredo S. Buenaventura. Lilitaw din ang mga dula nina Rolando S. Tinio, Onofre Pagsanghan, at Bienvenido Lumbera habang mamumukod ang PETA (Philippine Educational Theater Association).
Ngunit panandalian ang gayong tagumpay. Igigiit ng radyo ang kapangyarihan nito at magiging mahigpit ang kompetisyon. At ang mga dating dulang ipinalalabas sa entablado ay naisalin sa radyo, gaya ng ipinamalas ng Broadcast Media Council. Ang BMC, na nilikha sa bisa ng Pampanguluhang Dekreto Blg. 576, ay nagtatanghal ng mga dulang panradyo. Ang nasabing mga dula'y hindi karaniwang soap opera na pulos iyakan o bakbakan, bagkus naglalahad ng mga epiko't mitong gaya ng Hudhud, Indarapatra at Sulaiman, Biag ti Lam-ang, Humadapnon, at Ibalon.
Si Liwayway A. Arceo—na batikang mangangathang Tagalog at Filipino—ang sumulat ng naturang mga dula. Kalahating oras lamang ang laan sa pagtatanghal, kaya hinahati sa yugto-yugto ang kuwento. Piling-pili ang yugtong itatanghal, at may mga tagapagsalaysay na gaya ng mag-lolo ang sumusuhay sa kuwento upang maiugnay ang mga pangyayari sa kontemporaneong tagapakinig. Tinawag na "Kasaysayan ng Lahi" ang programa sa radyo, at isinahimpapawid sa DZBB-Channel 7. Mulang alas-seis ng gabi hanggang alas-diyes ng gabi, maririnig sa iba't ibang oras sa sari-saring himpilan ng radyo sa buong kapuluan ang nasabing mga dula.
Si Lydia Collantes-Villegas, ang anak ng dakilang makatang si Florentino T. Collantes, ang naging tagapamagitan sa mga manunulat.
Nanghihinayang ako at wala na ang mga dulang panradyong naglalaan ng espasyo para sa ating mga epikong bayan. Inilapit ng gaya ni Arceo ang epiko sa karaniwang mamamayang salat sa oportunidad na makapagbasa ng aklat at makapasaliksik sa mga aklatan, at ang dating lalawaganing Hudhud o Darangen ay lumampas na sa hanggahang teritoryo nito at pumaloob sa pambansang antas. Naibalik din sa gunita ng taumbayan ang mga katutubong epiko kahit sa munting paraan.
Mapusyaw, wika nga, kung ikokompara ang Joaquin Bordado o Dyesebel o Kamandag o Lastikman sa mga pakikipagsapalaran nina Agyu, Aliguyon, Baltog, Lam-ang, at maraming iba pa. Ito ang nakakaligtaan ng mga manunulat sa telebisyon. Mayamang bukál ng kuwento ang mga epikong bayan at ang kinakailangan lamang ay balikan ang mga ito, titigang muli, isalaysay, at kung kinakailangan ay muling itanghal sa bagong anggulo, para sa kaluguran ng bagong manonood o tagapakinig.
Matatagpuan sa Ateneo de Manila University ang mga kuwento, tula, at epikong pabigkas, at kabilang dito ang Darangen, Hudhud, Ulaging, Ullalim, Hagawhaw, at Tultul. Sa aking palagay ay mabubulok lamang iyon sa imbakan ng Ateneo hangga't walang tao na magsisikap na pag-aralan iyon. Makabubuti pang ipasok ang gayong datos sa isang malawakang websayt na Filipino nang madaling maabot ng karaniwang Filipino.
Hinuhulaan kong malapit nang mamatay ang radyo, at isa sa mga papatay dito ang cyberspace. Napakabilis ng pagbabago sa himpapawid, at kung mananatiling baryotiko ang pagdulog sa radyo, nakatakdang sapitin niyon ang masaklap na karanasang dinaanan ng pagsasara ng mga entablado sa iba't ibang kapuluan. Haka-haka ko lamang ito, na maaari ninyong pabulaanan, susugan, o dagdagan para sa ikalilinaw ng taumbayan.
Bulalas, ibig sabihin, naipahayag.
Siguro ang araw na ito ay nagbigay daan sakin upang makapagbigay pahayag, mga opinyon ko tungkol sa mga bagay, bagay. Marahil ang simpleng bagay ay hindi marahil simpleng talaga.
Ito pala yung Filipino Dula - Written Report ko.
“Paano nawala ang mga sungay ni Tandang”
Filipino sa Bagong Siglo – Concepcion D. Javier
Mga Tauhan:  Tagapagsalaysay
Dragon
Uod (pinsan ni Dragon)
Tandang
Panahon:        Daang taong nakalipas.
Tagpuan:        Sa labas ng bakuran.
Ang dula kong napili ay isang pabulang nagtatampok sa isang Tandang, maari na natin itong tawagin na isang pabula.
Nag simula ang kwento na pinag-uusapan ng Dragon at Uod ang bagong umagang dumating, marahil nakita nila ang isang tandang. Isa sa pinakatanyag at sikat nahayop doon, marahil maganda rahil ang kanyang tindig at itsura. Ang Dragon ay napaisip na ‘ano kaya ang pinakamagandang parte ng tandang na ito kaya’t siya pa’y sikat.’ Tila sila’y napaukol sa sungay ng tandang, pasubali ng uod na siya ang bahala upang makamit niya ang sungay, ngunit susundin niya muna daw niya ang kanyang pinsan bago niya makamit ang sungay. Ang dragon nama’y talagang desedidong kuhanin at sinabi ng uod ay pansinin mo ang ibang parte ng katawan niya, siguro Palong muna. Pumunta si Dragon kasama ni Uod kay Tandang, at pinuri ni dragon ng pinuri yung palong ng tandang. Sunod nama’y ang buntot nitong makinis. Pagkatapos ng pambobolang iyon ay pinuri niya ang sungay. Pagkatapos ang dragon ay nagsabi sa tandang na kung pwede ba hiramin ang sungay, si tandang ay hesitante ngunit pumayag naman siya tapos mangako ni Dragon upang kanyang maisuot sa pulong, pinanganko niya ibabalik niya ito pagsikat ng araw.
Pagdating ng sumunod na araw, naghintay si tandang. Naghintay… At naghintay parin, marahil ilang dekada na ang nakalipas ay di na ibinalik ng dragon ang sungay. Kaya’t sa tuwing sisikat ang araw, ang tandang ay gumagawa ng hagulgol, tik-ti-la-ok asan na ang aking sungay?!
Pagpapahalaga:
Marahil ang dula na ito ay nagbibigay aral sa mga mambabasa na magkaroon ng isang salita, maraming umaasa. May mga taong mabilis magtiwala, minsan talaga’y kailangan mag-alinlangan kung nararamdama’y hindi maganda.
Kung ako ang naging Direktor ng Dulang ito:
Marahil pipiliin ko ang pinakamagagaling at tanyag na actor, mga sa tingin kong kayang kaya at bagay ang role sa kanya, sa pamamagitan pa lamang noon ay labis na labis na kalahati ng Gawain bilang director ay na tupad na. Pagkatapos, ako ay tututok sa projection ng boses, tono ng pagbigkas at emosyon. Hindi mo ito matatawag na dula kung wala ang mga bagay na ito, siguro yung lights at sounds ay marahil extra nalamang at medaling mapagpipiliian kapag natapos ang praktis ng pagtatanghal sa entablado.
yun lang. Kung gusto mo makita ang tunay kong ipinapahayag sa kinaumagahan ng post, basahin mo ang post ni tikokuh sa GG forums.
Format: 50 x 70 cm
Technik: Aquarelle und Tusche auf Papier
Jahr: 1999
Hunor und Magor waren, einer berühmten ungarischen Sage nach, die Vorfahren der Ungarn und Hunnen.
In dieser Sage geht es um einen Zauberhirsch (Csodaszarvas)  , den die zwei Prinzen Hunor und Magor zu jagen versuchen. Hunor und Magor waren angeblich die Söhne Nimrods bzw. Jafets, die auf der Krim am Schwarzen Meer gelebt haben sollen. Der Hirsch verschwindet auf einmal spurlos. Hunor und Magor hören plötzlich himmlische Gesänge und folgen den Gesängen, bis sie auf einen See treffen, in dem bildhübsche junge Mädchen baden. Die Mädchen ergreifen schreiend die Flucht, zwei von ihnen sollen Töchter des Alanen-Fürsten Dula gewesen sein. Die Prinzen reiten hinterher. Die Vier treffen sich. Sofort entflammt leidenschaftliche Liebe. Hunor heiratet daraufhin die eine, Magor die andere, die Nachfahren des Hunor sind die Hunnen, die des Magor sind die Magyaren (Ungarn).
Diese Sage stimmt so allerdings nicht, denn die Hunnen und Ungarn sind nicht miteinander verwandt. Sie stellt aber eine kollektive Erinnerung der Ungarn an ihre frühen Beziehungen zu ihren einstigen kaukasischen und protobulgarisch-hunnischen Nachbarn dar. Der Name "Attila" ist bis zum heutigen Tag ein recht beliebter männlicher Vorname in Ungarn. Auf diese irrtümliche Verbindung mit den Hunnen geht auch die in zahlreichen europäischen Sprachen übliche Schreibung des Landesnamens mit "H-" zurück, vgl. deutsch (veraltet) Hungarn; französisch Hongrie; englisch Hungary. Quelle: Wikipedia
(Isang silid na kwadrado, may laking apat na metrong luwang sa magkabilang panig. Ang papag ang nagsisilbing higaan, hapag-kainan, upuan at palaruan ng bata. Sa ulunan nito ay may isang lumang tukador na wala ng salamin, mayroon itong isang drawer na pigtal na ang hawakan. Ang pinto ng bahay ay nasa gawing paanan, banggerahan naman ang katapat nito.)Tagpo : Pasado ala-una ng umaga. Sa Tahanang iyon.
Ano bang gagawin ko sa'yo? Tahan na. Natetense si mommy, e' pag umiiyak ka. Please naman, Alam mo namang di pa ko sanay mag-alaga ng baby. (Lalakad paroo't parito, nagsasalita habang nag-iisip..., hihinto, makikita ang botelya ng gatas sa tabi), ah, yun naman pala, nagugutom lang ang baby ko, ano? tahan na, ipagtitimpla kita. (Pupunta sa gilid ng papag, naroon ang bag ng bata, ang gatas, ang lampin at iba pang gamit ng bata) ‘tangna, mauubos na pala, Dyos ko, sa'n na naman ako mangungutang nito, hanggang bukas na lang ‘to, ang tubig buti't nabayaran na, e ang ilaw sabi ni Sis. Lydia kailangan maibigay na bukas kasabay ng bayad sa upa, pesteng buhay ito, ba't kailangang magkapatong-patong ang bayarin. Alam n'yo namang mahina ang benta ko ngayon at naghuhulihan sa Timog.
(Tatakalin ang gatas at maglalagay ng 2 takal ng gatas sa pitong takal na tubig, paglalawain na lamang para mapagkasya ang gatas. Ipaiinom sa bata ang gatas... sisipsipin subalit lalakas ang iyak)
Ano bang problema mo? (mapapalakas ang boses, at lalakas rin ang iyak ng bata. Matatauhan ang ina, muling kakalma at hahaplusin ang ulo ng anak) Pasensya na anak, wala na talagang gatas, (maiisip na tingnan ang sariling dede, ilalabas at pipiliting magpalabas ng gatas) wala... wala na talaga anak. Bakit ba kasi kung anong nilaki nito ay syang kakarampot ng laman. Parusa nya ba ‘to kaya n'ya hinayaang di masalahula ang bibig mo sa dede ko? Sa bagay... kahit ako ang Diyos, sa dami ng sumuso dito ay mapaparusahan ko talaga ang may dibdib nito pero anong magagawa ko, wala akong alam na ikabubuhay, I need to survive. (ipapasok ang dede sa daster) Pinakinabangan ko naman ang talento ko ah, ang kagandahan ko at husay ko sa pagpuputa. Matalino rin ako, malinis din naman, sinusunod ko naman ang health officer na gumamit ng condom at magpacheck-up, yung gago mo kasing ama... leche! hindi mo siya ama! Ama-amahan, ah ewan basta yung nagbigay ng tamod mo kahit hindi ko hinihingi. Tarantadong yun, sabi nya sa labas sya magpapalabas, inartehan pa ko at napaniwala, gago talaga! (naiirita na, natahimik at tila natulala ang bata).
Hindi anak, hindi naman ako nagagalit sayo kundi sa leche mong ama! Mukhang anghel nga ang face demonyo naman ang ugali. (Duduruin ang anak) Kaya ikaw ‘wag kang magmamana sa ama mo, tama ng manahin mo ang face nya pero ‘wag ang ugali nya ha, (muling iiyak ang bata) sshhhh... hindi naman sa sinusumpa ko siya. Sige na nga, ok, ok... may bait din naman siya in fact nang malaman niyang nabuntis nya ko e' nag-alok siya ng sustento, pero naman, 2 beses ka pa lang nasusustentuhan mula ng isilang ka. Kung alam ko lang na sobra-sobrang hirap at gastos ang aabutin ko sa P3000 bayad nya para maging parausan niya nang mabore sya sa asawa nya ‘e di sana tumanggi na ko! (tuloy sa pag-iyak... iyak na parang inaapi) No..no..no.. don't cry baby... hindi sa tinatanggihan kita, pero syempre gusto ko naman mapunta ka sa may magandang future, hindi pa ako ready maging mommy. At yang daddy mo, pinaasa-asa pa ako, e' limanlibo pa lang ang nabibigay. E', ano kung malaman ng asawa nyang nakabuntis sya ng iba.... Kasalanan ko bang highly recommended ako at known sa galing ko sa kama, kasalanan ko ba kung mas magaling ako sa misis nya kaya naghanap ng iba mister nya? Kung puntahan ko kaya siya at I-confront ang misis nya, ano kaya kung isama kita at magharap-harap kami? Karapatan mong makilala, naman!
Ano ba talaga ang gusto mo anak? ‘Yan na ang dede o, naiinitan ka ba? Sandali (pupunta sa mesa at kukunin ang dyaryo sa ilalim, titiklupin at syang ipapaypay). Naiinitan ka ba, ha? ‘pag nakaluwagluwag ako ibibili kita ng aircon, maging komportable lang pagtulog mo... kaya tama na ang iyak, baby ko. Alam mo, komportable naman ang buhay namin sa probinsya, pero syempre may pangarap din ako. Ano ako sira? ‘Tong ganda ko ibibilad ko lang sa sakahan ni itang. (Mapapagod sa kakapaypay kaya uupo sa papag habang nagpapaypay) Kahit ba malawak ang lupain nila, walang glamour dun sa Pampanga, sayang ang ganda ko. Masscom ang pangarap ko at puro education ang course dun, naku anak, ayokong tumandang dalaga at makuba sa kakacheck ng quizzes at kakasulat ng lesson plan gaya ni inang. At ano ang kapalit nun? Wrinkles! My God! ‘Pag nakita mo ang lola mo di ka maniniwala na nanay ko sya! Nakukuntento na s'ya sa isang bayong na talbos ng kamote ‘pag pinapakisuyong ipasa ng nanay ng pinakabobong bata sa baryo namin. Wala naman daw syang magagawa... e' sa bobo naman talaga! Ang gusto ko talaga e' lumabas sa TV, sabi ko balang araw makikita nila ako sa TV gaya ni Korina Sanchez. (itatas ang isang paa at kakapain ang sigarilyo sa gilid at magsisindi) Pero pota talaga nang magkahulihan sa club at ibilad kami sa media, (bubuga ng usok sa itaas) ay ‘sus at buti'y natakpan ko ng brief ng customer ko ang mukha ko, minsan na nga lang lumabas sa tv e eskandalo pa! Hindi na baleng malantad ang hubad kong katawan ‘wag lang ang mukha! May press people pa na nagdatingan... hala, kuha dito.. kuha dun, ako naman si gaga.. sige pictorial ito, icocover daw nila ang raid...kahit walang mukha... pasimple akong pumupose at baka maging cover sa FHM magazine o baka may makakitang producer, baka nanood ang producer ng seiko films... pero dahil wala atang mukha kaya walang nag-offer. E' bakit ko naman ibibilad ang mukha ko dun noh, My gosh, ano na lang ang sasabihin ng people of
Panuiqi, na ang anak ng most industrious father at ang hall of famer na teacher ng mababang paaralan ng mataas na hukay ay pokpok? Excuses, im not one of them, im not for free, im for sale! Star dancer ako ‘pag weekend noh! Iniwan ko na nga lang ang address at cellphone number ko sa prisinto, baka sakaling hanapin nila ako kaso wala namang naghanap sa akin. May nagtetext nga, e, alam ko namang si SPO2 Bangkay lang ‘yun. Yung pulis na kamukha ni Palito.
Nakulong ako nun ah, (matutulala) kalahating araw sa preso... walang sundo, walang pagkain... ni anino ng boss ko wala. Gagong boss ko, sa sarap lang siya bumibida. Ang laki na ng kickback may libre pang sex once a week. Mga pota silang lahat! Alam mo ba anak kung ‘pano ‘ko nakalabas, pinarausan ako ng 3 pulis nung gabi, wala namang asunto, nagmapogi lang sila kay Mayor dahil na-feature sila sa Imbestigador. Wala namang nagsampa ng kaso... pinipilit kong ipaliwanag na pwede naman akong makalabas pero may kapalit daw. (nangingilid ang luha sa mata) Tarantado, mga hayop na ‘yun, binaboy nila ako. Ang bababoy nila. Hindi na sila nahiya. Mga walang pinag-aralan, pulis pa naman.... ‘tangina nila (sabay na silang humahagulgol ng bata... matitigilan). Kahit anong ligo ko, kahit anong eskobang gawin ko sa katawan ko... kahit puta ako, pakiramdam ko nababoy ako. Sinalahula nila ang katawan ko... inaapakan nila ang pagkatao ko... mula n'un natuto na ‘kong lumaban. Patas-patas kami, pare-pareho kaming tao. Hindi na ‘ko takot, e ano kung makulong ulit, kung parausan ulit ng mga baboy na pulis na ‘yun... iisipin ko habang pinapasok nila ari nila, ang mga asawa nila'y nagpapakangkang din sa iba. Patas-patas lang... maiputan ang sinumang dapat maiputan. Sa mata ng Diyos, pare-pareho kaming puta! Titi lang naman ang lakas nila... hanggang titi lang sila, isang minuto kaya ko silang itumba! (hihinga ng malalim, pipigilin ang luha at titigasan ang mukha.)
(haharap na sa anak at kakausapin) Kaya ikaw, ipakita mong magaling ka... magmana ka sa akin ha... magiging matalino ka, ‘wag kang umasa sa titi mo. May utak ka anak, paganahin mo, ha? (Mag-aalala sa patuloy na pag-iyak ng bata) Basa na ba ang titi mo? Pasensya na muna at wala ng pampers kaya maglampin ka muna. Kung pwede ko nga lang ilagay ang napkin ko e' di sana inilagay ko na s'yo. Kaso baka naman maging bakla ka? ‘Wag naman Diyos ko! Tama nang ako ang bakla, pasensya na rin kung binabakla ko kayo, ‘you know, despite the trial and struggles according dyan sa kapitbahay nating si Sister Lydia na naglelecture at gumigimik sa bus using your beloved name, I just want to make this life happy... and gay! Di vah? Pero sige just like Mother Mary, I am your servant uummm, ummm (nalimutan, mapapaisip) whatever will be, will be?
(Kakapain ng paa ang tsinelas, tatayo at pupunta sa tukador)
Sandali at ikukuha kita ng lampin. Alam mo, nung bata ako lampin din ang gamit ko. Matiyagang binuburdhan ni inang ang lahat ng lampin. ‘Yung pangalan ko, may bulaklak pa na kasama. Pasensya na anak, hindi ako marunong magburda at syempre kung buburdahan ko ng bulaklak... baka maging shokla ka.. In Jesus name, I revyuk that! (makakahanap ng lampin, lumapit na sa bata at maingat na tinatanggal ang partible at lamping suot) Sabi ni sister Lydia, marami daw syang lampin na pinaglumaan ng anak nya, mahingi nga bukas para naman madagdagan ‘tong lampin mo (pinupunasan ang ari, tagiliran, pwet), naalala ko tuloy si Mayor, ‘pagkatapos naming magsex e' dinaramahan ko na, sabi ko may pangarap din ako. Hindi habang buhay e puta ako... stepping stone ko lang ito. Aba sabi nya
"Hamo't tutulungan kita, dahil magaling ka, at nakikita kong may pangarap ka... ilalayo kita dito" Leche! Linya ng lahat ng lalaki ‘pag nakukunsyensya! "Mahirap din ako," dugtong pa niya "alam mo ba ‘tong kumot na ganito, nung araw, katsa lang ang gamit namin. Ang ginagawa ng nanay ko, binababad sa chlorox ang katsa para pumuti at matanggal ang pintura, tatahiin nya at gagawing kumot, mahusay magbigay init sa aming pamilya ‘pag malamig. Kaya nga di ba nakilala ako bilang Mayor Katsa? Eto ang lagi kong kinukwento sa mga constituents ko, I want to inspire them" Ang gagong Mayor gusto pa ata akong paiyakin e sasabihin ko sanang sino bang hindi gumamit ng katsa, ako mula sa panyong pang exchange gift sa christmas, hanggang sa panty pati na pasador, e' katsang sinulsihan ni inang ang katuwang ko! Tignan ko lang kundi tumulo pati uhog nya. (lalagyan ng pulbos ang singit ng bata)
Pinangako ko n'un, hindi habang buhay magkakatsa ako anak, pero ngayon... naiisip ko... okay na rin ang katsa, kesa humiga sa malambot na kama at balutin ng mabangong kumot sa piling ng iba-ibang lalaki. Lumalaki ka na anak, ayokong balang araw ay tanungin mo ‘ko kung ano ang trabaho ko at wala akong masagot. Ayokong dumating ang araw na nagkakama ka ng iba't-ibang babae. Pero sa totoo lang, mahirap maglaba ng katsa ah, My gosh, maisip ko lang na pinapagpag ko ang katsa para matanggal ang mga natirang harina, at labhan; halos masunog ang balat ko sa tapang ng chlorox para lang mawala ang amoy at mabura ang tatak. Leche, buti sana kung may nanay akong gagawa nun para sa akin, kaso syempre baka naman pamaspa ang inang kakasulat ng lesson plan. Kapag minamalas-malas pa ay kailangan kong putulin at tahiin ang mga katsa para gawing panyo at mabenta ng inang sa paaralan nila para gawing project sa home economics. Halos magkabuhol-buhol ang daliri ko sa pagtahi ng dalawandaang panyo at kung talagang mamalasin ay dalawandaang apron! Lahat ng yun kailangang burdahan ng mga estudyante! Those were the days! (lalagyan ng lampin pero hininto at naisip na mas presko ang walang lampin)
Sandali, siguro may kumakagat sa'yong surot? My gosh, baka nagdala na ako ng surot dito! (itatagilid ang anak, ilalapit ang mukha, hahagilapin kung may surot, kakapain ang higaan. Uusisain ang gilid ng papag kung may surot habang nagsasalita) Malamang nakapag-uwi ako ng surot. Kilala mo ba si Lando, yung pumoporma sa'king kargador ng mga prutas d'yan sa palengke. Nakikita mo siguro yun, mabait yun, si Landong Bato kung tawagin dahil bato-bato ang katawan. Yung araw-araw e' nagbibigay ng mangga o kaya lansones o kahit anong prutas. Matagal ng nanliligaw sa akin yun kaso syempre kung pipili lang ako, dapat yung may matinong trabaho, yung kaya tayong buhayin. Panay ang padala ng bulaklak nun, e' nung isang araw hinarang ako sa kanto, nagyayaya, sabi ko kung may pambayad s'ya bakit hindi. Napasubo ako dahil nag-ipon pala talaga ng pera, medyo kapos nga lang kaya dun na lang sa tambayan n'ya sa taas ng palengke, e' masurot pala dun. Naglulundag nga ako pagkatapos, bukod sa baka may madala akong surot e' wala pala siyang condom, e' naubusan na rin ako dahil katatapos ko lang nun at pauwi na nga ako. Alas kwatro na ng umaga e'. Kaya yun, dinaan ko sa talon sabay dasal, mahirap na at baka masundan ka. (aangat ng bahagya at haharap sa bata) alam ko iniisip mo, syempre hindi siya makapagwithdraw, minsan nga lang e, pasasakitan ko pa, mabait din ako anak, considerate din si mommy paminsan-minsan. Kung hindi lang ba e di sana sinagot ko na siya, actually, nag-enjoy naman ako. Hindi niya pinaramdam na puta ako anak.
Wala namang surot, wala ring langgam (tuluyang tatayo). Nganga ka nga anak, baka tinutubuan ka ng ngipin. Sabi kasi, pag tinutubuan ng ngipin, lalagnatin daw. Hindi ka pa naman nilalagnat pero baka nga tinutubuan ka na ng ngipin. (pupunta sa banggerahan at maghuhugas sa tabo ng kamay, babalik sa papag, hahawakan ang bibig ng anak at bahagyang sisilipin ang gilagid) Wala pa namang ngipin baby, (isusuot ang daliri at bahagyang kakapain), naku anak, ‘pag may ngipin ka na ‘wag kang mangangagat ha. Bad ‘yun. Yung tsupon ang kagatin mo ha hindi si mommy. Baka katulad ka rin ng daddy mo na gigil na gigil sa akin, puro kagat ang inabot ko. Sa totoo lang, nagdlawang-isip ako nun, muntik ko ng isipin na drakula ang daddy mo. Ang hilig kasi mangagat. Nagkaroon pa ko ng sandamakmak na kissmark.
(patuloy pa rin ang pag-iyak) Ano ba talaga ang nararamdaman mo? Tama na sa pag-iyak. Hindi na nga naka rampage si mommy dahil sa kakaiyak mo. (mapapatingin sa dibdib ng bata, mapapansing wala ang basyo ng baril na isinasabit dito, titingnan din ang kamay at mapupunang wala pati ang porselas na binili sa Quiapo) Ay!?...Nasa'n ang basyo? Na'san din ang porselas mo?
(hahalungkatin ang bag ng bata pero ‘di makikita, kakapain ang papag, pupunta muli sa tukador subalit walang makikita)
E' sino naman ang kukuha nun? (mag-iisip ng malalim) Sino bang kasama mo... si Sis Lydia! Lintyak! Naloko na... tama, malamang si Sister Lydia ang nagtanggal nyan at kumuha, e' sya lang naman ang hindi naniniwala sa usog e'. Gagang Sister ‘yan, christian pa naman, e' kung na-usog ka? Kaninong dila ngayon ang ipapapahid ko sa'yo! Oo nga't siya ang nag-aalaga sa'yo minsan ‘pag wala ako pero hindi ibig sabihin ‘nun e pwede nya ng alisin ang mga paniniwala ko sa'yo, aba.. aba.. don't she dare Christinize you because like your Mom, you are exclusively Catholic! Sagradong Katoliko ka noh! Devoted ako sa Mahal na Nazareno at dun nga ako namimili ng mga kontra usog mo sa Quiapo with matching pinupunas ko pa yun pati na ang panyo ko na may tatak ng mukha ng Nazareno at sa likod naman ay nakasulat ang salmo ni El Shaddai, pinupunas ko yun sa salamin ng kinalalagyan ng Nazareno! At yung panyong yun, maroon ang kulay, mahal yun, hindi yun katsa! Hindi ko hahayaang maging Christian ka tulad ni Sis. Lydia! Catholic ka lang and that's final! Sabi nga ng inang, isinilang tayong Katoliko, mamamatay rin tayong Katoliko. Kahit yun man lang ang masunod ko sa mahabang listahan niya ng payo! Mapuntahan nga... nakakagigil... pupuntahan ko sya... (palabas na ng pinto ng biglang umiyak ng malakas ang bata, titingin sa bata, haharap sa pinto... muling titingin sa bata) sa bagay pasado alas dos na, baka nagmemeditate na yun. Bukas anak... bukas na bukas susugurin natin yan at padidilaan kita. Maghapo't magdamag kitang ipapa-pray over hanggang sa mapagod siyang humanap ng lunas sa usog mo. Sige na ... tahan na... (hahagurin muli ang ulo).
Alam mo anak, kahit ganito si Mommy, may faith pa rin ako. Marunong akong magdasal. Ipinagdadasal kita araw-araw as in everyday. Kahit hindi na para sa akin, kahit para sa'yo lang. Mahal kita e'. Mahalaga ka sa'kin. Corny pero nung nalaman kong buntis ako, sa halip na matakot ako... o magalit sa ama mo... may naramdaman akong kung ano. Chuva talaga ang feeling. Sa loob-loob ko... sa wakas, may kakampi ako. Sa wakas may sandata ako, sa wakas may masasabi akong yaman ko. Ikaw yun. Naging madasalin ako at palasimba. Kung dati ang lagi kong dasal e' sana ‘wag akong makakuha ng lalaking sadista; naman! kahit mataba o kapangitan o mabaho ang hininga, pwede ko namang patayin ang ilaw at pasakan ng kendi ang bibig. E'... ngayon... ikaw lang ang laging nasa dasal ko. Sabik akong umuwi, mas may kahulugan ang pagpuputa ko, I'm not an ordinary puta now... im not anymore bitch, ngayon may kahulugan ang lahat ng ginagawa ko - may kahulugan na ako ngayon. (biglang iihi asintado sa mukha nya) anak, sinabi ko naman s'yo na corny e, pero hindi ibig sabihin nun pwede mo na ‘kong itaboy ng ihi mo. Wala namang bastusan anak. Maliit pa yang sandata mo, nang-iinsulto na ha... that's bad!
(tatayo at magpupunas ng mukha, kukuha muli ng lampin pamalit sa lamping pinagpatungan sa halip na isinuot kanina) Binabalisawsaw ka ba? (naitanong nang hindi na malaman ang dahilan ng pag-iyak...nakapamewang, mapapahawak sa noo... sinusurot ng kunsyensya) Hindi naman kita dapat tinatanong e, e' wala ka ngang alam, di mo pa kayang magsalita. Dapat kasi nasusubaybayan kita, siguro kung ako ang nakabantay sa'yo baka nakapagsasalita ka na ng mommy kahit mag aanim na buwan ka pa lang. Hindi ko tuloy alam kung anong ginagawa mo pag umaalis ako. Nakikisuyo lang ako kay Sis. Lydia, syempre sa anak ka rin lang nya iniiwan sa tuwing nagpipreach sya sa bus... baka mamaya nabibilad ka sa araw, baka mamaya nakakakain ka ng kung anu-ano. (mapapaisip) Hindi kaya minsan sinasama ka ni Sis Lydia at pinag aarimunding-munding habang kinakanta nya ang Ang buhay ng Kristiyano o Father Abraham has seven children? O di kaya pinag co-close-open habang kinakanta nya ang God Will Make... will make aah, ah, a a wheel... or a boat? ah Ewan! God made them both!
Piolo!? (mabibigla sa makikita pagharap sa bata) ‘Yan na nga ba ang sinasabi ko... bakit hindi ko naisip yun! (kukunin ng palangganang nakataob sa banggerahan at lalagyan ng tubig mula sa container. Babasain ang pamunas at kukuha ng sabon) Putang ina mo, sa susunod naman na tatae ka magsasabi ka!
(natitingala habang nangingilid ang luha sa amoy) Parusa naman baby. Pero sige, okay lang, tatanggapin ko lahat ng ito... okay lang na paglinisin mo ako sa kalat mo, pagplantsahin, paglabahin ng damit, lahat gagawin ko, ‘wag ka lang magkakasakit. Baby, sa hirap ng buhay ngayon bawal... (titigil, haharap sa audience at hihintayin ang sagot) tumanggi! "Yun ang masaklap, kasi kapag may sakit ka, di ako pwedeng mag-inarte, take lang ng customer ke sehodang amoy lupa sya, dahil kahit diligan ko sya, hindi na sya mananariwa at susustansya... ako ang mapopollute. Ayaw mo nun di ba? Give me some pride, spare me some dignity!
(Napalitan na ng lampin at nalinis na ang banig)
(palakas ng palakas ang pag-iyak) Ano bang problema, baby Piolo? Stop crying papanget ka. Sige ka baka hindi mo na sya maging kamukha (ituturo ang kalendaryong poster ni Piolo Pascual na nasa dingding). Siguro kung sya ang daddy mo, mas ok ano? Iniisip ko lagi kung ano kaya ang size nyan? (iiyak lalu ang bata) ng kwan... ng sapatos! Eto namang baby ko conservative. Pero kung sya customer ko, go kahit for free, maging pokpok paminsa-minsan (lalakas ng lalakas ang iyak) Joke lang anak, paminsan-minsan, okay lang maging bastos, lalu ka na anak, dapat maginoo ka pero medyo bastos.
Ah alam ko na, natutusok ka ng partible ano, kaya ka umiiyak (kakapain ang partible ng lampin) Hindi naman. (namumula na ang bata sa kakaiyak) Ano bang gusto mo... hindi ko maintindihan e'. May masakit ba sa'yo? Sabihin mo. Ituro mo naman o' para di ako nag-aalala. Hawakan mo.. alin ba? Ang tiyan mo ba... nakatae ka na di ba? Ang ulo mo ba? (papalakas ng papalakas ang iyak).
(Natataranta na siya, tatayo, lalakad paroo't parito, naiiyak na) Diyos ko, ano bang problema ng batang ‘to. (Hahawakan ang noo) Hindi ka naman mainit, teka.. bakit nanlalamig ka? Diyos ko? Bakit nanlalamig ka, Piolo?
(Pupunta sa tukador, kukunin ang iba pang lampin, isisilid sa bag, kukunin ang ilang gamit ng bata at isisilid sa isa pang bag na lalagyanan ng mga bote ng bata) Giniginaw ka? Dadalhin kita sa ospital, kailangan mong matingnan ng duktor... pero Diyos ko, wala akong pera. Putang-ina! Putang ina talaga!
(Mapapaupo sa papag sa tabi ng sanggol na umiiyak) Tulungan mo ‘ko Diyos ko... alam kong makasalanan ako pero naging mabuti akong ina di ba... kahit dun man lang di ba binabawi ko ang mga kasalanan ko. Tulungan nyo ko, pagalingin nyo anak ko. (may maiisip bigla)
(Biglang tatayo) Bahala na, pupuntahan ko si Rudy... pupuntahan ko ang tatay mo.
(Muling babalik sa tukador, hahalughugin ang bag at hahanapin ang tarheta) Ito... tama ito ang address ng ama mo. (Matitigilan) Paano kung asawa nya ang magbukas ng pinto? Anong sasabihin ko?
(Bubuntunghininga) "Sinong kailangan nila?" tatanungin niyang minumukhaan ako.
"Ang magaling mong asawa!" Itutugon ko, sisindakin ko agad kesa maunahan ako.
"Sino sila?" usisa nya (patlang) Sino nga ba ako? Anong sasabihin ko? ‘Pag sinabi kong putang inupahan niya, bababa ang tingin niya sa'kin at mababalewala ang paninindak ko, ‘pag sinabi kong pinsan nya e malay ko ba kung ipa-enumerate nya sa'kin ang mga kamag-anak ng asawa nya, ‘ pag sinabi ko namang kabit nya... ‘pano kung kabit din sya?
"Hindi na mahalaga kung sino ako, ang mahalaga ay kilalanin niya ang anak ko dahil siya ang ama nito", tama, ‘yun na lang ang sasabihin ko, kahit naman sino'y bumababa ang loob ‘pag nakakita ng bata, at mano ba, hindi naman ‘to props dahil totoo nyang anak ‘to. "Ilalabas mo ba ang asawa mo o hindi, kailangan nyang dalhin sa ospital ang anak nya dahil may sakit." Pandidilatan ko sya.
"Wala sya dito, nasa Qatar na" dugtong nya na mukhang seryoso (matitigilan) Qatar ... Qatar ... tama minsan nyang nabanggit na pupunta sya ng Qatar para magtrabaho. Diyos ko... baka nga nasa Qatar na siya kaya hindi siya nakapagbibigay ng sustento magtatatlung buwan na.
(Lalung-lito ang isip. Pupunta sa tukador, babalik sa papag, maglalakad, muling magsisindi ng sigarilyo. Titingala at pipigilan ang luha)
Patawad... patawad pero bakit ganito ang naglalaro sa isip ko. Anak, ang totoo, gusto ko na maging maganda ang bukas mo. (mapapatukom sa dibdib) Disinwebe pa lang ako. Hindi ko alam kung ‘pano kita bubuhayin. Hindi ako karapat-dapat sa'yo. Gusto mo bang lumaki sa ganitong lugar? Gusto mo bang pagtsismisan ng mga kalaro mo? Wala kang kasalanan anak. Hindi mo ‘to pinili at ako ang pumili nito kaya ka narito ngayon. Hayaan mong ako ang pumili muli ng landas na mabuti para sa'yo. Kahit dito man lang sana tama ang desisyon ko.
(Titingnan ang bata, hahaplusin sa noo at susuklayin ng kamay ang buhok habang patuloy itong umiiyak ay patuloy naman ang pag-agos ng luha sa mata ng ina. Dalamhati)
Sabi ni inang nung inaalagaan ko ang bunso kong kapatid, hindi sa lahat ng pagkakataon ay gutom ang bata kapag umiiyak. Baka daw basa ang lampin o nilalamig o natusok ng partible, baka tinutubuan ng ngipin o nakagat ng langgam... marami pa siyang sinabi pero hindi ko na matandaan. Nagawa ko naman di ba, di ba anak, sabihin mo nga sa akin na sa loob ng limang buwan, di ba nagawa ko naman ang assignment ko sa'yo. Pinilit kitang alagaan di ba? Pinaramdam ko naman sa'yo ang pagmamahal ko di ba? Pero hindi ko na alam ang gagawin ko. May kulang pa ba ako? Isa na lang ang pinakaalam kong tama, anak - sa kumbento.
(hahagulgol ng iyak habang sumasabay sa hagulgol ng bata)
Mapapabuti ka dun kila Sis. Elvie, yun yung madalas na nangungumbinsi sa'kin na sa kumbento na lang magtrabaho, dun mananatili kang Katoliko. Maaalagaan ka dun, mapapakain. Sisiguraduhin nilang hindi ka babalisawsawin. Kung hindi man nila ipagamit ang polseras at sukbit mong kwintas, pagdadasal ka nila palagi. Maraming bata dun na makakalaro mo. Masaya dun. Dadalawin naman kita. Hindi talaga kita iiwan, pangako dadalawin kita. Bukas naman ang kumbento anumang oras. Hindi kita kalilimutan, dito o, sa puso ko, pakinggan mo andito ka palagi. Doon sa kumbento may magpapatahan sa'yo. Siguro mas nauunawaan nila ang dahilan ng pag-iyak mo. Sanay na sila sa mga batang tulad mo. Ako... hindi e, sa totoo lang, aminado naman ako sa'yo di ba, sinasabi ko naman na hindi pa ako handa, pero kinakaya ko, nahihiya na nga ako sa'yo. Katulad ngayon, gusto kitang patahanin pero hindi ko kaya..
(Magpapasyang tumayo, kukunin ang dalawang bag, haharap sa orasan, mag aalas tres. Hahagulgol muli at bubuhatin ang bata. Magpapasya.)
Halika na anak, tahan na (Bubuhatin at mapapasandal ang ulo ng bata sa balikat niya. Gagalaw ang maliliit niyang kamay, papalupit ang munti niyang bisig sa leeg ng ina. Tatahan si Piolo at makakatulog sa balikat niya. Mapapansin niyang agad na nakatulog ang bata. Ibababa niya ng dahan-dahan ang bag, mapapabuntunghininga,liliwanag ang kanyang mukha, yayapusin ang anak, hahagurin ang likod at isang walang titik na awit ang lalabas sa kanyang bibig habang magkalapat ang kanilang mga dibdib. Payapa.)