ilagay ko kaya yung pinaggagawa namin ngayong third quarter dito sa blog ko? sa sobrang dami nun, masasayang lang pag hindi ko pa pinost dito.. haha.. sorry, hindi muna ako magmumultiply.. tinatamad pa ako.. mas matino din dito sa wordpress.
gagawa ako ng isang page.. para dun sa mga Pinoy stories.. isasali ko na rin yung Socsci short historical fiction. yes naman. may maiipost pa ako dito. grool. \m/
yehehh. 10 days before Christmas. pero..
δι  κο πα ναραραμδαμαν
‡ onga pala. limerent daw si Topher ngayon! goodluck na lang ‡
takte talaga. hindi ko nararamdaman na bakasyon na.. gawa nung socsci at pinoy requirements. >:(
but the fact that it's Christmas vacation already remains.
last week was perio week. not-so-easy exams. but let's not talk about it.
After the periodic exams, we prepared for the Be outing. (salamat pala dun sa mga nagbigay nung regalo... nakakakonsensya.) We rode on Migo's Starex. In it were Arvie, Migo(duh), Maynard, Carlo, Ichiro, William, me. It's Christmas vacation, man, so there's no problem in playing cards. They even showed it to Kuya Guard. Ano? Reklamo? Naglaro kami ng naglaro: pusoy dos, tong-its(sila lang), pati hulaan. Nagstop-over kami sa McDo at bumili kami ng Happy Meal with our toys being alphabet teddies. K yung sakin. tapos dumating na kami sa resort nina Migo. kami pa lang yung nandun kaya naligo na kami! yehheh.
After some minutes, dumating na sina Sam and company: PJ, Luces, Daryll, Sed, Sam, Pablo, Marius. pumunta lang daw sila para mag-DOTA. nice reason. yeh. Tapos makalipas siguro ang isang oras, dumating na sina Oscar atbp.: Peggy, Marga, Tintin, Ici, Oscar, Bea, Trishia. antagal-tagal nila dahil daw pumunta pa sila sa bahay nina Oscar. Hiwalay daw kami ng pool. So pinuntahan namin sila. Lipat naman sila. pinuntahan ulit namin. Lipat ulit. makakapal ang fes. haha. \m/
Pagkatapos nun, naglaro muna kami ng pusoy dos. tapos yung iba, nagpoker na. hindi naman ako marunong magpoker. pagkatapos nun, nagswimming ulit kami. yung iba nagpakaemo sa pool. yung iba hindi gumagalaw (marga, peggy), yung iba, dive nang dive (luces, crissy) yung iba nagkwentuhan na lang(da rest). simula five yata nandun na kami sa pool. 11 kami natapos. san ka pa?  kulubot na ang mga kamay at paa ng karamihan. magbabad ba naman.
naligo na ako dahil pagod na pagod na akong lumangoy. pagkabihis ko, kumain na ulit ako. pagkatapos nun, nagpusoy dos ulit kami. tapos, nagpusoy dos ulit. nung tumaas na ako para matulog,nagpopoker naman yung iba. nakatulog ako ng kaunting oras tapos nagising ulit at hanggang 4 akong gising. nakipagpoker na ako.. marunong na kasi ako.. haha. nakatulog ulit ako nung 4. gumising ng 6. nakatulog ulit. gumising ng 9. yan ang model pisay iskolar. kumain ako ng almusal sa tabi ng pool habang nagsuswimming yung iba. pagkatapos, nanood kami sa mga naglalaro ng "1, 2, 3, pass!" kasama si ma'am balangue, ang model teacher. pagkatapos ng ilang sandali, nagswimming na ako.
pagkatapos kong magswimming, dumating na ang parent ko. naligo na ako. tapos, naglaro kami ng poker! hahaha. matagal-tagal siguro yun, hanggang kami na lang ni william yung naglalaban. pero nanalo siya. sugalero.
kumain na kami ng tanghalian; kailangang sulitin ang P300. tapos yun. umalis na kami ng tatay ko.
kainis! hindi ako nakapunta sa Rehipons! hindi kasi marunong magcommute. takte. wala ring maghahatid sakin. mag-isa lang ako sa bahay na nanonood ng  TV. kainis. pero may 14 yatang hindi pumunta.
BASTA PUPUNTA AKO SA SUNOD NA REHIPONS. pls lang. sa February daw.
‡ kapatid daw ni arvie si satyri ‡
yeah. malapit na ang bakasyon. sa december 7. just one more week of menial chaos and all's well. I'll be able to do anything I want. (just don't butt in the socsci3 short fiction story and the fil3 choose-your-own-adventure story for the love of... myself). after the damned perio, we'll be going to migo's resort at pansol, laguna and release the heat. yeh. and we'll have the rehipons on the 11th, maybe. and if i will be permitted by my parents. i just wish i will. just this one, just this one. please!
i'm gonna miss this year.
and i'm gonna blog more, if possible. i've missed a lot not updating this blog. and i'm gonna rest more-than-you-could-imagine-but-i-just-wish-it-will-not-be-interrupted-by-some-other-things-i-don't-know. so that.
onga pala. 24 days na lang, pasko na. yehehh.
Sinong nasa Thailand at nakarating na ng Thailand? PM niyo ko.. Bakit? Sikretong malupit!
Hindi ko alam kung ano ang meron ang week na ito at haggardness ang tema ng ka-divahan kong nabawasan ng kinang dahil sa stress. Ngaragan portion, kunsumisyones portion at imbiyerna portion dito sa opisina naming ako ang pinakamaganda. Sa dami ng intriga pati hairdo ko nagugulo, ganun katindi! Wala tuloy akong maipost na makabuluhan sa sanblogospheran. Tags tags baby tuloy ang naipapaskil ko dito sa balay ko.
Pero siyempre ang beauty kong walang maliw ay always ready para hainan kayo ng juicylicious with matching glittery effects sa mga naglalaro sa aking insured na brain [damaged kasi]. Sa mga oras na ito feel ko ishare ang mga bet at hindi ko getching na eksena nitong nagdaang week.
HINDI KO GETCHING
Kung bakit itong si ex-president chovarloo Erap pa ang may kundisyones sa presidential pardon ekek na ito. Tatanggapin lang ‘daw’ niya ang pardon pag walang kundisyones na aaminin niyang guilty siya. Ang tarush! Tapos siya ang may karapatang humingi ng kundisyon? Parang utang na loob ng gobyerno ang bigyan siya ng pardon? Bopols ako pagdating sa mga ganitong usapin, pero pramis hindi ko talaga gets.
Kung bakit napakamalas ni Papa Piolo sa Deal or No Deal. Parang gusto ko ng batuhin ang tv namin sa sobrang inis ko at pagka-imbiyena. Alam ko hindi naman kasalanan ni Papa Piolo yun, kagaya ng hindi naman niya kasalanan maging gwapo, at tama din naman ang sabi ni banker, "hindi ibibigay sa’yo ang lahat". Pero sayang naman ang exposure at kamalasan ang inabot ni Papa Piolo, bagong tabas pa naman.
Kung bakit may Clash Dance ang ASAP. Ampanget! Kulang na lang magsabunutan pag showdown. Wala din sa bokabularyo nila ang salitang ‘timing’, ok lang sana kung nakaapak sila sa bubog ng habang nagso-showdown o di kaya padamihan ng makakaing buhay na manok habang pinaghahampasan nila ang mga katawan nila. Jologs ako, pero na-jologan pa’ko dito.
Kung bakit sobrang baho ng pupu ng pussy. Kaya hindi napalapit ang loob ko sa mga pussy na yan dahil sa mabaho ang pupu nila.  Peborit pa naman ng pussy ng kapitbahay naming gawing litter box ang harap ng bahay namin, kaya paglabas ko ng bahay araw-araw sira agad ang aking umagang kay ganda. Lukot na nga ang bulsa lukot pa ang mukha ko, kaya ata wala akong makalap na positive vibes baho vibes agad ang sumasalubong sa’kin.
Kung bakit mas matrapik pag may MMDA o Traffic Enforcer. Akala ko nagkakataon lang, pero lagi-lagi talaga, kulang na lang gawan ko ito ng thesis para naman mapatunayan ko na tama ang theory kong ito.
MGA BET
Aliw na aliw ako sa Lastikman. Napapanganga ako sa epeks, basura ang Zaido. Cheapangga kung ikukumpara sa Lastikman.
Alam kong nobody’s perfect pero kung may close to perfection sa’kin si KC CONCEPCION na yun. Napanood ko yung TV special ni KC at sobra akong bumilib. Getching ko kung bakit sila nagpalabas ng special about her life in Paris. Ayaw nilang isipin ng tao na porke’t papasok na siya ng showbiz e madali ang lahat sa kanya dahil anak siya ni megastar. Divang-diva si KC parang ako, echos!
Ang mga blogomare kong si Jeangrey at Chuvaneska. Sa walang sawang pagtulong tungkol sa binabalak kong sideline. Si mareng Jeangrey nagpadala pa ng email sa’kin. Tats naman ako. Si Chuvaneska naman ay sasamahan ako sa adventure kong ito, masipag din ako bigyan ng updates sa mga kailangan kong malaman at kung ano-ano pang info. Ambabait nila, sana dumami pa sila.
Sana naman sa susunod ay mas madami na ang bet kaysa sa hindi ko getching. Aba ang pangit naman kung puro ako reklamo sa buhay no. Hindi maganda sa image ko, baka kumonti ang fans ko, charing! ;)
Pag tinatanong ako kung ano ang unang naiisip ko pag naaalala ko ang Elementary at High School days ko, isa dun ang SLUMBOOK. O aminin, napa-smile ang iba sa inyo. Parte naman talaga ng elementary at high school life ang slumbook ekek na ito. Simbolo na ito ng early kakikayan, kumpetensiya at paglandi naming mga babae.
Umpisahan natin sa kakikayan. Naalala ko noon halos maubos ang allowance ko makaipon lang ng pambili ng magandang slumbook, bata pa lang kasi sosyal climber na ang drama ko. E masisisi niyo ba akong ang mga mahadera kong kaklase na spoiled pero hindi naman bagay ay saksakan ng kayabangan. Ipinaparada ang mga kikay nilang slumbook, yung iba may mga padlock pa na akala mo may secret account na nakatago. Yung iba naman may mga sariling maleta, kundi ba naman tumulo ang laway ko. Dahil sa murang edad ay kinalyo na ang kamay ko kakasulat sa bawat page ng notebook kong mumurahin para lang magkaroon ng slumbook. Ang harsh diba? Kung iisipin mo slumbook lang iyon pero kita na agad kung sino ang meron at wala. Pero kahit anong gawin kong ipon hindi ako nakabili ng magandang slumbook noon kasi matakaw ako sa chichirya bukod pa sa compulsory bumili ng paninda sa chicher namin, pakunswelo ko na lang sa sarili ko ampapangit naman ng penmanship nila.
Mahigpit din ang kumpetensiya kung sino ang may pinakamaraming napapirma sa slumbook, lalo na sa mga boys na kakikitaan na ng pagkabagot at pagtataka kung bakit kaming mga girls ay nag-aabala sa mga ganitong bagay. Dito ko narealize na kayang-kaya ng girls paikutin ang mga boys, konting papungay lang ng mata at pahampas-hampas sa braso bumibigay na ang mga damuho. Kung sino ang madaming napapirma ibig sabihin siya ang pinaka-charming at popular.
Eto naman ang pinaka juicy kung bakit lokong-loko kami sa pagii-slumbook na ito. Nagkakaalaman kung sino ang may gusto kanino, sino ang naka-MU nino, at sino ang naging magsyota. Ang salarin ay ang mga katanungang ito:
WHO IS YOUR CRUSH?
WHO IS YOUR FIRST LOVE?
WHO IS YOUR FIRST KISS?
Ang aaga kumerengkeng diba? Kahit anong bantay ng mga magulang naniniwala akong may way para sa paglandi, sa case ng mga super bagets e etong slmbook-slumbookan na ito. Madami na din akong nasaksihan na nabuong pag-iibigan, love triangle, love quadrangle at love disaster dahil sa slumbook na iyan. Nasirang friendship dahil sa selosan – si-girl-may-kras-kay-boy-na-may-kras-sa-friend-ni-girl na drama.
Nakakalokang balik-balikan ang mga riot na naganap dahil lang sa pag-iislumbook. Aba naman, madami-dami din naman akong nabuking na may kras sa aking musmos na ka-divahan dahil sa slumbook. Pinakilig din naman nito ang aking murang pwet.
Hindi ko na mahagilap kung saan ko naitago o kung may naitago nga ba akong slumbook ko nung araw, para mabalik-balikan ko naman ang masasaya at nakakalokang sagot ko at ng mga kaswela ko. Napiktyuran ko sana ng naidisplay ko dito sa bahay ko.
Uso pa din naman ang slumbook kahit dito sa cyberspace. Sa mga kumakalat na surveys na lang at meme/tags slumbook na slumbook na ang dating kaya nga natutuwa pa din ako sagutan ang mga iyon dahil naaalala ko ang younger years ko, sabagay mga five years ago pa lang naman yun. ;)
Nagpasama ang opismeyt ko [iba ito dun sa pinayuhan kong makipagsex] nung isang araw para magpa-pre-natal, iko-confirm kung tama ba yung nakita niyang dalawang guhit dun sa pregnanacy test kit nung isang araw din bago siya nag-aya sa ob-gynecologist.
Positive na positive. Ang opismeyt ko nawindang, siguro hindi pa handa. Mahirap nga naman ang buhay ngayon. Hindi ko naman siya masisisi kasi alam ko namang kakarampot lang ang sinusweldo nilang mag-jowa. Dig na dig ko kung saan nanggagaling yung anxieties, kaya super cheer ako na parang cheer leader captain:
"Anukaba... Blessing yan. Ayaw mo nun may trophy ka na."
Mukha namang nahimasmasan na kasi kinabukasan para na namang may pinupunit na yero sa opisina sa kakatawa niya.
Ako naman on the other hand ay biglang nainggit. As in. Parang guso ko ng pauwiin si manong at magpajuntis. Pakiramdam ko handa na ang puso, isip at matris ko para maging ina.
Pero matagal-tagal pa yun. Nakikipagbuno pa si manong ko sa mga pasyenteng arabo. Isa pa, baka pagdating din ng araw na ako na ang juntis e atakihin din ako ng kung ano-anong anxieties e hindi kayanin ng mga taong nakapaligid sa'kin. Para kasi akong nagwawalang tigre pag may anxiety attack, echos!
Buti na lang si manong alam kung paano sakyan ang kagagahan ko:
manang ni manong: gusto ko pag ako ang nabuntis kasama ka sa lahat ha?
manong: siyempre naman! kailangan ako muna ang makaalam kesa sayo. hehehe.. gusto ko baby girl.
manang ni manong: edi gumawa tayo ng baby girl, para doble tuwa mo pag nagkataon.
manong: matutuwa din naman ako pag baby boy a. gagawin ko siyang baby girl! LOL!
Answeet diba? Gagawing juding ang magiging anak namin. Isasantabi ko na muna ang pagpapajuntis.
Since nasimulan ko na din lang ang pagse-share ng mga past entries ko dito from my previous blog edi lulubos-lubusin ko na. :D
Eto talaga isa sa mga favorite kong entry. Sana magenjoy kayo.
posted @friendsterb blog last August 17, 2005
BIGMAC
the best way to mend a broken heart and to heal a lost soul is to eat BIGMAC! yes! BIGMAC!
kainin mo sya na parang dun mo binubuhos lahat ng kalungkutan at frustrations mo... im sure all of you are wondering "SAN GALING YUN?!" kasi ganito yun...
a couple of weeks ago, nagpunta akong Imus (may inutos si madir) on my way home, i decided na dumaan ng mall, mag-internet at magpalipas ng oras dahil medyo maaga pa naman para umuwi, besides lalo lang ako malulungkot (malungkot kasi ako that time) so might as well libangin ang sarili. nang makaramdam ako ng gutom, pinag-isipan ko kung ano ang gusto kong kainin...
SIOMAI? hmmm... i don't feel like eating siomai that day (my super favorite)
napadaan ako ng greenwich... PIZZA? nah!
CHICKEN? ayaw...
napadaan ako ng TOKYO TOKYO, JAPANESE? (i mean food.. haha) hmmm... di ko feel..
lito ako as to what i really wanna eat, siguro dahil hindi naman ako ganun kagutom, besides parang may hinahanap ang panlasa ko, something new... it's just that parang hindi na naman nakikisama ang appetite ko. i'll just eat for the sake of eating. ang gulo ko no? kahit sa pagpili ng pagkain windang ako!
nakadalawang beses na siguro ako umikot kakahanap ng makakainan. actually di pa naman ganun kagalit ang tiyan ko, pero ang paa ko umaangal na! kaya ng mapatapat ako sa MCDONALDS
"dito na nga lang!" sabi ng lost kong utak.
habang nakapila ako parang nag-hang ang utak ko, tinatamad na sigurong mag-isip... hindi na tuloy nakuhang isipin kung anong dapat orderin, yung dati na lang na nakaprogram na sa utak ko MY USUAL. so when the crew asked for my order ganito ang tinatakbo ng utak ko...
"isang value meal no.6 (which is burger mcdo, take note ang pinaka plain na burger) for dine in, pa-upgrade ng drinks at fries... un lang...at miss padagdag pala ng ketchup... thank you."
akala ko yun din ang sinabi ko sa crew. kaya medyo naalog ang kamalayan ko nung inulit ng crew ang order ko...
"ma'am your order is value meal no.1, BIGMAC, upgrade po ang drinks and fries. is that all ma'am?"
1... 2... 3... (seconds) ang lumipas, medyo di pa nagsi-sink in sa utak ko na ang na-order ko ay BIGMAC! ang pinakamalaking burger ng mcdo!
"ahhhhmmmm.... yup..." sagot ko habang tuliro pa din.
"ma'am ok lang po ba if you wait for 5 minutes?" the crew asked.
"jojie! pagkakataon mo na! palitan mo ang order mo! aanhin mo ang BIGMAC?! di mo sya mauubos!" bulong ni konsensya...but instead ang nasagot ko...
"ok lang.." arg! tanga!
nung nakaupo na'ko, iniisip ko... "pano ko sya uubusin?" hindi naman kasi ako malakas na kumain, before, oo... but i lost my hearty appetite a long long time ago, at ngayon hindi na ko makakain ng madami dahil hindi na talaga kakayanin ng tiyan ko. kaya di ako umuorder ng hindi ko kayang ubusin, besides mahirap ang buhay, BAWAL MAGAKSAYA! pero teka! bakit ko pa nga ba sya poproblemahin, e andiyan na e.. BAHALA NA SI BATMAN!
nilantakan ko na ang french fries habang hinihintay ko ang BIGMAC... when suddenly out of nowhere, nalungkot ako... darn! kaya nga nandito para kalimutan muna pansamantala ang lungkot... pero parang di nya ko tatantanan... im starting to feel really bad and the tears are starting to build up, nang finally dumating na si BIGMAC!
i still didn't feel so good, kaya tinitigan ko muna yung box na parang may kung ano akong sinusuri, pero ang totoo tulala lang ako. binuksan ko ang box at tinitigan ko ang BIGMAC na parang sinusumbong ko sa kanya ang lahat... bago pa ko tuluyang maiyak, feeling ko nagsalita BIGMAC at sinabi...
"everything will be alright."
huminga ako ng malalim and decided just to eat it...
first bite... second... third... sa bawat kagat feeling ko dun nabubuhos ang frustrations at depressions ko, ninamnam ko sya na parang dun ko mahahanap ang lunas sa kalungkutan ko... bago ko pa mamalayan, naubos ko na sya! oh my gah! naubos ko sya!
as if magic na after that i felt relieved... as in... kahit na medyo hindi ako makahinga dahil masakit ang tiyan ko, i didn't bother. it's like as if i also fed my soul... (andeep grabe)
ewan ko! siguro nga luka-luka na ko, gawan ko din ba ng drama ang BIGMAC?! at kung hindi pa, siguro malapit na! isipin ko ba namang nagsalita ang hamburger! maryosep! tsk! tsk! malala na talaga ako... but i guess i should thank that talking burger, for keeping my sanity still intact (intact pa nga ba?!)
kakaloka!!!!! wag naman sanang mapadalas ang punta ko sa MCDO, to seek the help of DR. BIGMAC
to wrap this all up! eto lang yan e...
"paparapapa... luv ko to..." (refering to BIGMAC)
yeah... whatever.
Yan ay nung mga panahong nagrerecuperate ako from a major heartbreak. Kadiri no? At tsaka nga pala... Payat pa'ko niyan at hindi parang patay gutom pag kumakain. :D
Hindi ako mahirap makasundo at wala pa naman akong nababalitaan na makita palang ako ay nagpuputukan na ang mga ugat sa batok. Keri lang. I can adapt to each of anyones personality, iginagalang ko ang aspetong yun ng pagiging tao.
Pero...
Dahil sa tao lang din naman ako, may mga bagay din namang nakakapagpakulo ng dugo ko. Pasensiyosa ako period. Pero may mga ugali at personalidad ng tao na I can't tolerate. It's not that I murder them or curse them to death, sila lang yung 100% na lalayuan ko at hindi ko iaapprove ang invites nila sa friendster o myspace.
Let me classify them:
1.  PERPETUAL WHINER
Hobby: Ang bwisitin ka sa walang katapusang drama ng buhay niya.
Hello........... You're not 'that' important para i-single out ng universe para pahirapan. Try mo kayang magka AIDS para justifiable naman ang walang patumagga mong reklamo sa buhay.
2. BITTERNESS GALORE
Hobby: Magbitiw ng maaanghang na komento hanggang sa magka-almuranas ka na sa sobrang inis.
Paborito ko ang ampalaya, lalo na yung guisado. Pero hindi ka naman pwedeng sahugan ng bawang, kamatis, sibuyas, baboy at itlog.
3. FREELOADERS
Hobby: Sumulpot pag may pera ka at maglaho pag wala ka na kahit pambili ng candy.
Bagay ka sa maduming mundo ng pulitika at showbiz.
4. SHOWBIZ TABLOID REPORTER WANNABE
Hobbies: Magkalat at mangalap ng mga walang kwentang tsismis.
Mind your own crap!
5. FC [Feeling Close]/EPALOIDS
Hobbies: Umepal, umepal, umepal... wait, did I say umepal?
Ipatapon ka kaya sa mars?!
6. SELF-RIGHTEOUS BEEATCH
Hobby: To bitch around to the maximum level.
Bitch slap gusto mo?!
7. UBER EGOCENTRIC
Hobby: Feed his/her ego.
Pakain mo kaya ang colossal ego mo sa mga nagugutom sa Africa, para naman pakinabangan.
Madami-dami din pala. Yan namang mga nabanggit ay to the extreme level lang naman. Kabahan ka na pag hindi ko in-accept ang invitation mo sa friendster at myspace, malamang isa ka sa mga nabanggit.
Habang nag-iisip ako ng mai-popost para sa araw na ito, naalala ko ang alaga naming aso, so I've decided to publish here my past entry from my previous blog. Medyo luma na 'to [posted: 7-28-05@friendster blog] sana hindi pa panis.
PING
Tribute ko ito sa alaga naming aso named PING... although hindi pa naman talaga sya tsugi (muntikan na), gusto ko lang gawan ng drama ang aso naming mahal.  Malay nyo may mapulot kayong aral na magpapabago ng mga buhay nyo... (whatever!)
Paano nga ba sya napunta sa amin? Kapalit sya ni KIMBOT, ang aso naming isang dekada na sa pamilya, na iniligaw namin. yeah i know that sounds so cruel... Iniligaw namin sya sa kadahilanang di namin sya kayang makitang mamatay (she's so old), iniyakan ko kaya yun! Kung ako lang ayaw ko but it was the right decision at that time... (naks! drama ito!!) For months wala kaming aso, and we are looking for another one. Yung tiyuhin ni Daddy, nag-offer na ibigay na lang sa amin yung isa nyang tuta... actually hindi na sya tuta, semi-aso na sya, malaki na sya nung dalahin sa bahay at hindi na kami ang nagbigay ng name. Umapela pa nga ako nun na baka pwede pang palitan, pero wiz! na daw dahil dun na sanay si semi-aso, so fine! PING na ang pangalan nya.  Lalaki sya pero feeling ko sya ay bading... dahil pag jumijingle sya ay nakaupo! hahaha kaya tinatawag ko syang PINGKI.  Malambing syang aso, although malambing din naman si KIMBOT, iba ang lambing ni PING, parang feeling ko nga minsan may pagka OA na! parang lagi ka nyang nami-miss... Friendly din sya masyado, lahat ng pumupunta sa bahay feeling nya ka-close nya, utang na loob!!! Sana lang hindi sa magnanakaw! Oh well, kumakahol pa naman sya sa gabi... Ang ayaw ko lang kay PING, nakulangan sya sa katalinuhan, as in isa syang ASONG SHUNGA! hahaha natatakot nga kami na makalabas sya ng bahay dahil parang di na sya makakauwi! Di bale na... nacompensate naman ng kalambingan nya ang katangahan nya.  Nung nabubuhay pa si Padir(sumalangit nawa...) mayroon silang love-hate relationship, kasi makulit din syang aso, sobra! hindi sya madaling disiplinahin dahil nga nakulangan sya ng brains...
Si PING at ako ay may "kulitan session" at "lambingan session".  Sya ang binubugbog ko pag galit ako (kaawa-awang nilalang... tsk!), kakulitan ko pag masaya ako, niyayakap ko pag malungkot ako... at himalang naibibigay nya sa akin ang comfort na hindi maibigay ng ibang taong malalapit sa akin, weird i know... Like what they are always saying "pet is a theraphy".  Kaya nga nung muntikan na syang matsugi dahil nga sa tanga! nakakain ng lason, ay talagang naloka ako sa lungkot at takot! iniiyakan ko na kagad nung time na feeling ko naghihingalo na sya, buti nalang mali si ATE GUY nung sabihin nyang WALANG HIMALA! dahil akala nya lang wala, pero MERON! MERON! MERON! [lol!]
Buhay pa si PING sa awa ng DIYOS NG MGA ASO... at talagang narelieve kami ng lumipas ang one week na hindi sya natsugi, dahil na din siguro naagapan namin ng asukal.
Ano nga ba ang saysay ng pinagsasabi kong ito at pati ang walang kamalay-malay na aso (parang si VAL?) e dinadamay ko pa sa kalokohan ko? E... wala lang... =) gusto ko lang i-share ang isa sa mahalagang nilalang sa buhay ko...
MORAL LESSON:  mag-alaga ng ASONG SHUNGA pero SWEET!!!
Frustrated writer ako, hindi lang halata no? [dahil walang potential] Iilan-ilang tao lang ang nakakaalam, na palagay ko ngayon ay madami na [salamat sa blog na ito], na gusto kong magsulat.
Late ko na narealize [hindi naman kahapon lang ha] na yun ang gusto kong gawin. Ang sagot sa matagal at paulit-ulit na itinatanong ng mga naging teacher ko nung araw, kung ano ang gusto ko 'maging' paglaki ko. Nagising na lang ako isang araw na gusto ko na siya. Hindi yung pagkagusto na parang gusto mo lang kumain ng mainit na pandesal sa hating gabi ha. Gusto ko siya, yung pagkagustong kagaya ng pagkagusto mo sa pagkakatimpla mo sa kape mo.
Sa totoo lang hindi ako handa. I mean, sa realization na yun kasi alam kong madadagdagan lang ang frustrations ko na sandamakmak na. Lalo na at late na [sa paniniwala ko ha] para i-equip ko ang utak at sarili ko para magawa ko ang gusto ko.
Kaya nga ako trying hard at nagpapaka-trying hard na blogger. Dito kahit papano natitighawan ang lust ko to write.
My friend once said:
Pag nagsulat ka kasi minsan, kulang sa puso...
Puso? Siguro nga... Ugali ko na yun e, to hold back. I'm afraid to trust, but then they say for you to be a good writer you must put your heart and soul in it. Being passionate is being an effective writer.
Hay...
Ewan ko. Andun ang passion, pero hindi ko alam kung kaya ko pa. Para sa kagaya kong binalahura ng kapalaran, natuto na lang akong mangarap lamang [nega?!].
Oh well... Sana kahit man lang dito sa pagba-blog ay maumpisahan ko kahit papano ang 'pangarap' ko.
Syet!! para kong singkwenta anyos na matrona na deprived sa sex! OO, GANUN ANG FEELING NUN!
Tatlong araw ng lumulutang ang kamalayan ko sa pag-iisip at depresyon, although hindi halata kasi personalidad ko ng maging lukring. Pag nagmukha akong matino malamang na isa iyong divine intervention.
Anyway highway, yun nga... Lungkot-lungkutan ang drama at this time, hindi dahil sa wala lang akong magawa kaya napagtripan kong malungkot. Wala na itong joke, malungkot talaga.
Lately kasi nag-aaway kami ni manong, sa kung ano ang issue ay hindi ko na ipapaliwanag, basta ang pagtitinginan naming walang maliw ay on the brink of collapsing. Inaayos naman namin, we try to compromise and work things out. Pero nasa stage pa din kami ng tinatawag na "turning point" [i.e. hiwalay kung hiwalay at tuloy kung tuloy].
Kagabi, habang nagmumuni marathon nag-forward ng message ang friend-ko-na-hindi-ko-friend-pero-feeling-namin-friends-kami  ng kowts:
"One rule in every relationship:  No matter how fed up and carried away you are in a fight, never, ever... suggest a breakup."
Aray!
Guilty ako dito. Ewan ko ba. Everytime kasi na nasasaktan ako laging gusto kong tumakbo at magtago [typical cancerian trait]. Maswerte pa din ako at hindi ako pinapatulan ni manong.
Love is still on the rocks, pero na-inspire ako sa forwarded kowt ng friend-ko-na-hindi-ko-friend-pero-feeling-namin-friends-kami. So... HANG ON BABY ang tema ng di-kakulayan kong love life.
Para sa mga curious kung anong city ang aking image header [bannner para sa iba], e yan po ay skyscraper ng NEW YORK.
Pangarap ko kasi ang makarating ng New York, experience the life in the city that never sleeps. Before gusto ko muna puntahan ang Mexico, but I decided na unahin ko muna ang New York.
Mahilig ako sa night skyscrapers, i mean aliw talaga ko kahit hindi talaga ako city girl at hindi ko rin siguro makakasanayan ang mabuhay sa pusod ng siyudad. Gusto ko lang ma-experience, a glimpse of heaven on the patch of earth ika nga nila.
Kung pwede nga lang gawing Quiapo ang New York, siguro halos araw-araw, every after office hours nag-fly fly ako papuntang New York. :))
Oh well... Libre naman ang mangarap.
This blog is still under construction, pero siyempre kailangan chumika dahil birthday ko kahapon. :)
I just turned 27 yesterday, pero feeling ko naman hindi ako tumanda what's in an age anyway, numero lang yun, ang importante kung paano nagpapakatao sa balat ni mother earth. It's all about growing up not growing old.
Enough sa pa-deep na eksena, ispluk ko siyempre ang mga kaganapan kahapon. After, I guess couple of years of not celebrating my birthday ay heto nagkaroon ng konting salo-salo sa bahay courtesy of my sister and her bezy. Masya, pero medyo nahihiya ako kasi hindi ako sanay na may maghanda para sa'kin. Masarap ang food, sayang nga at hindi ko man lang napicturan.
Madaming nakaalala ngayong taong ito and definitely na-touch ako. First birhtday ko din dito sa office at naooverwhelm naman ako sa well wishers. :) As I've said before I am a birthday person, so I will surely cherish this years birthday of mine.
Siyempre, I wouldn't be this overwhelmed kundi din dahil sa isang tao na nagpasaya sa'kin, although all I'm asking is his presence [real presence], I really appreciated 'that' little thing he did for me [sa'min na lang yun :p]. 'That' little thing made my birthday.
O siya.. siya.. sisimulan ko na ang pasasalamat sana makarating ito sa inyo.
Mudra:  sa pagluluwal sa'kin sa mundong ito, 27years... It's not smooth, but I know you loved us wholeheartedly, and I love you too.
2Gremlins:  one of the two most annoyingly charming people in my life, hahaha! love ko kayo sobra...
Joi:  you made my birthday this year eventful. I love you.
Ailene:  the best cook in town next to me of course hahaha! thanks!
Mengay: for the friendship, love and care, isa ka sa sa candidate kong person of the year. :)
Ala:  sarap ng Coffee Crumble! thank you.
Ms. A:  di makukumpleto ang birthday ceremony kung hindi dahil sa cake mo, at pag natupad ang wish ko... utang ko yun sayo. hahaha! thank you.
O'Beng:  nagfeeling childrens party dahil sa mga chikiting mo. hehehe.. thank you.[sama na kina analou, kathleen at Coleene]
Irene: alam ko miss mo na bonding moments natin, miss ko na din yun. :)
Meann:  ikaw ang unang bumati sa'kin, pramis, walang istir.. thank you, miss na kita.
Mia:  thank you not only for the greetings but also for the friendship.
Che:  situations between our families are rough, but I am happy that we never let it affect us in some ways. mishu che.
Co Rushers [jen and oscar]: diko alam kung matatawag pa kong rusher pero maraming maraming salama. [sama na din kina chix n' delle]
Production Office [including some supervisors]:  salamat naman at nasarapa kayo sa pansit hehehe...
Hindi ko alam kung may nakaligtaan ako sa listahan na yan pero kung meron man, pinasasalamatan ko kayo sa kaibuturan ng aking puso [naks!] .  Pero siyempre ang huling dalawa pa na papasalamatan ko :
BOSING ABOVE: my creator... He's been so good to me na nakakahiya na magreklamo pa, I've been blessed... :) But what I like to thank most of all is all the lessons He impart in me at sa mga lessons na tinuturo pa din niya ngayon at sa mga lessons pa na ituturo niya.
Manong ng buhay ko: THANK YOU. I couldn't find the right words, just thank you... for loving me. Sana malapit na matupad yung mga pangarap natin. I'm proud to say that I love you.
Yun na! So pano? Until next years birthday chikas. :)
Life's been hectic these past few days, bukod pa sa navirusan ang computer ko pasaway na mga virus ang kukulit.  Ok na naman siya sa awa ng Diyos.
I'd been very observant nitong mga nakaraang pangyayari and i did come up with the idea that A LOT has changed.  As in. Super. Naloka ako sa ilan. Nalungkot ako sa iba. Naalarma naman ako sa ilan.
I do believe, [pang miss universe ang drama?!] that the only constant thing in life is change, at in fairness damang-dama ko siya ngayon.
Were moving to another house, that's for me is major, pero excited naman ako I couldn't wait na pagandahin yung bahay.  Mamimiss ko yung dati pero ganun talaga, kailangan mag-move on kami din naman ang magbebenefit sa paglipat namin kasi ang resulta nun pagluwag konti sa finances namin.
Nagtatanggal na'ko ng bangs. almost two years ko din siya minaintain ha. Hindi pa nagsusulputan ang mga sandamakmak na nakabangs e nakabangs nako so it's about time na tanggalin ko na siya kasi napapansin ko na kahit tindera sa bakery ay naka-bangs na ngayon.
In terms of lovelife [this is good], were starting to get serious of planning for the FUTURE.  Building a family, excited na'ko I can't wait to be Mrs.R someday. I just hope that it is sooner than we planned it to make it happen.
After more or less two years, si sister natuto na ulit gumarutay. Masaya kasi alam kong nag-start na siya to really move on.  Pero alam ko hindi pa siya lubos na nag-heheal after such a traumatic break-up it's a positive start that she's starting to feel again. Pero ayoko muna isipin na it's something serious kagaya ng iniisip ng iba, kilala ko si sister at ayaw ko siya ipressure, specially nagka-issue siya sa BFF niya. Threaten sa changes na maaring mangyari sa fiendship nila.
I'm being optimistic day by day by day. Aba! major change din ito. Trulili! After a major heartaches, family issues trauma, lost of a loved one [my dad], financial downfall, career/job problems, eto ako... nagsisimula ng maging positive ang tingin sa life.
Yung mga inenimerate ko e yung major changes lang na napansin ko pwera na yung maliliit na nagay na alam ko namang hindi ninyo paguukulan ng interes. Keri na yun. Oh well... as far as I'm concern magaganda pa din naman ang pagbabagong yan as long as we know sa tayo nanggaling after every change. It's a must to trackback why there is a change and why do we need a change, just to put us in the right perspective. Ayt?
ilang araw ko ng napupuna na napaka-inconsistent ko, totoo walang istir, seryosohan.
isa pa naman yun sa ini-establish ko sa buhay ko, ang consistency feeling ko everything falls into place once you've been consistent sa lahat ng aspeto ng buhay mo. pag consistent ka [wag lang sa pagiging tanga ha] yung mindset mo sa mga dapat mong gawin at puntahan buo.
heto ako ngayon tralala, actually hindi naman talaga big deal ang mga issues ko sa buhay, kumbaga magawan ko lang drama ang dull kong life dito sa ibabaw ni mother earth, parang feeling ko lang gawing tragic para maisapelikula, oh anyway balik sa consistency...
umpisahan ko sa blog na ito ha, mula sa very first entry napaka-inconsistent na mula sa skin, font, at topics. feeling ko hindi ako makakakilala ng avid readers. how sad. gusto ko pa naman dumami ang circle of ka-blogs ko.
pangalawa sa work, feeling ko nawawalan na'ko ng gana. dati ipinangako ko na i-eenjoy ko siya pero gusto ko pa din naman i-enjoy e, pero minsan nabobore ako, pero like ko talaga siyang maenjoy, o diba napaka-inconsistent?!
sunod sa friendship, dito sobra ako talagang inconsistent aminado ako dun. madami na akong friends na hindi nakukumusta, hindi nadadalaw. kukumustahin ko sila once pero hindi nagkakaron ng consistency sa communication. hay. miss ko pa naman sila. i miss those days na feeling ko bahagi ako ng friendship. i promised na irerehabilitate ko yun pero hindi ko naman magawa. i really suck.
naiinis ako sa sarili ko. as in... parang wala akong nagagawang tama. pati sa pagba-budget ng pera sablay pa din!
kailangan masolusyunan ko ito as soon as possible. hindi pwedeng ganito na lang. kailangan lang siguro ng matinding will power and perseverance. aja!
buti na lang may isang consistent pa sa buhay ko, ang loveydubs ko. consistent sa pagtibok ang puso ko *kilig*, kahit mahirap, kahit malayo siya, consistent yung love [o diba ang taray!]. tama na yun para kahit papano magawa ang mga dapat kong gawin, itama ang mga dapat kong itama, at gawing consistent ang mga inconsistent sa buhay ko.
It was a long weekend, pero saya naman. All is well that ends well sa’min ni SO. Happy face na ulit ang drama ng beauty ko.
Nung Sunday naman nagliwaliw ako sa mall, kinailangan ko kasi bumuli ng bagong shoes, medyo naghihingalo na kasi ang sapatos kong luma.
Flat na open toe ang nabili ko, so far... masaya naman ako kahit medyo masakit sa bukong-bukong keri na kasi cute naman siya sa hindi ko kagandahang paa.
Hindi ko lang kinakaya ang mga eksena ditto sa office. Ngarag ang mga eksena at ang theme for the day topak galore. Kakaloka talaga, kami ang gawing outlet sa mga hinaing nila sa buhay, pero keri pa din kiber na lng baka kasi pag kinunsumi ko ang sarili ko maging kamukha ko ang mga chakang mga dragon ditto sa office.
"Good things comes for those who wait."
-charlotte
Charlotte's Web
Patience I guess is my greatest virtue. Kung sa pahabaan lang ng pasensiya siguro pwede akong isali sa contest. Keri ko i-control ang inis, inip at galit.
Although I must admit na may mga krung-krung moments din ako lalo na pag nag-PMS ako, mas mahirap kaya i-control ang raging hormones kaysa nagaalburutong boss.
I've been through a lot of bad weathers and I must say that my patience was what make my sanity still intact.
Pero ngayon, mukhang sinusubukan ang pasensiya ko.
~Office
I have high tolerance on people who loves to bitch around, pero hindi ang hypocrisy. Nagkalat yun dito, all around the corners.
~Life
I know that life is unfair, but I can’t understand why on some strange ways it’ll push you to your limits. Dapa ka na, aapakan ka pa.
~Love
You will learn to love, then learn to cherish, then learn to trust, and then learn to get scared. Love does make you walk in the edge, but you still love…
~Politics
One word, SOS.
~Friends
Magrereklamo pag nawawala ka, magrereklamo pag hindi ka mahagilap, magrereklamo pag hindi mo napagbigyan, e paano pag sila ang nawala, hindi mo mahagilap at hindi mo mapagbigyan? *held my hands high up*
O diba… hindi ko alam kung kaya ko pa maging proud sa ipinagmamalaki ko ‘patience is a virtue’ na mantra.
But then…
Patience is really is a virtue.
Parang mga hinahabol ng kabayo ang mga tao dito sa office!
May audit kasi bukas ang isang customer namin kaya heto were practising the art of procrastination. Full-blooded pinoy talaga, kung kailan may time saka hindi ginagawa ang mga dapat gawin, hobby gawing haggard ang mga sarili pag padating na ang deadlines.
Parang life [talagang may maisingit lang na makabuluhan] kung kailan matsutsugi na saka naman gagawa ng kabutihan galore. Ampangit diba?
E hindi naman sa nagmamalinis ako, kasi guilty din naman ako sa cramming at procrastination, pero nakakainis pala ang mga ganitong eksena. Oh well, dito ko lang naman kayang magreklamo hindi ko pa kayang mawalan ng trabaho.
Three months pa lang ako dito sa company na pinapasukan ko so far nae-enjoy ko naman . Keri naman, problema lang talaga dito ang pagpapanggap na may sistema pero wala naman talaga. May boss na may extra-curicular activities at may boss na mahadera atmay feeling boss.
Pero keri pa din. Sana huwag dumating yung point na hindi ko na siya naeenjoy. Mahirap maghanap ng trabaho. So... Keri.
A common topic for the common people.
People nowadays are using obscenities to convey wrath, exclamation, or a mere expression. They are bored with themselves that they speak of it.
Filipinos usually use the P- word, the Tagalog form of son of a bitch. But nowadays, they use words that sound like it for laughter.
Ex.
Putong Inamoy
Pusang Inamoy
Put Tang in a Glass
Tanging Ina (Mo)
(Ang) Cute ng Ina Mo
and others...
The original meaning of the term was restricted to blasphemy, sacrilege or saying the Lord's name in vain. Profanity represented a secular indifference to religion or religious figures, while blasphemy was a more offensive attack on religion and religious figures, and is known to be sinful. However, the term has been extended to include expressions with scatological, sexist, derogatory, racist, or sexual themes.
Source: Wikipedia
Could have cared less. I just can't think of a good topic. :mrgreen: