mo·nop·o·ly
Pronunciation:
\mə-ˈnä-p(ə-)lē\
Function:
noun
Inflected Form(s):
plural mo·nop·o·lies
Etymology:
Latin monopolium, from Greek monopōlion, from mon- + pōlein to sell
Date:
1534
1 : exclusive ownership through legal privilege, command of supply, or concerted action  2 : exclusive possession or control  3 : a commodity controlled by one party  4 : one that has a monopoly
bagaman animo napaka simple at linaw ng MEANING ng MONOPOLYO, ang epekto nito'y pang kalahatan.
eg:... ang monopolyo sa langis
bagaman may sinasabing LEGAL BASIS, subali't sabi nga ng mga makata'y -"NAKAPIRING ANG MATA BATAS"...  madaling magpaka-artista't sabihing di ko nkita (sa totoo'y ayaw lng).. ang mapanglamang, makasariling pagnanasa sa angking kapangyarihan...
lalo pa ngayo't di p rin nawawala ang "utang na loob"... at ang hayagang REDTAPE system na animo REDCARPET na dinadaanan ng halos lahat ng nasa kapangyarihan- hayag man o hindi...
MONOPOLYO - isang kalagayang may taglay na kapangyarihang magtakda ng alituntunin sa isang tanging pag-aari-
maari kong itaas ang halaga ng aking produkto ayun sa mga batayang may epekto s produksyon nito... eg: raw materials. transportation, wages, machineries, operation expenses...  etc...
... kung ating babasahin ang lahat ng kaganapan, animo ATOMIC BOMB na sumabog ang epekto ng monopolyo... unti-unting pagtaas ng halaga ng mga pangunahing bilihin...
BIGAS, GASOLINA, KURYENTE, TUBIG, PAMASAHE, .. SWELDO(?)..mga PRODUKTO..  RAW MATERIALS...  at animo cycle n nghahahmunan sa isa't isa kung sino ang makapagdudulot ng matinding pinsala sa atin...
hayyzz... hanggan kailan .. lalanghapin ang maanghang na usok ng kamandag ng monopolyong ito, hanggang kailan papasanin ng masa ang gahiganteng pabigat na itong pilit pinapapasan s ating balikat?....
o baka nman dapat na nating turuan ang ating sariling tanggapin ang katotohanang ito .. at tayo'y manatiling tau-tauhan sa loob ng puspuro - maging robot sa knilang palad....
kailangan na bang ibigwas ang ating kamao upang hawiin ang masukal na hinaharap???....kailangan n b???...
Kung dati ang bigas ay napaka-mura, at kayang bilin ng tao. Ngayon ay para na rin itong ginto sa taas ng presyo. Dahil sa pinapalabas na rice shortage umano ng gobyerno. Rice Shortage ba talaga o panakip-butas lamang sa ZTE Deal?
Hay nako! Kahit naman anong gawin nating pag-iisip, kapag hindi gusto ng nakataas tatakpan kapag gusto mas lalong ipagmamalaki.
"Kawawang Pilipino," yan ang laging nasasabi ng aking mga magulang sa tuwing nakikita nila ang mga taong nakapila sa NFA Rice. Dito kasi sa lugar namin isang beses sa isang linggo ang punta ng trak ng NFA. Sa trak na yon ay may mga NFA Rice na binebenta ng P18.50 o paminsan P2x.xx.
Sa tuwing dadating yung trak ng NFA, ay parang may dumadating na artista sa aming lugar. Papapilahin ang mga tao sa amin at sasabihan na hanggang limang kilo lamang ang kanilang mabibili. Naku po! 'Eh pano yung kung sa NFA Rice lang sila umaasa? Balik sa kwento ko, kapag nandiyan na ang trak ay parang pila na sa WOWOWEE ang pila sa likod ng trak. Kapag minalas-malas ka pa ay mauubusan ka pa ng bigas.
KAWAWANG PILIPINO!
-Brent.
by Crispin Aguelo (PAKISAMA President, inilahad noong Rice Forum)
Magandang hapon po mga kasama. Ang paksa pong naatang sa akin ay ang kahalagahan ng repormang panakahan sa pagkakaroon ng pagsisiguro ng sapat ng bigas sa loob ng ating bansa. May tatlo po tayong pananaw sa pagtalakay ng paksang ito. Una, nasa pagsusuri ang solusyon. Ikalawa, nasa krisis ang oportunidad. At ikatlo, nasa sambayanan ang kapangyarihan.
Nasa Pagsusuri ang Solusyon
Naniniwala po tayong ang krisis sa bigas ay krisis sa tatlong larangan. Una sa supply, ikalawa, sa presyo, at ikatlo, sa pamamahala. Dito tayo sa pangatlo magtutuon ng pag-uusap. Hayaan po ninyong humalaw tayo ng aral at pagmumuni sa naging karanasan ng mga Sumilao Farmers.
Marami nang nababasa sa peryodiko, natalakay sa radyo, at napag-usapan sa telebisyon. May konklusyon na tayong nabubuo. May seryoso tayong problema sa supply ng bigas at sa presyo nito. Kung hindi, wala sana tayong mahahabang pila ngayon sa NFA distribution centers makabili lang ng mas murang bigas. Para sa problema ng supply, ang solusyon ng pamahalaan sa kagyat ay tiyaking may maangkat ng bigas at taasan ang farm-gate price para ma-engganyong magtanim ang mga magsasaka ng palay. At mukhang magtatagumpay sila rito. Parating na ang bigas mula sa Vietnam at posibleng magtanim ng palay ang maraming magsasaka sa darating na tag-ulan dahil ka-engga-engganyo ang presyong Php17 bawat kilo ng palay kaysa Php9 bago ang krisis. Ang solusyon sa presyo ay ang subsidyo sa pamamagitan ng National Food Authortiy (NFA) at pagbenta ng bigas sa halagang Php18 sa paglalabas ng mga access cards para matiyak na pupunta sa mahihirap ang mas murang bigas.
Nakikita rin ng pamahalaan ang problema sa mga kasalukuyang batas at programa sa agrikultura. Nag-moratorium na ang DAR sa pagproseso ng lang conversion application at mukhang seryoso ang Senadong itigil din muna ang implementaiton ng Biofuels Act. May 43 bilyong pondong nilaan ang pamahalaan para sa pagbubuhay ng mga nasirang pasilidad sa irigasyon at iba pang programa upang maging self-sufficient ang bansa sa bigas.
Ngunit ang malinaw na nakakaligtaan at hindi napapag-usapan ay ang kahalagahan ng mabilisang implementasyon ng pamamahagi ng lupa sa magsasaka sa pagtitiyak ng pagkain lalo na ng bigas para sa mamamayang Pilipino.
Sa tantiya po namin wala dapat ang krisis sa bigas o pagkain. Sa totoo lang maaari rin sana tayong mag-export ng bigas tulad ng Vietnam at Tsina kung mabilisang napatupad ng pamahalaan ang reporma sa panakahan!
Noong sinabayan po natin sa paglalakad ang Sumilao Farmers, halos lahat sila ay mga manggagawang bukid, marami sa kanila ang nagsasabi na ang dahilan sa kanilang paglalakad ay upang may matiyak na pagkain para sa kanilang mga pamilya at nang makakain sila ng regular! Sa pananaw nila, ang pagkakaroon ng lupa ang magbibigay katiyakan ng pagkain sa kani-kanilang pamilya!
Mahalagang alalahaning ang tiyak na nagugutom at lalong magugutom sa kanayunan ay ang mga milyun-milyong mga manggagawang bukid sa mga sakahan ng asukal, pinya, niyugan, maisan, at palayan. Sila yaong may pinakamababang sahod at hindi nakakasali sa anumang pagtaas ng sahod ng mga formal labor lalo na't halos lahat sila ay hindi kasapi ng mga unyon. Di katulad ng mga nag-oopisina, sila ay malalakas kumain ng bigas dahil sa pangangailangan ng ibayong lakas sa pag-aararo, o pagtatanim, paggagamas o paglulukad, o pag-aani. At halos lahat sila ay bumibili ng bigas o mais!
Nitong nagdaang 13 taon, biktima ng land conversion, hindi napatupad ang repormang panakahan sa 144 ektaryang lupain ng Sumilao na may irigasyon. Umabot ng 22,464 tonelada ng palay ang ipinagkait ng pamahalaan sa pakikipagsabwatan sa mga Korporasyon nina Quisumbing at Danding. Hindi sana nagutom ang pamilya ng 137 Sumilao farmers at napakain ang 1,152 pang pamilya sa kanilang bayan nitong nagdaang 13 taon.
Ayon sa DAR, may 1.9 milyong ektarya ng lupa ang kailangan pang ipamahagi. Dapat tapos na sanang napamhagi ito sa taong 1998 kung ginawa ng pamahalaang Arroyo ang kaniyang trabaho. Sa lawak na ito, kayang buhayin at siguruhin ang pagkain ng mahigit isang milyong pamilyang nagugutom na manggagawang bukid at 8 milyong pamilyang Pilipino o mahigit kalahati ng populasyon ng buong bansa.
Hindi katulad ng mga kasalukuyang korporasyon o mga malalaking panginoong maylupa na inuuna ang pagtatanim ng mga pagkaing pang-export tulad ng pinya at saging o kaya naman ang pagtatanim ng jathropa at tubo para gawing biofuel, pangunahing pagkain tulad ng palay o mais o kamote ang unang itinatanim ng mga magsasakang nagkakaroon ng lupa dahil sa repormang panakahan.
Nasa Krisis ang Oportunidad
Tulad ng mayayaman at makapangyarihan sa ating lipunan na lalong yumaman at nagkaroon ng kapangyarihan dahil sa sari-saring krisis sa bansang Pilipino, mahalaga sigurong isipin din natin ang mga oportunidad sa kasalukuyang krisis.
Ito ang panahon na maaring makuha ng ating mga batayang sektor ang ilan sa ating mga kahilingan. Para sa mga magsasaka, posibleng isulong nang husto ang pagpapalabas ng Land Use Act, CARP extension with reforms bill, Idle land tax, at pagsisibak ng mga kawaning hindi naakma sa kanilang trabaho.
Habang nasa survival mode ang pamahalaang Arroyo at mistulang nagpapanik sa parami nang paraming taong pumipila sa NFA distribution centers at nababalita ang mga riot sa iba't ibang bansa at pagpapatalsik sa Prime Minister ng Haiti, oportunidad ito sa kilusang masa. Maari nating kilusan ang isyu ng supply at presyo ng bigas. Ngunit mahalaga sa pagkilos sa mga isyung ito, lalo nating namumulat ang sambayanan sa pangunahing krisis ng pamamahala ng ating bansa.
Muli, nais naming balikan ang naging karanasan ng Sumilao Farmers. Nakatulong ang krisis sa pamamahala ni Ginang Arroyo sa pagkakaroon nila ngayon ng lupa. Sa tanitiya namin, ang anim na buwang pagkilos at suportang pinakita ng iba't ibang sektor lalo na ng mga kilusang magsasaka, NGOs, ekuwela, media, at Simbahan, at lalo na silang mga hindi laging nakikita sa lansangan, ang Lozada expose, at ang Jericho march ay nagtulung-tulong upang mapilitan ang pamahalaang kumbinsihin ang SMC na magbigay ng 50 ektarya sa loob ng pinaglalabang 144 ektarya at 94 ektara sa labas at kalapit nito. Posible pang may makuhang kahilingan sa panahong ito ng krisis. Siyempre mas masaya tayong lahat kung dahil sa krisis na ito mapanagot natin ang pamahalaang Arroyo sa mga kasalanan nito sa Sambayanan, kasama na rito ang pagwawaglit sa prayoridad sa implementasyon ng repormang panakahan.
Nasa Sambayanan ang Kapangyarihan
Ito po ang huling punto natin. At ang puntong ito ay ang hamon sa ating mga kilusang batayang sektor. Pundamental ang repormang panakahan sa pagsisiguro ng pagkain para sa ating mamamayan lalo na ng mahihirap. Mahalagang makita natin ang iba't ibang oportunidad sa kasalukuyang krisis upang maisulong ang ating mga adhikain. Ngunit nais lang po nating bigyan ng diin ang kahalagahan ng pangunguna ng mga batayang sektor sa disiplinado at organisadong pagkilos ng Sambayanan tungo sa pagbabago.
Ang suportang nakuha ng mga Sumilao Farmers ay nakabatay sa pinamalas nilang determinasyon at ispiritu ng pagsasakripisyo sa pagpapaabot sa sambayanan ng katotohanan ng kanilang sitwasyon at ng kanilang katunggaling korporasyon at pamahalaan. Sa disiplinado at organisadong paglalakad ng 55 magsasaka ng 1700 kilometro sa loob ng dalawang buwan ay nakumbinsi nila ang publiko at iba't ibang institusyong kinatatakutan ng kanilang mga katunggali.
Kahapon, nagpulong po ang iba't ibang lider sa kilusang magsasaka. Naghahanda po tayo ng isang malawakang pagkilos. Isusulong po natin ang mabilisang pagpapatupad ng repormang agraryo bilang isa sa pangunahin at pangmatagalang solusyon sa kasalukuyang krisis ng supply at presyo ng bigas. Ngunit nais natin sa ating sama-samang pagkilos, mas malutas natin ang krisis sa pamamahala lalo na sa pamahalaang pambansa. Mahalagang may mga bagong lider at bagong batas na magbibigay ng pagkakataong magkaroon ng kapangyarihan ang mamamayan. At gagawin po natin ito sa disiplinado at organisadong paraan tulad ng ginawa ng mga kapatid nating Sumilao Farmers. Sama-sama po tayo tungo sa tunay na pagbabago.
Maraming salamat po.
An Australian Football League player recently made headlines after landing a heavy left hook on an opponent few days ago. Here's the a news video grab about that:
<object width='425' height='350'><param name='movie' value='http://www.youtube.com/v/eLTPCVv-zuw'></param><param name='wmode' value='transparent'></param><embed src='http://www.youtube.com/v/eLTPCVv-zuw&rel=0' type='application/x-shockwave-flash' wmode='transparent' width='425' height='350'></embed></object>
He admitted that his action was inexcusable and said that his 'brain snapped.' Later media reports claimed that his break-up with his girlfriend might have triggered his 'snapping episode.' The 'brain snap' reason was apparently picked-up by some Aussies that one motorcycle hoon who clocked 150 km/h in a 100 km/h freeway actually gave police officers that reason for his action.
One news that everybody's brain might snap legitimately, I suppose, is the news on the impending worldwide food crisis. Australia has the highest food prices in developed countries but while a food riot is still remote, one country that a food riot is feared (or is it just rumor mongerers??) is back home--in the Philippines. However, despite the high rice and bread prices people still find reasons to smile and avoid their brains snapping. :)
Kamakailan lang ay pumutok ang balitang magkukulang di umano ang supply ng bigas! Siyet parang reporter! Bad trip noh?! Ang taas na nga ng bilihin dahil sa pesteng gasolina, petrolyo atbp. sasabay pa ang pagtaas ng presyo ng bigas!
Ano?! Hu-what?! Kulang ba supply ng bigas?! Tama ba ito?! Kulang ang supply ng bigas sa isang bansang ikinabubuhay ang agrikultura na halos lahat ng mamamayan sa lalawigan ay magsasaka?! KULANG! Extra rice! Pano na lang ang extra rice ko?! Tsaka bakit ganon ano ba talaga ang problema?! San ba talaga nagkukulang ng supply? Sa NFA rice o sa commercial rice?! Oo nga naman, ang commercial rice ine-export natin at yung NFA rice na barag-barag at bigas palang eh mukha nang hindi na makain ang binebenta at pinapakain sa atin! PILIT na ipinapakain sa atin! Hindi sa nagmamalaki ako pero hindi ako kumakain ng NFA rice! Sa isang taong tulad ko na mulat sa pagkain ng bigas, kanin pala (hindi ako kumakain ng hilaw) umagahan, tangahalian at hapunan, kahit miryenda, ang maubusan o magkulang sa kanin ay isang malaking problema! At ang pagkukulang at pagtataas ng presyo ng bigas ay isang malaking problema talaga! SIyet!
Ipinagtataka ko lang ay bakit magkukulang ang supply natin sa mga buwang Hunyo at Hulyo tulad ng sabi ni (Sec.) Yap, eh anihan na kaya ng palay sa mga buwang yun! El Niño?! Eh, nasan na yung proyekto ni PGMA na patubig?! Kinain nyo na o nasa bulsa pa ninyo?! Tsaka, bakit ganun?! Stapple food ang kanin tapos nag-e-export tayo! Oo, nga naman, mas malaki kita dun pero sa laki ng demand ng bigas sa Pinas kuha mo rin ang kitang ganyan!
Kasi naman eh, masyadong sinensationalize ang issue tungkol sa bigas!  Pag ganyang mga issue pa naman gagawin ng mga tao ang lahat kumita lang ng malaki, makapandaya lang!
Sa mga nagtatago ng bigas! Sana pagtaguan kayo ng bigas! Bahala kayong makipag-hide and seek sa bigas!  Ampapanget niyo!
Sabi nga ni Pareng Arthur (Yap) walang shortage sa bigas at wag na kayong mag-panic buying dahil sobra-sobra ang supply natin, sa Pinas pa?! Lahat tayo dito kumakain ng bigas, gagawa at gagawa ng paraan ang mga kapatid nating magsasaka may maihain lang tayong kanin sa ating hapag! Yun, yun!
Nung isang gabing pauwi ako, ocho pesos ang binigay kong bayad sa manong drayber. Lumipas ang ilang minuto at di niya ako binigyan ng sukli. Hinintay kong suklian niya ako. Tas may nagbayad ng bente para sa dalawa, at sinuklian kagad ni manong drayber. So nagsalita na ako, "Manong 'yung sukli nung ocho." Medyo may kalakasan kasi nakaupo ako sa may estribo kaya dulo sa dulo ang linya ng komunikasyon. NR lang siya. Nagsalita ulit ako. Siguro naka-tatlong sabi ako. Di siya nag-reply kahit kelan. Tas at last nagsukli siya-piso. Sinuklian niya ako ng piso.
Ayokong-ayokong nagbabayad sa dyip ng ocho pesos. Hangga't maari sana saktong seven-fifty, o kung 'di ay buong sampung pisong barya, o 'di kaya bente. Ilang beses ko na talagang nararanasan na hindi nagsusukli ang mga dyipni drayber kapag nagbabayad ako ng ocho pesos. Para bagang akala nila, isa akong haciendero na minamata't pinagtatawanan na lang ang eksistensiya ng singkuwenta sentimos at ginagawan nila ako ng pabor at inaalala lang ang aking kapakanan sa di pagpapabigat sa kartamoneda ko na maaring magpalaylay sa puwitan ng aking pantalon kapag kinargahan ng barya. Pero 'di ba baga't kung ang inyong abang likod ay isang mapalad na haciendero, pipiliin pa ba niyang sumakay sa isang sasakyang pampubliko? At higit sa lahat, kung ako'y isang mayaman na may-ari ng malalawak na pastulan, bakit ako mayroong ocho pesos?
Bakit ba ang hirap-hirap magsukli ng mga drayber ng mga pampublikong sasakyan? Mapa-dyip o taxi, parehong nang-iismid pag dating sa suklian ng barya. Hinighlight ko ang karanasan ko sa dyip dahil bihira na ako sumakay ng taxi ngayon, pero alam naman nating lahat ang asal ng mga taxi drayber sa pagsusukli ng barya, o 'di pagsusukli ng barya for that matter.
Nakakainis lang makaenkuwentro ang mga ganitong pangyayari lalo na sa mga panahong ngayon na ang daming nagsusulputang krisis na kung anoano. Sa bahay, ilang beses ko na narinig magreklamo si nanay tungkol sa pagtaas ng presyo ng mga pamilihin sa palengke, lalo na ang bigas at karne.
Kaya dapat talaga matuto na tayong pahalagahan ang kahalagahan ng pera. Madalas kong marinig ang quotation na "Money is the root of all evil." Actually, inaccurate ang quotation na ito, na hango pa man din sa Bibliya. Ang tamang quotation, nasusulat sa  1 Timothy 6:10 ng Bible, ay "For the love of money is the root of all evil." At actually, magkaiba pa yung translation, dahil sa New International Version, ang nasusulat ay hindi "the root," tulad ng sa King James Translation, kundi "a root of all evil." Isang malaking distinction yun kung tutuusin.
Kaya dapat na talaga natin ngayon pag-isipan ang pera. Pagtuunan ito ng pansin, pahalagahan ang bawat sentimo, at mag-impok. Di naman kailangang maging miserable ang inyong pamumuhay at mag-damit basahan at kumain ng dahon, sapat ng yung i-budget at maglaan ng tama at mamuhay ng sapat.
Ayon kay Don, na isang tagos sa butong advocate ng pagtitipid, nabasa raw niya kay Colayco na mahina raw ang kultura ng pagtitipid. True. Sabi ng ilan "We are a third world country pretending to be first." Medyo true.
Magtipid, ikaw nga ni Don, Colayco, at ng nanay ko.
Bakit ba may krisis, o napipintong krisis sa bigas?
Sa domestic level, pinapakita lang nito na olats talaga ang ating gobyerno. Wala silang naimplementang maayos na programa ng irigasyon at land distribution among other things. Malupit pa, dinispalko ang perang nakalaan para sa fertilizer sa mga magsasaka at ginamit sa kung saan-saan, eleksiyon daw sabi eh.
Pero sa pandaigdigang kalakalan, salasalabat ang dahilan. Isa na dito ang paglilimita ng dating mga net exporter ng bigas, tulad ng Tsina, Vietnam at India ng page-export ng kanilang bigas at ilang produkto pang-agrikulutra dahilan sa paglobo ng kanilang populasyon na sumasabay sa pagunlad ng kanilang middle class. Isa pang malaking dahilan ay ang tumataas na demand sa biofuels dahilan ng climate change issue na nagtutulak sa ilang na i-convert ang kanilang lupain na pinapatubuan ng bigas etc sa mais soybeans etc.  Lalo pang nakakaakit gawin to dahil marami ng gobyerno, tulad ng US, ang nagbibigay ng malalaking subsidy sa production ng biofuels. In short, bumaba talaga ang supply ng bigasa sa pandaigdigang merkado.
Isama pa dito ang pagtaas ng presyo ng langis, at ang kumakalat na credit crisis ng Amerika at talagang may panganib na nag-aamba lalo na sa mga marurupok na bansa, tulad ng Pilipinas.
Di nga ba't nakakapagtaka na isa sa malaking assurances ng administrasyon na walang magaganap na krisis sa bigas ay isang pangako ng pagsupply ng bigas mula sa Vietnam, isang bansang sinalanta sa loob ng halos dalawang dekada ng matinding giyera, isang giyera kung saan dinefoliate ng America ang malalaking bahagi ng lupa ng Vietnam sa page-Agent Orange nito among other methods, isang giyerang nangyari lamang nung '60 gang kalagitnaan ng '70s.
On another note, isa na akong disipilo ni Joboy sa panonood ng Jdorama. Salamat Jobs.
Ok. Yun lang muna. Magra-Ramen muna 'ko.
Magandang araw sa inyong lahat. Maganda nga ba ang araw niyo o hindi? Kung hindi, aba magpaganda ka. Hindi mo ba alam na darating mula sa Saudi si Mister ngayon? Oo, ipapakilala na niya yung mapapang-asawa niyang Arabo na amoy langis. Hay naku, kung imbiyerna ka dun sa girl na yun, subukan mo kaya siyang liyaban. Aapoy siguro yun. Hehe.
Siya nga pala mga tita, narito tayo sa ating programang “Problema Mo, Problema Ko Rin”. Grabe naman mga giliw na nakikinig, ang dami niyo nang problema sa life! Sa susunod, huwag kayong tatawag-tawag dito kung assignment lang ni Junior ang tatanungin niyo dahil Knowledge Power lang ang makakasagot nun. Ang aking lang eh mga love problems, social problems, major problems, problem solving at identifying the problem sa scientific method. Hehehe.
O bueno, may sumulat sa atin via snail mail mga kaibigan. Kawawa naman ang Pinoy na ito dahil parang hindi pa napasok ng kompyuter, internet at e-mail ang buhay niya. Dahil diyan, mananawagan na ako sa mga may mabubuting loob at tira-tirang computer na bigyan niyo naman siya kahit 5 MB lang ang storage.
Anyway, aba English yung anyway ah, ayos! Hehehe. O siya, anyway, aba English ulit! Kita niyo na, nagbebenefit din po yung pag-sit in ko sa mga English classes ng mga Koreano dahil natutunan ko na ang ‘anyway’. Ayan, siya nga pala, galing sa Nueva Ecija ang sulat natin sa araw na ito at ang pangalan niya eh Kyowa. Heto po ang kanyang liham:
“Dear Ate Atchara, kapag nabasa niyo ang sulat na ito ay malayo na ako. Alagaan mong mabuti ang mga anak natin lalo na si bunso. Hindi siya kumakain ng Cerelac lang at dumedede ng S-26. Maselan ang katawan niya kaya kailangan imported ang foods niya. Hindi ko ginustong umalis pero mayaman, hindi sakang at nanood ng Oh Tokyo ang Hapon na may gusto sa akin.”
“Ay wait, sensya na Ate Atchara, nadadala kasi ako ng pinapanood ko eh. Biruin mo, nagsasalita yung sulat? Saan ka pa? Anyway, isang malugod na pagbati. Ako po si Kyowa Rice D. Spencer mula sa bayan ng Nueva Ecija.  Nagkakamali po kayo kung inaakala niyong kamag-anak ko sina Jackie Rice o Spencer Reyes pero isang US Marine ang aking ama.”
“Pero, kebs ko na kay tatay. Masaya na kami ni nanay dito at sulit na kami sa pinapadala niyang karton ng canned goods, damit, tsokolate at mga kurtina kada buwan. Ang sulat pong ito ay tungkol sa aking nyorwa na si Kyorli Gasbi. Naging masaya po ang mga unang yugto ng aming pagsasama. Hahahahahahahahaha, ganyan po kasaya. Pero nitong mga nakaraang araw, inuubos na po ng NFA ang kanilang lahi ng mga bigas kaya po hindi na po nalalayo ang araw na iiwan niya na rin ako at maiimbak na siya sa bodega.”
“Hindi ko po alam ang gagawin ko. I feel empty kapag wala siya. Mahirap naman po maghanap ng kapalit niya dahil ubos na nga po sila. Tulungan niyo po ako, in cash or in kind po ayos na. Pero kung mahahanap niyo po siya, maga-alay po ako ng itlog sa Santa Clara bilang pasasalamat. Malugod na sumusubaybay, Kyowa.”
ATE ATCHARA: Alam mo Kyowa,….(pansamantala po namin pinuputol ang palabas na ito dahil ginawang origami ng anak ng aming direktor ang mga film strips naming. Pero in fairness, ang ganda ng ginawa niyang swan ah)
Hay naku, hindi na natin sana hinayaang umabot pa sa ganito ang krisis sa bigas mga kaibigan. Kung lumala pa yan, mapipilitan ang lahat ng Pilipino na sumali sa mga pa-raffle ng mga PTA ng mga eskwelahan tuwing Family Day dahil mga sako ng bigas ang consolation prize nila.
At dahil pa sa krisis na yan, may nagtatago na ng mga stock ng bigas sa mga warehouse. Kumita lang talaga ng malaki kahit magutom ang iba. Diyos ko, eh bakit hindi na lang nila ipagamit ang mga bodega nila sa mga film companies na gumagawa ng action movies. Hindi naman nawawala ang bodega sa pelikulang ganun, di ba? At kapag ganun, kumita ka na, nakapagpapirma ka pa ng Exped Socks kay Ronn-Rick. Hehehe.
Pero seryosong usapan, hindi biro ang nakaambang rice shortage na ito ah. Kaya heto ang mga paraan upang makatipid tayo sa bigas:
Siyempre, marami pang paraan para makatipid sa bigas. At speaking of bigas, namimigay po pala ang SOCO ng mga libreng bigas sa lahat ng kanilang branches nationwide. Hindi po NFA Rice ang pinamimigay nila. Mas magandang klase po ito dahil zero fat at may Omega 3 po ito. At ang bigas na tinutukoy ko ay ang Gus Abel-bigas. Hehehe. Sok-o! Sceneofthecrime…..o-peh-ratives! Hehehe.
Babushka Major!